Chapter 1

951 45 6
                                    

SIMON POV

Hi, I'm Simon Percy Manansala, 17 years old, 1st year college course Medical Technology and you can call me simon or perce! Nerd ako at laging nabubully dahil sa suot ko at sa itsura ko lalo na sa suot kong salamin kaya nagmumukha akong mahina. Totoo naman kasi talaga hahaha. Buo ang pamilya ko kahit hindi kami mayaman, Okay lang basta sama sama kami. Unang araw ng pasukan at bawal ako ngayong mahuli dahil bagong eskwelahan ang papasukan ko ang Sky Down University isa akong pensiyonado ng eskwelahan na yan puro mayayaman ang mga nag-aaral dyan hehe.


"SIMONNNNNN!" ayan na yung nanay ko napaka ingay talaga ng bunganga pero wag kayo ahh! Mahal ko yan.


"Bakit po nay?" sigaw ko pabalik haha. Bakit ba gusto ko eh? mas malakas pa yung sigaw ko kesa sa sigaw niya kanina. Demonyo! HAHAHA.


"Lintek kang bata ka! Bakit mas nilakasan mo pa ang sigaw mo sa'kin?! Kumain ka na dito baka malate ka pa!" sigaw ni nanay, ako? tawa lang ng tawa. Nakakatawa talaga nanay ko hehehe.


Napailing nalang ako bago ko suotin ang salamin ko."OPO NAYYYYYYYY!" tugon ko pabalik HAHAHA masyado ba kong masaya pagkatapos kong sabihin yun bumababa na ko para mag-agahan.


Babatiin ko na sana siya ng unahan niya ko. "GOOD MORNING ANAKKKK!" lintek talagang bunganga ng nanay ko parang nakalunok ng megapon HAHAHA!


Napanguso nalang ako, nakakabingi kasi ehh. "GOOD MORNING RIN NAY!" pagkasabi ko non hinalikan ko na siya sa pisnge, pagkatapos umupo na ako at kumain. Ayoko ng magsalita para di na tumalak yang nanay ko.


Napansin kong parang wala pa yung kapatid ko kaya nagtanong ako kay nanay. "Nay, nasaan yung pogi kong pogi?" tanong ko. Nagulat nalang ako ng may bumatok sa akin. Muntik ko ng mailuwa yung kinakain ko. Peste!


Napahawak ako sa ulo ko. Tangina talaga! Pagkatingin ko sa likod ko yung mukha palang aso na kapatid ko na poging pogi sa sarili niya ang bumatok sa'kin. Pwe! Tinignan ko siya ng masama. "Bakit mo ko binatukan!?" inis kong tanong kay red. Yeah! He's name is Red Manansala.


Tumawa lang si red saka niya tinapik  ang balikat ko. "Hindi kita babatukan kuya kong hindi mo sinabing poging pogi ako sa sarili ko! hehe." tugon niya saka siya umupo sa tabi ko. "Totoo naman kasi talagang pogi ako at hindi lang ako ang nagsasabi non! Marami!"  nakangising dagdag pa niya HAHAHA.Napatingin ako sa kanya, seryoso ba siya? Nagulat ako ng bigla nalang niya ulit akong binatukan. Putek! Literal na masakit na talaga yon, napalakas siya ng batok.


Napasinghal ako ng di oras. "Tangina ka talaga red!! Nakakarami ka na."
tinignan ko siya ng masama bago ako tumayo. Tangina! Gagantihan ko lang. Nakakarami na talaga yang unggoy na yan, babatukan ko na sana ng bigla siyang tumakbo palayo kaya hinabol ko siya. Bwiset! ang bilis niya tumakbo, hindi ko man lang mahabol habol. Napatingin ako sa orasan, putspa! Mahuhuli na ko sa klase! Kinuha ko agad ang bag ko at nagmadaling lumabas kaso may nakalimutan ako kaya bumalik ako ulit, nakalimutan kong mag paalam. "BYEEE NAY AT SA MUKHA KONG ASONG KAPATID, HINDI PA TAYO TAPOS MAMAYA KA SA'KIN!"



