Chapter 9: Mga Bagay Na Sana Ay Mayroon Sa Wattpad

1.2K 49 9
                                    

Mga Bagay Na Sana Ay Mayroon Sa Wattpad

Sa kasikatan ng Wattpad ay ang dami na ring nagbago. Maraming nadagdag pero marami ring nabawasan. Marami ring pwedeng i-improve sa mismong website ng Wattpad na wala pa rin dito. Ito ang ilan sa mga nakikita kong pwede pang i-improve sa Wattpad:

1) DISLIKE BUTTON

Kung mayroong vote button, hindi na rin naman masama kung magkakaroon ng dislike button ang Wattpad katulad ng youtube.

Marami kasing silent readers sa isang story na kung minsan ay tinatamad na mag-comment. Kung puro vote lang kasi ang makikita mo sa isang story mo ay hindi ka magkakaroon ng idea kung maganda ba ang update mo o hindi. Iyong iba kasing readers ay wala ring lakas ng loob na mag-comment kung hindi nila feel ang story mo.

Sinasabi ng iba na mas malaki ang disadvantage nito kasi baka mag-cause pa ito ng mga pag-aaway sa Wattpad pero atleast, malalaman mo kung ano ang tunay na opinyon ng madla dahil kahit hindi man direktang sabihin sa'yo ng readers na hindi nila feel ang update ay malalaman mo pa rin kung nag-dislike sila. Sa ganitong paraan din, kahit papaano ay makakakuha ka ng kahit kaunting reaction from the silent readers.

2) THUMBS UP and DOWN FOR THE COMMENTS OF THE READERS

Mayroon ding ganito sa youtube. May mga comments kasi na masarap bigyan ng thumbs up dahil nasapol nila ang gusto mong marinig mula sa mga reader at mayroon din namang comment na nakakainis at as a writer eh gusto mo ring bigyan ng thumbs down para maiparamdam sa reader na hindi mo na gusto ang comment nila katulad ng iba't-ibang klase ng rants, hate messages at super demanding na panghihingi ng update.

3) CHATBOX

Mayroon nang ganito ang Wattpad noon pero tinanggal lang nila. Ang sabi ng iba, kaya raw siguro tinanggal ay para maiwasan ang spam at pangungulit ng ibang readers na kapag nakikita nilang online ang favorite author nila ay tatagain na ng chat.

Pero sa totoo lang, isa ito sa pinakamagandang bagay na mayroon ang Wattpad noon. Dahil kasi rito ay active halos lahat noon. Mas accessible sa lahat na makipagkaibigan dahil nakakausap nila real time ang ibang wattpad users. Ngayon kasi ay kailangan mo pang hanapin sa facebook ang isang certain user para lang maka-chat mo siya.

Dahil sa pagkawala ng chatbox sa Wattpad ay naging kaunti na lang ang active rito. Ang iba ay nag-wa- Wattpad na lang talaga para mag-upload ng story o kaya naman para magbasa ng comments.

4) MORE GENRE

Napansin ko na maraming kulang sa mga genre na nakalagay sa Wattpad. Ni walang category na drama rito. Mas maganda sana kung dadami pa ang category na ilagay nila.

5) MORE SECURITY

Marami nang naging issue ang Wattpad tungkol sa ibang mga writers na na-plagiarize ang gawa nila. Kapag kasi gumamit ka ng web browser o mobile device, kahit na sino ay pwede nang i-copy paste ang gawa mo. Sana ang Wattpad ay gawan pa ito ng paraan para talagang totally wala nang makakakopya na kahit sino sa gawa mo.

6) FAVORITE AUTHORS/FRIENDS

Minsan sa sobrang dami nang pina-follow mo eh nakakahilo nang tumingin sa following list mo. Sana ay pwede mo ring i-customize iyong list of favorite authors mo para mas mabilis mong makita ang profile ng isang certain wattpad author.

7) MINIMUM AGE POLICY

Mayroong mature na tag o restricted story ang nakalagay sa mga SPG stories pero nababasa pa rin ito ng mga bata as long as naka-follow sila sa isang particular na author.

Sana ay napi-filter ng system ng Wattpad kung nasa tamang edad na ba ang isang particular Wattpad user base sa mga detalye na nilagay niya sa account niya. Lalo na kung 13 years old below, sana kahit naka-follow man o hindi, hindi pa rin dapat niya ma-a-access ang mga stories na may restricted content.

30. Cristina's Guide For Online Writing (PUBLISHED BY PSICOM)Where stories live. Discover now