Bea:
Kakatapos lang ng game namin against Lasalle at nasa Arena parin kami. Iniinterview yung Player of the game namin while kumakanta yung Lady spikers sa kabila. Nanalo kami sa game namin today and Iam really thankful dahil dun, Thanks G! Nung first and second set, akala ko talaga makukuha na ng Lady Spikers yun, pero siyempre, hinde naman agad kami magpapatalo, hinabol talaga namin yun. Kabado kami ng mga teammates ko kanina habang naglalaro lalo na't magaling talaga yung kalaban namin. Pero siyempre, ayaw naman madismaya sila Coach kaya ginalingan talaga namin. Sayang yung mga sacrifice namin but naging worth it naman sa huli. Ang hirap kasi ng ginawang practice namin nitong mga nakaraang-araw para sa laban namin ngayon but Iam very happy dahil nanalo kami.
Puro hiyawan ang naririnig ko at titig na titig din yung ibang mga fans samin. Kasabay ng hiyawan ng fans ng LaSalle ay sumasabay din yung fans ng Ateneo, at nung kami na yung kakanta ng Ateneo Hymn, nagsigawan na yung mga fans namin at lahat rin ng atensyon napunta na samin na agad nagbigay ng kakaibang pakiramdam sakin. Hinde siya yung nakakatuwang pakiramdam, it makes me feel uncomfortable. Ayoko ng maraming nakatitig sakin dahil feeling ko kayang kaya nila akong husgahan. Ayoko ng gantong, feeling ko talaga bantay lahat ng galaw ko, kahit nanalo kami, feeling ko parin, madaming mang-huhusga sakin, at nagsimula yung gantong pakiramdam ko simula nung naissue ako sa babae, first kay Mads, sumunod kay Jho. Hinde ako naiilang dahil naissue ako sa babae, na kesyo may gusto daw ako sa isa sa teammates ko, na Bisexual daw ako, hinde yun dun. Naiilang ako kasi alam kong totoo na. Nagkatotoo na dahil nagkagusto na ako kay Mads.
Natatakot talaga ako dahil feeling ko alam nila yung nararamdaman ko para kay Mads. Ayoko ng titig na binibigay nila sakin dahil para nilang sinusuri kung ano ba talaga ako, at ayoko rin may makahalata na may gusto ako kay Mads dahil sigurado ako, puro pang-huhusga ang matatanggap ko, at baka pati si Mads madamay pa. Napailing na lang ako bago ako tumungo. Kaya hinde ko rin malapitan si Mads eh, ang daming nakatingin samin at yung ibang tao, magaling mang-husga. Parang bantay na bantay talaga lahat ng ginagawa ko lalo na paglalapit ako kay Mads. Ewan ko ba kung bakit ako bigla na lang nakaramdam ng ganto, pero isa lang ang alam ko, takot lang talaga ako mahusgahan.
Ngumiti na lang ako para matago ang nararamdaman kong kakaiba. Ayoko rin ng may nakakapansin ng tunay kong nararamdaman kaya mas mabuti ng ngumiti na lang ako at mang-inis lagi kesa mag-pakalungkot ako dahil sa mga naiisip ko.
Natapos na kaming kumanta kaya naman pumasok na kami sa dugout. Nag-ayos lang kami sandali at nagdasal din bago kami pinagpahinga muna dito. Nakita kong nanood sila Mom and Dad kanina, kasama nila si kuya kaya sigurado akong hinde ako makakasabay sa team dahil gugustuhin nila Dad na sila ang makasabay ko sa pagkain.
Napangiti na lang rin ako ng makita ko yung teammates ko na masayang nag uusap-usap, at yung iba naman nag-papamasahe.
"Hey Ana, Para kang natalo diyan ah?" Asar ko kay Ana ng mapansin ko na nakasimangot to at nakahawak sa tiyan niya.
"Nagugutom na ko!" Inis na sabi niya kaya naman natawa ako.
"Patay gutom! Ay!" Asar ni Jules sa kanya.
"Fuck you! Kainin kita eh." Sabi ni Ana bago niya inirapan si Jules.
"Wag Ate. Baka mafood poison ka." Sabat namin ni Sydney kaya mas lalo akong natawa. Sila yung laging mag-kaaway sa team. Umagang umaga pa lang maririnig mo na yung maingay na boses ni Sydney na inis na inis kay Jules pero pag-katapos naman mag-away, magkakaayos rin sila.
"Aray! Payag ka ba nun Jules?" Sabi ko bago ako ngumisi kay Jules.
"Weh! Maliit ka lang eh!" Sagot ni Jules at nagumpisa na naman silang mag-away kaya tuwang tuwa na naman kami.