Chapter 11

988 39 5
                                    

"Mads, Tumahan ka na. Jusme, naaawa na ko sa mata mo." Sabi ni Jia kay Maddie na kanina pa iyak ng iyak mula nung umalis si Bea. Pulang pula na ang mata nito at halos hinde na rin ito makahinga pero wala paring tigil sa pag-iyak to. "Deanna! Kumuha ka nga ng tubig sa baba! Please!" Sabi ni Jia kay Deanna na ngayon ay kasama rin nila sa kwarto nila Bea. Agad naman itong tumango at bumaba.

Pagkaalis kasi ni Bea kanina, Agad pumasok sila Jia sa room nila Mads upang itanong ang nangyari, kaso hinde naman nila malaman ang eksaktong pangyayari dahil nga umiyak agad si Maddie nung nagkekwento eto. Nakarinig kasi sila Jia ng sigawan sa room nila Mads kaya agad nila itong pinuntuhan at tama nga sila dahil nagkasagutan ang dalawa, at bago pa sila makapasok kanina, lumabas na si Bea na mukhang galit na galit din.

"Maddie naman kasi, Chill ka lang, Tama na muna ang iyak mo." Sabi naman ni Mich na nagaalala na rin kay Maddie. Hinagod niya ang likod nito pero wala paring epekto dahil alam niyang malungkot ang kaibigan nya, at hinde naman niya masisi si Bea dahil alam niya ang pinagdadaanan nito.

"K-kasi naman, naiinis ako sa kanya! Nagaalala l-lang naman ako pero bakit ganun yung sinabi nya!" Inis na sabi ni Maddie at pumatak na naman ang luha nya. Hinde niya mapigilan maiyak dahil sa sakit at lungkot na nararamdaman niya, Hinde niya kasi akalain na masasabi ni Bea yun. Sinisisi rin niya ang kanyang sarili dahil alam niyang mali rin siya dahil parang ang pinapalabas ni Bea sa sinabi niya ay masyado siyang sinasakal ni Maddie. Nung kinausap kasi nila sa baba si Bea alam na ni Maddie na may problema na ito, at nagaalala rin siya lalo na nung narinig niya na umiiyak ito sa phone nung nagkausap sila, kaya agad niyang sinundan ito sa taas upang kausapin kaso nagulat siya na dito humantong lahat. "Sabi niya hinde raw kami mag jowa! Alam ko yun. Kapal niya! Nag-aalala lang naman ako."

Napailing na lang si Mich sa mga narinig nya, Alam niyang hinde na nakapagpigil si Bea kanina at naiinis siya dun. Alam ni Mich na hinde kasalanan ni Maddie kung bakit nagkagusto sa kanya si Bea, pero mas lalong hinde kasalanan ni Maddie na si Jeb ang gusto niya. Napailing naman si Mich dito at nanggigil.

"Tapos, Nagagalit pa siya kasi nagaalala ako! Ganun naman talaga pag magkaibigan diba?" Malungkot na tanong ni Maddie tsaka nya pinunasan ang luha nya. Hinagod naman ni Jia ang likod nito pero hinde parin matanggal ang lungkot at sakit sa puso ni Maddie. Galit siya kay Bea pero mas nagagalit siya sa sarili niya dahil alam niyang nainis sa kanya si Bea, at ayaw naman niya nun. Hinde rin niya matanggap ang mga sinabi sa kanya ni Bea, lalo na't siya ang naghintay kay Bea hanggang umaga dahil alam niyang umiiyak ito nung nakausap niya sa phone nya. Alalang alala siya nung tinawagan niya si Bea at marinig na umiiyak ito, alam niyang may problema ang kaibigan niya pero wala siyang magawa upang tulungan ito.

"Tahan na Mads, Para kang nakadrugs oh! Pula pula na ng mata mo." Sabi ni Mich at binatuhan niya ng bimpo si Maddie, agad naman itong pinampunas ni Mads. Tinago lang ni Mich ang inis na nararamdaman niya kay Bea. Napatingin naman siya kay Jia at alam niyang pati ito ay naiinis na rin kay Bea. Umalis muna sila sa kwarto nila Mads at pinagpahinga ito. Nakasalubong naman nila si Deanna na may dala dalang tubig para kay Maddie, tumango lang ito sa kanila at pumasok na sila sa kwarto nila. Naabutan nila si Kat na nakaupo sa kama nito, kasama ni Ana na tahimik rin. Nakisiksik si Jia sa gitna nito at si Mich naman umupo sa kama niya at pumikit.

"I cant believe na nangyayari tong mga to." Sabi ni Jia at napahawak sa sentido nya. Nalulungkot rin siya dahil feeling nya hinde siya dapat ang naging captain dahil hinde niya macontrol minsan ang teammates niya. Nung si Ly kasi ang Captain nila, lahat maayos. Pero ngayon nagulat siya dahil may nagaway na sa mga teammates niya, Aminado siya na hinde naman maiiwasan yun pero yung ngayon kasi iba na. May nagaway at may iyakan din na nangyari. Feeling niya tuloy kasalanan niya dahil hinde niya mabantayan ang mga teammates niya ng mabuti. "Mali talaga na ako ang captain eh, Sa tingin ko, hinde ko talaga kayo mabantayan ng maayos."

SomedayWhere stories live. Discover now