GABRIELLA POVPagkarating namin sa kusina, agad kong tinignan ang ref. namin pero sa hindi inaasahan nakalimutan ko palang wala kaming cake ngayon. Punyetang yan! Magbabake nalang kaya ako? Hehehe. "Simon, wala kaming cake magbabake nalang ako hehehe." Sabi ko sabay lingon kay simon. Nakita ko yung pag ngiwi niya, ayaw niya talaga na makasama ako. So sad! Choosy pa talaga siya, ganda ko kaya hihihi.
Napakamot muna si simon sa ulo niya bago siya ngumiti. "Uhmm sige. Ano ba pwede kong maitulong?" Nahihiya niyang tanong sa'kin. May idea ako! Papahirapan kita! Punyeta ka, para naman makapagbayad ka sa atraso mo sa'kin. Ngumiti ako ng nakakaloko bago ko kunin ang mga gagamitin ko.
"Kunin mo nalang lahat ng kailangan kong ingredients hehehe." Utos ko saka ko sinimulang ituro ang mga kukuhain niya. Ano pa kaya pwede ipagawa dito sa unggoy na 'to!? Bwahahaha.
*After 30 minutes*
"Gabriella may papakuha kapa ba?" Pagod na tanong ni simon. Kawawang simon! Pinahiya mo kasi ako kaya mabuti yan sa'yo. Inayos ko muna yung pagkakadecorate ko sa cake bago ako tumingin sa kanya.
Ngumiti ako. "Wala na, thanks simon!" Pagpapasalamat ko sabay pahid sa kanya ng icing tapos na kasi ako mabake at magdecorate hehehe, sadyang pinakuha ko siya ng gamit na hindi ko kailangan para naman may magawa siya. Ang bad ko!
Nakita ko yung gulat sa mukha niya hihihi. Tinignan niya ko ng masama. "GABRIELLA!!!" Sigaw ni simon sabay kuha ng icing. Ayy punyeta! Babawi 'to. Tumakbo ako agad papunta dun sa lamesa na pabilog. Oh my god! Napatili ako ng malapit na niya ko mahabol buti nalang nakailag ako sa kanya saka naman ako tumakbo papunta sa lababo hehehe. Hindi niya ko matatalo sa habolan dahil sanay na ko na may naghahabol sa'kin hehehe. Ano daw!?
"Kawawang simon pagod ka na ba?" Asar ko sa kanya saka ako bumelat. Hindi niya na ko mahabol, mabilis kaya ako lalo na kapag ako hinahahabol hehehe.
"Tsk! Ayoko na. Wala naman kasi akong ginagawa sa'yo bigla-bigla ka nalang namamahid ng icing tapos pinagod mo pa ko." nakanguso na sabi niya, nararamdaman ko rin na naiinis talaga siya huhuhu. Pake ko naman!? Hahaha. Habang nag-iisip ako may bigla nalang namahid ng icing sa pisnge ko. Punyeta! Bwiset acting lang pala niya 'yon pero infairness pwede na siyang mag-artista napaniwala niya ko!
"NAPAKA DUGA! KAILANGAN PA BANG UMACTING NG GANON!?
"Sus! Mabagal ka lang talaga."
"Anong mabagal!? Maduga ka lang talaga."
"Anong maduga dun?"
"Yung pang eeme mo!"
"Sorry Gab, masyado lang talaga akong magaling mang-eme hehehe." Biro niya sabay kindat sa'kin. Tinignan ko lang siya ng masama, lalapit palang ako sa kanya lumayo na agad siya.
"Hehehe. Alam ko na yang galawan mo."
"Ha?"
"Alam ko na kako yang galawan mo."
"Ohh tapos?"
"Wala lang. Talon ka una ulo hehehe." Biro ni simon. Pinunasan niya yung noo niya bago siya ngumiti sa'kin ng nakakaloko. Iba rin talaga!
Napangisi ako ng may naisip akong plano hehehe. Huli na yan sigurado. Tinignan ko siya ng nakakaloko saka ko siya hinabol pero ng malapit na ko sa bilog na lamesa. Nagkunwari akong natapilok. "Ouch. My foot huhuhu!" Naiiyak kong sambit. Hahaha hindi lang ikaw ang magaling mang-eme ako rin. Nakita ko yung paglaki ng mata niya saka siya patakbong lumapit sa'kin.

ESTÁS LEYENDO
Falling For The Playgirl
Novela JuvenilGabriella Bernardo is a self proclaimed playgirl, self-centered and charismatic. She like's to play every boys that she wants and when she's already done with it. Itatapon niya na ito na parang basura. There's a man try to change her and that is Si...