Last Entry

281 9 0
                                    

Bukas na ang alis ko pero ilang araw narin ang nakalilipas simula nang umamin ako kay Richard na gusto ko siya. Nandito ako sa kwarto at nilalagay ang mga gamit ko sa malaking travel bag ko. Simula kasi nung araw na iyon ay hindi na niya ako minimessage para maglaro ng Xbox siguro kahit siya na-awkwardan saakin pero hindi naman ako mapakali dahil na kokonsensya ako, para pinapalabas ko na siya  pa ang may kasalanan.

Nag-lakas loob akong pumunta sa bahay nila Jerian kahit gabi na nag-paalam ako kay Mama at umalis. Nag-doorbell ako at eksaktong si Richard ang nag-bukas halata sa mga mata niya ang pag-kagulat.

"Bien?!"

"Pasok ka" sabi niya.

Umiling ako.

"Hindi na ako papasok may gusto lang akong sabihin sayo" huminga ako ng malalim it's now or never.

"Totoo ang sinabi ko kahapon na mahal kita ever since Grade 7 palang ako, nang malaman kong Grade 9 ka at mas matanda ka saakin ng tatlong taon, ikaw ang naging inspirasyon ko para mag-aral ng mabuti dahil baka kapag mas mataas ang grades ko baka sakaling mag-excelerate ako ng grade at makasabay ka pero hindi nangyari, tska pasensya na kung hindi ako nag-pakita sayo ng ilang araw parang sinsisi pa kita kung bakit ako lumalayo sayo, Okay na saakin ang ganito ang sibling a like relationship, siguro nga okay na toh, kasi aalis na rin naman ako bukas papuntang America para doon mag-aral kasama si Papa, hindi na ako umaasa sayo, I wish na sana mawala na ang sakit  mo kay Ate Cassie sana makakilala ka na rin nang tamang tao." sabi ko at tumulo ang luha ko.

"Bien"

"Sige uuwi na ako, magkita nalang ulit tayo soon" sabi ko sabay ngiti. Umalis na ako doon at umuwi sa bahay.



Kinabukasan andito ako sa airport kasama si Mama.

"Mag-ingat ka doon ah, tawagan mo ang papa mo kapag nakarating ka na doon sa America, wag kang lalayo at mag-aral ka ng mabuti, mag-ingat ka"

"Opo Mama" sabi ko bigla namang umiyak si Mama dahil sa sobrang lungkot dahil siya nalang mag-isa. Binitbit ko ang bag ko at papasok na sana sa loob ng makita ko si Jerian at Harold pero mas nagulat ako ng makita ko siya, Richard.

"Uy paalam na! Mag-uwi ka ng maraming amerikano ahhh" Asar ni Harold.

"Please iuwi mo si Zayn Malik!" sabi ni Jerian.

"Mag-dala ka ng maraming pasalubong ahhh" dagdag ni Harold.

"Oo naman kayo pa malakas kayo saakin!" sabi ko. Bigla naman siniko ni Jerian si Harold  nag-tinginan sila na para bang nag-uusap gamit ang mga mata.

"Ay Tita tignan mo yun ohhh!" sabi ni Harold sabay hila kay Mama.

"A-ano yun Harold!"

"Tita may Airplane dun tignan natin!" sabi naman ni  Jerian at hinila si Mama papalayo saakin.

Naiwan naman si Richard at nakatingin lang saakin. Medyo na awkward ang atmosphere naming dalawa.

"Hi" pag-basag ko sa katahimikan.

"H-hi" sabi niya sabay kamot sa batok niya.

Biglang nagulat ako ng may binigay siya saaking scarf pero naka-burda doon ang pangalan niya.

"Malamig sa America kaya gamitin mo yan" sabi niya at ngayon ko lang siyang nakitang namula.

"Oo gagamitin ko ito kuya Richard" bigla naman naasar ang mukha niya.

"Drop the kuya you can call me Richard" sabi niya tumawa naman ako tumango.

"Sige aalis na ako" sabi ko patalikod na sana ako ng bigla niya hilahin ang kamay ko.

"Pwede bang mag-promise ka saakin" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong promise?"

"Pwede bang wag ka munang mag-boyfriend sa America" Lalong nagsalubong ang kilay ko.

"Ano pag-tapos mo akong sabihin na I love you as a sister hindi mo ako pag-jojowain, hindi pwede yun paano ako makaka move on sayo?"

"Ayun na nga!, wag kang mag-move on saakin"

"Richard!" umiwas siya nang tingin at tumungo.

"Wag ka munang mag-move on, wag ka munang mag-boyfriend, wag muna"

"At bakit? give me a reason?!"

"I like you.." natahimik ako at napatulala lang sa sinabi niya.

"Y-yeah like a sister"

"It wasn't love yet , but I like you, I want time to think dahil alam mo namang kagagaling ko lang sa relationship ng yumao kong girlfriend, but before you go, I want you to promise me na wala kang magiging boyfriend and I will do the same"

"Richard.."

"I want you to promise me" Tumawa ako at tumango.

"Promise"

"And I will promise pag-uwi mo after 5 years you will have Estranghero as your middle name and Sanchez as your surname"

"You mean girlfriend mo na ako?"

"No."

"What is this all about?" I said.

"Your my fiancee" He said and smile.

Well atleast....

Dear Diary: Crush ko siya! Di niya ako kilala! ang sad diba ■Complete■Where stories live. Discover now