Chapter 20

2.9K 139 13
                                    


[Rie's POV]

Nakita ko si Blaze sa labas ng sinasabi nitong warehouse kung saan pumasok sila Freyal.

Agad akong lumapit sa kanya.

"Nasaan sila?", tanong ko sa kanya.

" Nasa loob", sagot niya.

Tumakbo ako papunta sa main door ng warehouse kasunod ko si Blaze.

[Drake's POV]

Bagsak na silang apat pero patuloy pa rin ang mga itong tinatadyakan ng grupo nila Andrew, wala akong magawa dahil nakatali ako at may nakatutok pang kutsilyo sa leeg ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng paluin ng tubo ni Andrew si Diego sa paa.

"TAMA NA!", sigaw ko.

Pero parang walang narinig si Andrew dahil paulit-ulit nitong pinapalo sa paa si Diego.

" TAMA NAAAAA!",naiiyak kong sigaw.

"AHHHH!", hiyaw ni Diego ng paluin ulit ni Andrew ang paa niya.

Nakita kong itinayo ng mga kasama ni Andrew sila Freyal,Kieth at Win.

" Pagmasdan niyo ang kaibigan niyo na malumpo! Hahahaha! Drake. Drake. Drake. Pagmasdan mo kung paano ko lumpuhin ang Kuya mo.", sabi nito sabay taas ng hawak nitong tubo.

Pinalo ulit nito si Diego sa paa at napahiyaw naman si Diego sa sobrang sakit.

"TAMA NA!", sigaw ni Freyal.

" ITIGIL MO 'YAN!", Kieth.

"HUMANDA KA SA'KIN 'PAG NAKAWALA AKO DITO!", sigaw naman ni Win habang pilit na kumakawala sa taong nakahawak sa kanya.

Ngumisi lang si Andrew saka nito itinaas ulit ang hawak niyang tubo, papaluin ulit nito si Diego.

"DIEGOOOOO!"

*KA-BLAG*

Natigil kaming lahat at napatingin sa bumagsak na pintuan ng warehouse kung nasaan kami.

Pumasok mula roon ang isang babae.... ang homeroom teacher namin!

[Rie's POV]

Tinignan ko ang mga naroon saka nadako ang tingin ko kayla Freyal, Kieth at Win, may mga pasa ito sa mukha.

Napatingin naman ako kay Drake, nakatali ito sa upuan at may mga sugat sa mukha at putok ang labi nito pati ang kanang mata nito.

"Diego!"

Napatingin ako sa tinitignan ni Drake nakita ko si Diego na nakahiga sa sahig at hindi gumagalaw at doon na umakyat ang dugo ko sa ulo.

"Sino ka?", tanong sa'kin ng lalaking may hawak na tubo.

" Tatanungin kita. Ikaw ba ang may gawa niyan sa estudyante ko?"

Nakita kong tumaas ang gilid ng labi ng lalaki saka nito ipinatong sa balikat niya ang hawak nitong tubo.

"Oo ako nga. Pinagbayad ko lang ang mahal-----"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at agad ko siyang sinikmuraan, napahiga ito  habang hawak ang tiyan niya.

[A/N]

Sinugod si Rie ng isa sa mga kasama nito na may hawak din na tubo agad na sinalo ni Rie ang tubo na ipapalo sana ng lalaki sa kanya at dahil doon ay hindi niya napansin na may papalo din sa kanya mula sa likuran.

Buti nalang at nandoon si Blaze, agad nitong sinalo ang tubo na tatama sana sa likuran ni Rie.

Sabay na tinadyakan nila Rie at Blaze ang dalawang lalaki na nasa harapan nila.

Teacher Rie S2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang