Nineteen

6.2K 280 51
                                    

I'm done preparing for school.

Lumabas ako ng kwarto at sakto din ang labas ng Kuya ko sa kwarto niya. Purmado siya kaya for sure may gala siya.

Until now 'di pandin ako maka paniwalang nandito na siya ulit.  Nakakalungkot din dahil nandito lang siya for vacation ng isang buwan lang.

Siguradong matutuwa si Cass na nandito na ang boyfriend daw niya. Malas nga lang niya dahil one month lang, sana naman mag ka-develop-an sila sa loob nang isang buwan. Mukhang masaya kasi kung maging sister in-law ko nga ang best friend ko.

"May lakad ka Kuya? Kararating mo lang kahapon gagala ka na agad?"

"Plano kitang ihatid sa school. Namiss ko din kasi 'yung Montano University, baka may makita akong dating mga kakilala."

Sigurado 'yun. Mangunguna na dun si Jack. Haay! Naalala ko na naman siya.

"Kung ganun mag kikita din kayo ni Cass dahil lagi ko siyang isinasabay pumasok."

Ngumiti ang mokong. "Si Cassie? Gusto ko na rin siyang makita." Aba't akalain mo nga naman oh! Siguradong mag tatatalon sa tuwa ang best friend ko 'pag nalaman niyang gusto siyang makita ni Kuya.

Nag lakad na kami pababa at dumiretso kaming dalawa sa kusina kung saan naabutan namin si Mama na nag hahain.

"Good morning, Ma." Sabay naming bati ni Kuya.

"Good morning mga anak." Mom greeted, lively.

Lumapit sa kanya si Kuya at niyakap ito mula sa likod. "Ma, 'wag ka naman masyadong pahalatang masaya kang nandito ang paborito mong anak."

"Excuse me Kuya, ako ang paborito ni Mama." Pagaangal ko.

"Ako kaya!"

"No, me!"

"Tumigil na nga kayong dalawa! Wala akong paborito sa inyo!" Mama said. Kuya and i just laughed.

Pumwesto na kami ni Kuya para kumain ng breakfast, pangit naman kung aalis kami nang walang laman ang tyan.

Nang matapos kaming dalawa kumain, nag paalam lang kami kay Mama tsaka naman kami lumabas ng bahay. Si Kuya dumiretso sa pag sakay ng driver's seat ako naman sa backseat. Dahil supportive best friend ako gusto kong tabi sila ni Cassie habang nasa byahe.

"Bakit nandyan ka?" Pagtataka ni Kuya.

"Si Cassie kasi dyan sumasakay sa passenger seat." I explained.

"Oh! I see." Sa pag start ni Kuya ng makina, itinuro ko sa kanya kung saan 'yung bahay ni Cassie para dun siya huminto. Sinabihan ko din siyang mag busina para alam ni Cassie na nandito na kami sa labas ng bahay.

Nakita ko mula sa bintana ang palabas ng bahay na si Cassie, dire-diretso lang siya sa pag bukas ng pinto at pag sakay ng kotse na parang 'di manlang napansin na si Kuya 'yung driver.

"Good morning, Cass." I greeted.

"Good-" Hindi niya natuloy ang.pagbati sa'kin nung bigla niyang binaling ang tingin sa driver. "Oh my god!"

Bigla niyang hinawakan sa magkabilang pisnge si Kuya na pinagtaka nito, syempre. "Totoo ba 'to? A-Alfred?"

"Ako nga." Biglang bumitaw si Cass sa pagkakahawak nito sa pisnge ni Kuya at tila nahiya na may kasamang ilang.

"So-sorry, na ano lang... uh... na b-bigla lang." Nauutal na sabi ni Cass. Tinakpan ko ang labi ko gamit ang kamay ko para pigilan ang tawa ko.

"Nabigla o talagang gusto mong hawakan ang mukha ko? Ang gwapo ko nu?" Biro ni Kuya.

For Badboy's Eyes OnlyWhere stories live. Discover now