Twenty Eight

5.9K 276 20
                                    

Jack ⇨ POV

Natapos ako sa pag wa-warmth up ko sa pamamagitan ng pag suntok ko sa punching bag.

Umupo ako sa sofa habang umiinum ng tubig. Habang nakaupo ako hindi ko maiwasang maisip ang mahal kong si Anna kaya napapangiti ako.

Akala ko after kong saktan ang damdamin niya hindi na kami magiging okay, lalo na't after kong makipag hiwalay sa kanya halos isumpa niya 'ko. Buti nalang talaga kahit na nasaktan ko siya hindi parin nawala ang feelings niya para sa'kin isang malaking luwag sa dibdib 'yun lalo na't nag paparamdam na rin sa kanya si Steven.

Naiinis talaga sa tuwing naiisip kong nagugustuhan na din siya ni Steven? Kung tuluyan siyang pormahan nito siguradong wala akong panama.

Ano bang laban ko sa isang mayaman?

Siguro kung noon baka sakaling may laban pa 'ko dahil nakakaluwag luwag din naman kami noon tulad ni Steven, na bankrupt lang. Ang tingin ko dahil sa pagka-bankrupt kaya noon na aksidente si Papa, dahil masyado niyang dinamdam.

Huli na nang malaman ko 'yun, wala kasi akong inatupag noon kundi makipag basag ulo kasama sila Steven at Aj.

Narinig na nag ring ang cellphone ko na dahilan para mawala ako sa iniisip ko. Kinuha ko lang 'yun at nakita kong si Aj ang tumawag.

"Dude, bakit?" I asked.

"Nasaan ka?"

"Nandito lang sa bahay, bakit?"

"Pumunta ka sa tambayan natin dati."

"Ngayon na ba?"

"Oo! Bilisan mo ah!" He ended the call.

Ano kayang pag uusapan namin? Wait, 'di kaya tungkol kay Anna? Tutal nabanggit na nga daw ni Anna kay Aj ang tungkol sa pagkakaroon niya ng feelings sa'kin. Kung tungkol nga 'to doon, chance ko na rin 'to para masabi ang feelings ko para sa kapatid niya.

Pumasok nalang ako ng kwarto ko, dumiretso ako sa bathroom para maligo muna bago ako pumunta dun.

Sa pag tapos kong maligo, nag bihis lang ako sandali at nang magawa ko 'yun umalis din naman agad ako ng bahay.

Sumakay ako sa motor ko at sinimulan 'tong paganahin.

Inabot din ata ng lagpas kalahating oras ang byahe ko hanggang sa makarating ako sa lumang half-court na tinatambayan namin dati.

Pinatay ko 'yung makina ng motor ko at sinimulang lumapit sa court. Inilibot ko ang tingin sa paligid at nakita ko si Aj na nakatingin lang sa lumang ring.

"Ba't mo 'ko pinapunta dito?" Tanong ko kaya nabaling ang tingin niya sa'kin.

"Sasabihin ko kapag dumating na si Steven."

"Pupunta din dito si Steven?" Kunot noo kong tanong.

"Ganun na nga!"

"Bakit?"

Akala ko si Anna ang paguusapan namin, hindi naman pala.

"Para matapos na ang tampuhan nyo!"

I sighed. "Dude, 'wag ka ng umasang matatapos pa 'to. Malabong mangyari 'yun."

"Tama siya!" Dinig kong boses ni Steven kaya nabaling ang tingin namin sa kanya. "Wag ka ng umasang magkaka-ayos kami!"

"May hindi lang kayo pagkaka-intindihan, bakit hindi nyo pagusapan?" Aj said.

"Kalokohan!" Sabay naming sabi ni Steven.

"Look," Naglakad si Aj papunta sa pagitan namin ni Steven. "Mahigit dalawang linggo nalang babalik na 'ko ng Canada at hindi ako makakapayag na bumalik ng Canada na hindi kayo nagkakaayos! Kaya ayusin nyo 'yan, 'wag kayong parang babae na ang tagal ng tampuhan."

For Badboy's Eyes OnlyWhere stories live. Discover now