Chapter 08

3.2K 110 8
                                    

[Rie's POV]

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng mesa ni Principal... tama nga sila Louie at Blaze sinasabon na nga ako ngayon ng sermon ni Principal dahil sa ginawa ko kahapon...

Wala akong nagawa kundi ang makinig sa kanya hanggang sa matapos a ito sa kakadada...

"Principal, tapos na po ba kayo?", tanong ko sa kanya.

"Oo... puwede ka ng pumunta sa klase mo.", Principal.

Nagpaalam na ako kay Principal, kinuha ko ang gamit ko sa mesa ko saka ako lumabas ng faculty room at naglakad na paputa sa classroom ng 4D...

"Good-------- *PAK*"

Napapikit ako dahil sa eraser na tumama sa ulo ko. Narinig kong nagtawanan ang mga estudyante ko...

Mga pasaway...

Tinanggal ko ang eyeglasses ko saka ko sila tiningnan ng masama...

"ANO SA TINGIN NIYO ANG NAKAKATAWA?!", angil ko sa kanila.

Natahimik silang lahat at tulalang napatingin sa'kin... napatakip ako ng bibig...

"Ah he he he... Ahm... Okay oras na para sa klase!", sambit ko sabay lakad papunta sa teachers table ko.

At gaya ng dati... maingay at magulo na naman sila ulit...

"*sigh* Ahh guys... mag-a-attendance ako? *taas ng class record sabay turo*", ako.

Hay naku... wala talaga silang pakialam...

Hindi nila ako pinansin at nagpatuloy lang sila sa pag-iingay...

Binuksan ko ang attendance sheet ko sabay tingin sa mga pangalan na nandun...

*DOOR OPENED*

Natahimik ang buong 4D at sabay-sabay kaming napatingin sa may pintuan, nakita namin si Win na nakatayo roon.

"Win.", sambit ko sabay ngiti.

Tiningnan lang ako ni Win saka ito naglakad papunta sa upuan niya.

"*smile* OKAY! Oras na para sa klase!", sambit ko.

"Bakit parang biglang mas humyper ata ang isang 'to?", Freyal.

[Win's POV]

Tumungo ako sa mesa ko saka ko ipinikit ang mga mata ko... maya-maya pa'y naramdaman kong may kumalabit sa'kin...

Iniangat ko ang mukha ko para tingnan ang kumalabit sa'kin... nakita ko si Kieth, nakangiti ito sa'kin...

"Welcome back! *smile*", sambit nito.

"*smirk*", ako sabay tungo ulit sa mesa ko.

[Drake's POV]

Naglalakad ako papuntang canteen ng makita ko si Kieth na nakaupo sa staircase papuntang school ground, may hawak itong relo at base sa itsura ng relo ay mukhang mamahalin ito...

Napakunot-noo ako...

Paano nagkaroon ng ganung kamahal na relo si Kieth gayong ulila na ito sa magulang at sapat lang ang kinikita ng lolo niya para pagkain nila at sa pag-aaral niya?

Nagkibit-balikat nalang ako saka nagpatuloy sa paglalakad papuntang canteen...

[Rie's POV]

"Goodmorning!", bati ko kay Kuya Reiko na nagbabasa ng diyaryo sa hapag-kainan.

Umupo ako sa isa sa mga upuan sa hapag-kainan, nakita kong umupo si Papa sa kabilang dulo ng mesa.

"Goodmorning, Pa.", bati ko dito.

"Goodmorning, Anak.", bati nito pabalik sa'kin.

Kumuha na ako ng pagkain saka ako nag-umpisang kumain...

"Isa na namang pawnshop ang ninakawan kagabi. Tsk.", Kuya Reiko sabay tiklop ng diyaryo at lapag nito sa mesa habang naiiling.

"Talaga? Grabe na talaga panahon ngayon.", sabi ko habang isinusubo ang tinapay na hawak ko.

* * *

Southville High....

"Goodmo------- Anong meron?", tanong ko sa mga co-faculty member ko.

"Ginawa na naman ng batang 'yon!", Mr. Reyes.

Napatingin ako kay Mr. Reyes ng kunot-noo...

"Tingnan mo ito, Ms. Sawada.", Principal sabay lapag ng diyaryo sa mesa na naroon.

Nakita ko agad ang balita tungkol sa pawnshop na nilooban kagabi...

"Ah 'yan! Nabasa ko 'yan kanina. Grabe na talaga ang---------"

"Isa sa mga suspek ay isa sa mga estudyante mo.", Principal.

Kunot-noo akong napatingin kay Principal, saka ako napatingin sa mga kapwa ko Teacher na naroon, umiiwas sila ng tingin sa'kin...

"'Wag niyong sabihin na naniniwala kayo... *sarcastic laugh* NICE!", pagkasabi ko nun ay agad kong kinuha ang gamit ko saka ako lumabas ng faculty room.

"Ms.Sawada!", Principal.

Hindi ko pinansin ang pagtawag sa'kin ni Principal dahil sa sobrang inis ko sa kanila...

Habang naglalakad papunta sa classroom ng 4D ay hindi ko naiwasang magdamdam...

"Ang mga teacher na 'yon! Paano nila nagagawang husgahan ang isang inosenteng bata ng ganun kadali kahit wala pang pruweba na guilty ito.", alburuto ko.

Tumigil ako sa harapan ng classroom ng 4D at as usual maiingay na naman ang mga ito.

Binuksan ko ang pintuan ng classroom, natigilan ako ng makita ko si Kieth na nasa gitna ng kumpol ng mga kaklase niya...

"Hoy, aminin mo na kasi na isa ka sa mga magnanakaw na 'yon!", Diego sabay tadyak kay Keith.

Nagulat ako sa ginawa ni Diego kay Keith...

"Hindi namin kailangan ng magnanakaw sa klase na 'to kaya kung ako sa'yo umalis ka na------------", Raul.

"WALANG AALIS SA KLASENG ITO!", sigaw ko.

Napatingin silang lahat sa akin, nilapitan ko si Keith saka ko ito tinulungang tumayo pero hinawi lang nito ang mga kamay ko.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot.

Hinarap ko ang buong 4D saka ko sila tiningnan isa-isa...

"Paano niyo nagagawang manghusga agad ng isang tao ng walang sapat na ebidensya? Gan'un na lamang ba kadali iyon sa inyo?!", sabi ko sa kanila.

Teacher Rie S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon