Wattpad Original
There are 5 more free parts

2-Damsel in Distress

172K 2.7K 69
                                    

Chapter Two

"HAVE some of this."

"Alak?"maang na tiningnan ni Anja ang nagpapawis na basong iniaabot ng pinsan.

"Punch lang 'yan, cuz, and please don't make a fuss about it. Halos juice lang 'yan at hindi kaparis nitong iniinom namin."

Sabay na tumango sina Dick at Arnel bilang pagkumpirma sa sinabi ni Brittany. At para hindi na humaba ang usapan ay tinanggap na lamang niya ang inumin. At totoo naman, halos lasang juice nga lamang iyon. Kaya ganoon na lamang ang pagtataka niya nang hindi pa siya nakakadalawang baso ng inuming iyon ay parang lightheaded na siya. At ang kakatwa pa roon ay tila biglang naging napakakulay ng kanyang paligid.

Ganoon ba ang epekto ng alak sa mga first timer uminom? Palibhasa umabot siya sa ganoong edad na hindi man lang nasasayaran ng alcohol ang kanyang lalamunan. Naninibago lamang siya marahil. