Entry #12

320 7 0
                                    

Nagising ako sa ingay nang Boses ni Mama sa baba.

Ikaw ba naman mag-karoon ka ng nanay na Singer.

Bumaba na ako at Naligo pag-katapos eh kumain na ako ng Almusal kasabay si Mama at First day Nito sa Trabaho.

"Anak, May problema ba?" sabi niya habang ako naman ay nag-babasa ng Lecture namin mamaya.

"Wala naman po!" sabi ko.

"Parang naging malinis ka na sa sarili mo at nag-Blooming ka" sabi niya.

Napatingin naman ako kay Mama.

"Anak may boyfriend ka na ba sabihin mo lang" sabi niya.

Nasamid ako habang umiinom ng Kape at dumeretso sa Ilong ko.

Kumuha ako ng Malapit na tissue paper, Napatingin ako ng Masama.

"Ma parte ng paglaki yun diba?" sabi ko.

"Oo nga naman sige kumain ka nalang, Ang masasabi ko lang wag ka muna mag-boyfriend anak kakatapos mo pa lang ng Elementary Lumalandi ka na kaagad!" Sabi ni Mama habang nag-memake up.

"Alis na ako bye mag-ingat ka tandaan mo sinabi ko wag mag BF" sabi niya at halik sa Noo ko.

Umalis si mama at ako naman ay napasinghal nalang, Paano ko magiging boyfriend pangalan ko nga di niya alam eh.

Nakakainis Mag-aaugust na at malapit narin ang Exam kaya puro ako aral ngayon, Tinapos ko na ang pag-kain ko at nag sipilyo.

Lumabas na ako ng bahay at Nalasalubong ko si Harold at sabay kaming Pumasok na dalawa at dinala niya pa ang bag ko.

Naweweirduhan na sana ako ng makita ko si Tita Heidi na nag-ttwinkle ang mga Mata.

Juskoo po.

"Bakla bakit ba ayaw mo pa umamin" sabi ko ng pabulong.

"Ayoko nga, Gusto mo ba akong Ma chop chop ni Pudra at ni Mudra" Sabi niya.

Pumasok kami ng Gate ng School At bigla niyang binigay saakin ang bag ko.

Nakita ko naman si Richard at si Jerian sa may gate kasama ang mga kaibigan ng Kuya niya.

Napansin naman niya ako at si Harold kaya naman bigla siyang sumigaw "Harold!!" sigaw niya.

Napukaw ang atensyon ng kuya niya at Papatingin na ito at bigla akong nagtago ako sa Likod ni Harold.

Tsaka Tinulak si Bakla at pinang-takip ko kay Richard.

Umalis na ako at yun nag-mamadali kaming pumunta sa Classroom namin.

Dun lang ako nakahinga ng Maluwag.

"Ayan nakita mo nanaman ang Papa mo" sabi ni Harold saakin.

"Oo nga bakla" sabi ni Jerian at Hampas kag Harold, alam narin ni Jerian na Bakla itong si Harold.

"So what!?" sabi ko.

"Pumunta kayo mamaya sa Bahay nandun sila Kuya" sabi ni Jerian.

"Ayoko nga nahihiya ako sa mga pinag-gagawa ko at baka mamukaan ako ng Kuya mo kaya wag na!" sabi ko.

"Duh!, As if naman na kilala ka niya tinanong ko nga kung sino kaibigan ko si Harold lang kilala niya" sabi naman ni Jerian.

Nalungkot naman ako dun.

"Sorry, Ikaw naman kasi bakit ba ayaw mo mag pakilala?" tanong ni Jerian.

"Kasi nauunahan na ako ng Kaba" sabi ko naman.

Nag-buntong hininga naman siya.

Ang sakit naman isipin na di ako kilala ng Crush ko, eh kaibigan ko naman ang Kapatid niya.

Oh well Mag-sisipag nalang ako sa Pag-aaral para maabutan ko ang Year Level niya.

Dear Diary: Crush ko siya! Di niya ako kilala! ang sad diba ■Complete■Where stories live. Discover now