Chapter 2

522 43 1
                                    

GABRIELLA POV

Hi, I'm Gabriella Chandria Bernardo 17 years old, 1st year college course Public Health. You can call me gab or chands, playgirl ako at wala akong pake kahit may nasasaktan ako na mga lalaki o babae pa yan. Ang alam ko sa sarili ko na maganda ako hehehe pero may isang kulang sa buhay ko hindi buo ang pamilya ko dahil sa tatay kong walang kwenta. But it's okay! Ohh yes! Isa pala akong bernardo kami lang naman ang may ari ng isang sikat na pagawaan ng damit sa pilipinas. Nagulat ako ng may sumigaw ng napakalakas. Wtf.

Napairap nalang ako sa hangin. "CHANDRIA WAKE UP!" sigaw ni mamsh. Oh my god! Ang aga aga ganyan agad. Tsss.

"Just wait! I'm going to take a bath first." naiiritang tugon ko. My gosh! Nagmadali akong kumuha ng mga gagamitin ko bago ako pumasok sa banyo. Bahala siya dyan! Tatagalan ko pagligo ko.

Napatakip ako sa tenga ko ng sumigaw nanaman si mamsh pagkababa ko."GOOD MORNING PRINCESS!" tapos bigla nalang akong nakaramdam ng inis, yan kasi ang tinatawag ng daddy ko sa'kin and i hate him so much.

"Mommy, please stop calling me princess!" reklamo ko tapos umupo na ko sa tabi ni mommy, napansin ko na parang lumungkot yung mukha niya dahil sa sinabi ko. Napatitig ako sandali bago ako bumuntong hininga.

"Mommy please stop that! Fine, you can call me princess.." napipilitang tugon ko. Isip bata talaga mommy ko pagkatingin ko sa kanya nakangiti na. Napailing nalang ako bago ako ulit kumain, pagkatapos kong kumain nagpaalam na ko kay mommy. Papunta na kong school ng bigla nalang tumigil ang kotse na sinasakyan ko. Fuck!

Napatingin ako sa labas. Ano bang nangyayari? "Manong Ade, bakit ka tumigil?" naiiritang tanong ko. Pagdidrive na nga lang, hindu pa magawa ng maayos.

Lumingon sakin si manong ade bago siya magsalita. "Ma'am, may muntik na po tayong mabangga." tugon ni manong ade. Napairap nalang ako sa kanya bago ako bumaba ng kotse. Isa din kasing bobo 'tong taong muntik na naming mabangga, hindi din tumitingin sa dinadaanan.

Pinagkrus ko ang mga braso ko saka ko siya tinaasan ng kilay. "Hey Mister! get out of the way. I'm already late!" singhal ko sa lalaki. Pagkatingin ko sa kanya nakatitig lang siya sa'kin. Ganon ba talaga ako kaganda? Napairap nalang ako bago ko iniwan don yung lalaki. Fuck! He didn't say anything. Ayaw kong pinaghihintay ako kaya pumasok na ko sa sasakyan saka ko tinignan si manong.

"Manong ade, pakiayos tutal ikaw naman yung muntik ng makabangga dahil sa katangahan." Walang interes na utos ko. Naiinis na talaga ako, tss! Ang aga aga sinisira agad ang araw ko dahil lang sa katangahan niya. Stupid moron!

Tumango si manong ade. "Ma'am sorry po talaga, sige po gagawin ko na." tugon ni manong ade. Napairap nalang ako, ang dami pang sinasabi. Peste! Malalate na ko.

"Shut up, just do it!" Mataray kong sabi sa kanya. Bakit ba maraming tangang tao ngayon? Lumabas na si manong ade at linapitan yung lalaking nakatulala pa rin. Nakita kong tinapik ni manong sa balikat yung lalaking nakatulala.

Binuksan ko yung bintana para marinig ko yung pinag-uusapan nila. "Sir, okay ka lang po ba? Sorry po talaga. " Usal ni manong ade.

