Maddie:
Lumabas ako ng kwarto namin ni Bea para pumunta sa kwarto ni Jho, hinde ko rin naman matiis si Bea, kaya after ng pag-uusap namin ni Deanna, iniwan ko muna siya sa kwarto namin, pinilit rin niya kong kausapin si Bea at iwan ko raw muna siya dun dahil makikitulog siya.
Nang makarating ako sa harap ng kwarto nila Jho, kumatok muna ako ng dalawang beses bago ko buksan yung pinto, naabutan ko naman si Jho na nakahiga sa bed niya habang hawak yung phone niya, napatingin naman agad siya sakin bago niya ko tanungin.
"Yes?" Tanong niya sakin kaya napailing ako at napatawa. Wala lang.
"Si Bea?" Tanong ko dahil siya lang yung naabutan ko rito, wala na si Bea.
"She went outside, tumawag yata si Thirdy sa kanya eh." Sagot niya kaya napatango ako.
"Ah.." Yun na lang ang nasabi ko bago ako mapatango. "Thanks Jho."
"Puntahan mo na lang sa labas, andun pa yung dalawa."
"Sige." Sabi ko atsaka ako lumabas na. Bumalik na lang ako sa kwarto ko at naabutan ko si Deanna na nakasilip sa bintana namin which is sa side ng bed ko, tumabi naman ako sa kanya at tinignan ko rin yung sinisilip niya.
"Hinde ka ba nagseselos sa kanilang dalawa?" Tanong ni Deanna sakin habang nakatanaw parin kay Thirdy at Bea na ngayon ay nagtatawanan.
Napailing naman ako, ewan ko, hinde talaga ako nagseselos sa kanila eh, siguro dahil alam kong mahal naman ako ni Bea at ilang beses na niyang sinabi sakin na wala siyang gusto kay Thirdy, okay na ko dun. Panatag na yung loob ko.
Pero hinde ako sure about kay Thirdy, hinde ko alam kung may gusto ba siya kay Bea or wala. Ewan ko, hinde ko naman siya nakakausap about diyan, pero kung may gusto man siya kay Bea, nirerespeto ko yung feelings niya.
But ofcourse, Bea is mine.
"Ikaw Ate Mads, Sa tingin mo ba may gusto si Kuya Thirdy kay Ate Bea?" Tanong ni Deanna sakin. Hinde naman ako umimik sa kanya kasi sabi ko nga, hinde ko alam.
"I dont know." Yun na lang yung sinagot ko sa kanya. Sana wala. Madalas ring nababanggit ni Bea sakin na sobrang close niya si Thirdy na parang kapatid niya na rin ito, so sana, wala talaga.
"Feeling ko meron eh." Sagot sakin ni Deanna at natawa.
Sigurado akong malulungkot si Bea if ever na meron ngang feelings si Thirdy sa kanya, siyempre, pag nagkagusto ka sa isang tao, hinde naman pwedeng walang magbabago sainyo at katulad ng sabi ko, sobrang close rin ni Bea si Thirdy.
"Well, kung meron man, edi meron." Sagot ko na lang sa kanya. Wala eh, ang ganda po ni Bea eh.
"Hmm, bagay naman sila." Napatingin naman ako sa sinabi niya at napataas ang kilay ko. So anong point niya dun?! "P-pero mas bagay kayo siyempre." Biglang bawi niya kaya napairap ako. "Akala ko ba kakausapin mo si Ate Bea?"
"Kausap niya si Thirdy diba?" Sarcastic na tanong ko sa kanya.
"Edi sumama ka sa kanila diba?" Balik na tanong rin niya sakin.
"Ay nako Deanna, ewan ko sayo." Inis na sagot ko at umayos na lang ng upo.
"Joke lang Ate Mads, eto naman galit agad eh." Sagot niya at umayos rin ng upo. "Tayo na lang muna mag-usap since wala si Ate Bea at wala rin si Ponggay, so wala akong kausap."
Napatingin naman ako sa kanya bago ako ngumiti ng malapad dahil sa sinabi niya.
"What?" Takang tanong niya bago magkasalubong yung kilay niya.