HOLY SHIT! Muntik na ko mabangga kanina habang papunta ako sa eskwelahan na 'to. Ang ganda talaga nung babaeng nakita ko kaya hindi ako nakapagsalita agad at bigla nalang akong umalis habang tinatanong ako ni manong. Nagulat ako ehh! Pagpasok ko sa tarangkahan, napauwanag agad yung bibig ko. Tangina! Ang ganda. Pagpasok palang kita mo na agad yung kalahati ng eskwelahan tapos makikita mo agad yung mga iba't- ibang silid. Pupunta ako ngayon sa silid ng principal, kailangan ko pa kasing kausapin yung prinsipal kasi nga presman ako. Sa tingin ko nga yung mga nag-aaral ngayon sa eskwelahan na 'to ay yung mga dati ng nag-aral dito kaya nakakamangha talaga dahil napakalaki talaga ng unibersidad na 'to hehe.

Tumingin muna ako sa pinto ng silid na prinsipal baka kasi may ibang kinakausap yung prinsipal ng makita kong wala kumatok muna ako bago ako pumasok. Napatingin sa'kin yung prinsipal bago siya sumenyas na umupo ako sa upuan na nasa harap ng lamesa niya. "Good morning Mr. Manansala." bati agad ng prinsipal sa'kin. Ayy putspa! Bakit kilala niya ko?


Ngumiti nalang ako kahit nagtataka pa rin ako. Bakit na niya ko kilala? "Good morning rin po." bati ko pabalik. tumango siya bago niya ilabas yung polder na nasa ilalim ng lamesa niya.


Tumingin muna siya sa'kin bago siya ulit magsalita. "Mr. Manansala, alam kong nagtataka ka kung bakit kilala na kita? Tama ba ko?" natatawa niyang tanong. Tumango ako agad, totoo naman talaga.


"Opo." Tinignan ko yung pangalan niya na nasa maliit na kahoy na pahaba. Mr. Kenneth Aureus.


Tumingin lang siya sa polder bago siya ulit tumingin sa'kin. "May kaibigan kasi akong teacher sa paaralan na pinapasukan mo dati at nasabi niya sa'kin na napakatalino mong bata." pagpapaliwanag niya. Ngumiti nalang ako, ayoko kasi sa lahat yung pinupuri ako. Ang abnoy ko di ba? HAHA.


"Ahh ganon po ba. Salamat po." Nahihiya kong tugon. Nilapag na niya yung polder sa lamesa niya bago niya inabot sa'kin yung kulay asul na papel. "Hindi dapat kinakahiya ang mga ganyang bagay Mr. Manansala..."


Napayuko ako sa sinabi ni Mr. Aureus. Alam ko naman na dapat talagang ipagmalaki ang mga bagay na natatanggap lalo na kung achievements yon. "Alam ko naman po 'yon pero dapat alam din po natin kung kailan at saan lang dapat na sabihin yang mga ganyan..." tugon ko saka ko inabot yung asul na papel.


Ngumiti si Mr. Kenneth. Bakit parang iba yung ngit niya? Ohmyghad HAHA. "Ngayon alam ko na." nakangisi niyang sambit. Napakunot naman yung noo ko, magsasalita pa sana ako ng may idinagdag pa siya. "Sa susunod nalang ulit tayo magkwentohan. Pumunta ka na sa silid mo mahuhuli ka na sa klase, nandyan na lahat sa papel, lahat ng gusto mong malaman." napatango ako bago ako tumayo at yumuko saglit para magbigay galang hehe.

"Salamat po, mauna na po ako." Tumayo si Mr. Kenneth sa inuupuan niya saka siya lumapit papunta sa'kin.

"Okay, Mr. Manansala and Welcome to the University." Masayang sabi niya bago niya ko ihatid palabas ng opisina niya. Pagkatapos non nag ikot ikot muna ako para makabisado ko na 'tong unibersidad masyado kasing malaki eh. Habang nag-iikot ako maraming tumitingin sa'kin yung iba nagbubulongan at nagtatawanan. Napayuko nalang ako dahil sa hiya, alam ko naman na nerd ako pero ayaw ko ng ganito yung lahat ng atensyon na sa'kin.  Hayst, masanay ka na simon bago 'tong eskwelahan mo at may mga bagong mang-aapi sa'yo.


"I'm Simon Percy Manansala the nerd." 



****
Alright! Pasensya na sa mga mali. First story ko kasi ito kaya marami pang dapat itama. Thank you sa pagbabasa! Enjoy Reading.

Falling For The PlaygirlWhere stories live. Discover now