Inayos nung lalaki yung salamin niya bago siya ngumiti kay manong ade. "Okay lang ako manong." sagot nung lalaki bago tumayo at naglakad palayo kay manong ade. Buti naman! Pumasok na si manong sa sasakyan at nagmadaling paandarin.

"Let's go!" Pumalakpak pa ko, ngumiti si manong ade sa'kin saka nagdrive papuntang SDU.

Pagkababa ko ng sasakyan, napangisi agad ako. Sige! Masilaw kayo sa kagandahan ko hehehe. Habang naglalakad ako nakita ko yung dalawa kong bespren na nagbabangayan kaya pinanood ko muna sila. Napapaisip din ako kung bakit ko naging mga kaibigan yang mga yan?

Muntik na kong matawa ng paluin ni serena, si riena sa braso. Tinignan ni riena ng masama si serena. "What the heck!" inis na singhal ni riena kay serena. Mga baliw talaga!

Pinagkrus ni serena ang mga braso niya saka ito ngumisi. "Hindi ko sinasadya hehe." nakangiting sabi ni serena na parang ng iinis pa. Napahawak si riena sa noo niya halatang naiinis na talaga. Hindi magpapatalo yan, sigurado ako.

Nakita ko yung pagbatok ni riena kay serena. Kita? Haha. "Why did you do that?" iritang sabi ni serena bago niya ito irapan. Isa ding tanga di ba? Magtatanong kung bakit ginawa ni riena yun ehh siya naman yung nauna.

Tinaasan ni riena ng kilay si serena. "Bakit sino na una ha?" Matapang na tanong ni riena, nakita ko yung pagngisi ni serena na parang may ibang ibig sabihin.

"Malamang ako kaya ka nga na inis, bobo talaga kahit kailan." tugon ni serena. Hahaha wtf! Nakakatanga nga talaga yung tanong ni riena kaya pati ako napailing-iling nalang.

Inirapan ni riena, si serena. "Ako bobo? Tawanan lang kita." Mga tanga! Hahaha. Nakita ko yung paghahamon sa mata ni serena.

"Then go!" natatawang sabi ni serena, napairap nalang si riena bago ito tumawa. Ayan ang kinalabasan ng katangahan nila hehehe. Minsan napapaisip talaga ako kung bakit naging bespren ko yang mga yan ay hindi pala minsan lagi. Naglakad na ko papalapit sa kanila, ang iingay! Binatukan ko sila parehas kaya parehas silang napatigil sa kakatawa.Yung mukha nilang dalawa, nakakatawa HAHAHA. Ohmyghad!

Parehas silang napasigaw. "ARAY!" Napahawak sila sa ulo nila, bago sila lumingon sa'kin hehehe nandito na ang maganda niyong kaibigan. Tinignan nila ako ng masama, napairap nalang ako bago ko sila iwan dun. Bahala kayo dyan. Ayon hinabol ako at sumabay na sa akin, Habang papasok na kami maraming nakatingin sa amin ano pang bago? lagi naman eh kilala yung grupo namin na "Queen Bitches " Kaming tatlo puro malamig ang pakikitungo sa iba. Wala kaming paki kong may nasasaktan pero sila serena at riena hmmm. Hindi sila playgirl ako lang, bitch lang sila. It's okay maganda pa rin yun. Habang nasa hallway kami papunta sa room namin may isang pamilyar na mukha ang nakita ko.

Lalapitan ko sana kaso tinawag na ko ni serena. "Chands, tara na pasok na tayo." Tumingin ako ng saglit kay serena bago ako sumenyas na mauna na kayo. Tumango siya bago sila naunang pumasok, pagkalingon ko ulit sa hallway wala na yung tinitignan ko kanina. Namumukhaan ko talaga siya ehh, parang nakita ko na siya kanina. Napailing nalang ako bago na ko pumasok sa classroom.

"I'm Gabriella Chandria Bernardo the playgirl."




*****
Hi guys masyado bang maikli haha bawi nalang ako sa next chapter. Sorry guys ang ikli huhuhu, pakisupport pa rin po! Please vote and comment guys.

Falling For The PlaygirlOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz