Eighteen

6.2K 281 20
                                    

Nasa tapat na 'ko ng bahay nila Cass para isabay siya sa school. Makakapasok na daw siya dahil magaling na siya.

Nag bukas ang pinto sa passenger seat at sumakay siya. "Hindi mo 'ko dinalaw kahapon ah." 'Yan agad ang bungad niya at sa tono niya nag ta-tampo siya.

"Pasenya na, may nangyari lang." Ang totoo nawala sa isip ko kahapon na bisitahin siya dahil ang ginawa ko lang mag hapon kahapon ay mag mukmok sa kwarto ko at umiyak sa tuwing naaalala na nakipag hiwalay na sa'kin si Jack. Buti na nga lang walang pasok kahapon eh, nabigyan ako nang pagkakataong mag mukmok.

"Anong nangyari?" Tanong niya.

Sinimulan ko ang pag mamaneho. "Mahabang istorya."

"Makikinig ako."

Huminga ako ng malalim at nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko pati 'tong luha ko nag ba-badya na namang tumulo. Nakakainis sobrang sakit talaga.

"Wala na kami ni Jack." Naramdaman kong tumulo 'yung luha ko na naman. Pinunasan ko agad 'yun gamit ang kamay ko.

"What the... nag kasakit lang ako may ganyan na agad na balita? Anong nangyari?"

"Nung isang araw, pina-kidnap ako ni Steven Montano para gamiting panakot kay Jack para mag patalo ito sa laban. Sinunod 'yun ni Jack kaya mabilis lang akong naka balik na parang walang nangyari. Natakot si Jack na maulit 'yun that's why he decided na makipag hiwalay na sa'kin."

"Oh my god! Magkakasakit ata ulit ako sa narinig ko. Bakit ginawa 'yun ni Steven? Eh diba dating mag kaibigan sila ni Jack?"

"Exactly! Dating magkaibigan kaya ginawa niya 'yun. Wala na siyang pakialam kay Jack kaya pati girlfriend nito dinamay niya." Now i think about it more, naiisip kong kasalanan 'to lahat ni Steven. Kung hindi niya 'ko kinidnap edi sana hindi mag iisip na makipag hiwalay sa'kin si Jack. Edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon. Edi sana masaya pa din kami ngayon ni Jack.

"Ibang klase! Buti hindi ka sinaktan ni Steven?"

"Siguro dahil nalaman niyang kapatid ako ni Kuya Alfred na kaibigan niya din kaya kahit pa-paano 'di niya 'ko sinaktan para lang mas takutin si Jack."

"Ang dami palang nangyari nung nagkasakit ako." She comments.

"Tama ka."

"Ayos ka lang ba?" Sincere niyang tanong. Umiling lang ako bilang sagot. Kung 'yung iba tatanungin ako kung ayos lang ako sasagutin ko sila ng Oo pero dahil best friend ko ang nag tatanong useless ang mag sinungaling dahil kilala niya 'ko. Malalaman niya kung okay ba talaga ako o hindi.

Nang makarating kami sa school parking, laking pagtataka kung bakit inaabangan pa din kami ng mga kaibigan ni Jack.

Sabay kaming bumaba ng kotse tsaka naman sila lumapit sa'min. "Hi, girls." Bati ni Miggy pero nakatingin lang siya kay Cass.

"Hindi ba kayo nasabihan ni Jack na wala na kami? Kaya no need na rin para abangan nyo kami dito." Medyo pag ta-taray ko.

"Wala na kayo ni Jack?" Gulat na tanong ni Luke.

"Oo. Kaya simula ngayon hindi nyo na kailangang mag pagod para abangan kami at ihatid pa sa classroom." Hinawakan ko na sa kamay niya si Cass at hinila na palayo sa kanila.

Dumiretso sa classroom ang paghila ko kay Cass. May kasama pa ngang pag mamadali ang paglalakad ko eh baka kasi sundan pa nila kami at tanungin pa 'ko ng kung ano-ano.

Umupo din naman agad kami ni Cass sa silya namin. "I'm surprise hindi pa nila alam ang about sa break up nyo." Cass comments. Hindi lang ako sumagot. Wala ako sa mood para isipin pa 'yun.

For Badboy's Eyes OnlyWhere stories live. Discover now