Chapter 7: Tips on how to be famous in Wattpad

1.7K 67 12
                                    


Tips on how to be famous in Wattpad

Marami ang nagtatanong sa akin nito. Sa totoo lang, kahit ako ay hindi rin naman sikat pero kahit papaano ay may followers naman ako. At iyon ay dahil nagawa ko ang ilan sa mga tips na ibabahagi ko sa inyo ngayon. Wala ring kasiguraduhan na magiging sikat kayo kung gagawin ninyo nga ito dahil marami namang sumikat without doing all of these, but that is because sinuwerte lang talaga sila without exerting too much effort. If you think na hindi ka gano'n ka-swerte eh you should at least try to be on the top. Lahat naman nagsisimula sa umpisa eh.

Alam naman ninyo sa Wattpad na kung minsan, bago mo mapatunayan na magaling ka ay dapat na may fame ka rin kahit papaano. Kung pwede nga lang sana na matanggal na lang sa Wattpad ang likes, votes, reads, followers at puro comment na lang ang matira para wala nang discrimination sa mga sikat o hindi eh maganda sana. Kaso nasa reality tayo at mahalaga ang mga ganoong klaseng bagay dito kaya if you want to be known here in Wattpad, here are the list of do's and don'ts that may help you in your career path.

DO's

1) MAKE YOUR STORIES, MODERN AND EASY TO UNDERSTAND

Karamihan ng mga readers ngayon sa Wattpad ay mga teens. Hindi sila iyong mga tipo na mahihilig magbasa ng mga malalalim na tagalog na makikita na rin nila sa mga textbooks sa school. Mas gusto ng mga readers sa ngayon ang TAGLISH dahil mas modern tingnan.

Mas mukha ring professional basahin kapag medyo maraming English na nakalagay sa story. Malaki ang magiging target market mo kasi iyong mga may kaya/mayaman o mahihirap na readers ay pwede mong mahikayat. Make your story simple pa rin syempre. Huwag kang masyadong gumamit ng malalalalim na salita para mas maintindihan nila agad.

Kung kaya mo namang pure English eh pwede mo ring gawin. Para kahit ang mga foreign readers ay makapagbasa rin ng gawa mo.

2) JOIN A CLUB

Makakatulong ito sa 'yo dahil dito ka pwedeng mag-promote ng stories at makakakilala ng mga taong may parehas na interes. Karamihan kasi ng mga makaka-interact mo sa mga clubs ay naka-categorized per genre. Kung ROMCOM ang forte mo ay may mahahanap kang club na gano'n din ang genre na gusto ng mga kapwa mo writers o readers. Most of them ay nag-te-trade ng reads for reads. Kumbaga, kung babasahin mo ang story nila ay babasahin din nila ang iyo. Kung beginner ka ay pwede kang magsimula muna sa ganito.

3) BE A READER.

Kahit sabihin mo pa na pure writer ka eh kailangan mo ring magbasa para maka-survive ka sa Wattpad. Hindi mo malalaman ang trend kung hindi ka titingin sa mga common type of stories na napupunta sa WHAT'S HOT. Good opportunity na rin ito para maging ka-close mo rin ang ibang mga wattpaders na nagbabasa rin ng stories mo. You can support each other's stories. Make them feel na hindi ka madamot at willing ka ring maging isang generous reader. Kung gusto mong makakuha ng magandang feedback, just do the same too. Huwag kang kuripot magbigay ng teleseryeng comment, vote at like. Isang pindot lang naman. Hindi naman siguro mahirap gawin 'yun 'di ba?

4) HAVE A CHAT.

Kung may internet connection kayo ay kaibiganin mo ang mga followers at idols mo. Anong malay mo, maging reader mo rin sila? Mahihiya ang mga iyon na hindi basahin ang works mo kapag close na close na kayo. He-he-he...

5) Do Promotions. Make yourself visible.

Kapalan na ng mukha ito! Ha-ha-ha... Walang nabubuhay dito sa Wattpad na hindi makapal ang mukha. Kung gusto mong mapansin, magpapansin ka! He-he-he... Kung kinakailangang mag-plug ka sa mga pages and groups sa FB na may kinalaman sa watty, go! I-PM mo rin ang mga naka-online sa chatbox mo para mag-promote. Pero syempre, make sure that you will do it correctly. Matuto ka namang gumalang, hindi iyong basta ka na lang maglalagay ng link sa isang friendlist mo na wala man lang pagbati sa unahan. Maglagay ka ng kaunting teaser tungkol sa story mo sabay link ng story mo. They will understand dahil nag-umpisa rin naman sila sa bago. Hindi madaling mag-promote dahil some people may just ignore you but you really need to do it kung gusto mong mapansin. Hindi naman kasi lahat ng writers eh nabiyayaan ng swerte na mapansin agad.

30. Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)Where stories live. Discover now