Sixteen

31.6K 993 150
                                    

Hindi alam ni Michelle kung saang lupalop na siya nakarating. Medyo malayo-layo na ata ito sa hotel nila, basta nakita nalang kasi niya ang sarili na naglalakad malapit sa dalampasigan. Kumukuha siya ng mga litrato tapos ay magmamasid lang ng mga nasa paligid. Maraming mga dayuhan na narito, karamihan ay mga grupo-grupo.

May nakita pa nga siyang international artists kanina na pinagkakaguluhan ng iba. May mga nadaanan siyang bar na meron ng nag-iinuman.

Ibang-iba ang Maldives sa Ibiza. Parang lahat ng tao na makikita mo rito ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Tamang-tama lang para sakanya. She needs this distraction. Baka kasi nanatili sila sa Maldives na tahimik, ay wala siyang ibang gawin kundi isipin si Adam which she doesn't need anymore.

Nang nakita ang oras sa phone niya ay napagpasyahan niya ng bumalik. It's almost five pm, she needs to go back, take a shower before Brent knocks on her door for them to eat.

Saktong six pm ay natapos na siya sa pag-aayos. She wore her white shirt the stops above her belly button. Her denim shorts and slippers. She tied her ash blonde hair into braids on both sides. Naglagay lang siya ng powder sa mukha, inayos ang kilay, added some cheek and lip tint. Sprayed a little perfume and she's finished.

Six thirty nang sunduin siya ni Brent para kumain na sila ng dinner. He's wearing his plain white shirt, black pedal shorts and his mandals. His hair is tied into a half bun. Dumiretso sila sa open air restaurant ng hotel. Kakain muna sila bago sila magshoot ng party na gaganapin mamaya.

"Lumabas ka ba or nagstay ka lang sa room mo?" tanong sakanya ni Brent nang makakuha na sila ng pagkain sa buffet table.

"Lumabas ako. I took some pictures." sagot niya. "Let's eat?"

Tumango si Brent at sabay silang umusal ng maikling dasal bago kumain at nagkwentuhan.

"First time mo ba na pumarty?" tanong niya habang nilalantakan ang pagkain nila.

"Here in Ibiza? Nope. It's actually my third time. Kasama ko sila Vaughn two years ago dito." sagot nito.

Tumango-tango siya. "So, mahilig ka magwalwal talaga?"

Natawa si Brent sa sinabi niya. "Walwal?"

"Walwal. Iyong party-party, ganon. It's a term for 'getting wasted'." sabi niya.

Tumango-tango si Brent. Uminom ito sa juice bago siya sinagot. "Hindi naman madalas. But I never get wasted. I was before, and it didn't turned out good."

"Bakit naman?" usisa niya.

"You don't want to know. Kumakain tayo." natatawang sabi nito.

She shrugged. "Hindi naman ako maselan." sabi niya.

Sandaling pinakatitigan siya ni Brent bago ito nagkibit-balikat at sinagot ang tanong niya. "I just woke up surrounded from my own puke with a naked woman beside me."

Nalukot ang mukha niya sa sinabi nito. "That's.. gross. You had sex and you puked on her."

Natawa si Brent. "No? I don't remember, actually. Tsaka matagal na iyon, college pa. Hindi ko pa kayang kontrolin ang pag-inom. You know, sabik ba. Pero I've learned my lesson, I still party and drink but I know my limits."

Nangalumbaba siya at tinignan ang malaking bonfire na natatanaw niya sa malayo. Doon sa malaking open area ng beach club gaganapin ang party. Naka-set na ang stage para sa mga tutugtog na DJ's.

"Gusto ko rin maranasan iyon minsan." sambit niya.

"Alin? To get drunk?" tanong nito habang hinihiwa ang T-bone steak nito.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRWhere stories live. Discover now