Author's Note

130 2 0
                                    

Welcome po sa Polaroid - Collection of Short Stories. Ito nga po pala ay bagong librong sinusulat ko ngayon bukod pa po sa Isabel's Diary. Sa librong ito, koleksyon to ng mga short stories. May mga bagay kasi talaga sa utak ko na minsan, ang hirap gawan ng mahabang nobela. Kaya pag may tumakbo lang na ideya sa utak ko, isusulat ko agad sa librong ito.

Nakakagawa kasi tayo ng short stories kapag minsan naboboring. Kapag di natin alam kung ano ang gagawin natin, may mga kuwento o movies nalang na nagpiplay sa isip natin di unti-unti tayong nakakagawa ng kuwentong kakaiba. 

Di regular ang post dito. Kung may maisip lang talaga akong kuwento, isusulat ko agad dito. May mga bagay lang talaga sa isip ko na kapag di ko na express through story or movie, sasabog utak ko. Pero karamihan kasi sa mga kuwento dito sa short story na ito ay based sa true to life stories... may iba namang napadaan lang sa isip ko tapos yun.

Enjoy sana ninyo ang pagbabasa. Dito rin kayo kumuha ng ideya kung sakaling nasa mood kayo gumawa ng kuwento. Pero paalala lang po, lahat ng stories dito ay originals ko. Wala po akong balak ipatama sa ibang tao ang mga stories dito. Kung natatamaan kayo, kasalanan niyo na yun, di ko na kasalanan yun. SALAMAT po sa mga readers.... Enjoy!

PolaroidDonde viven las historias. Descúbrelo ahora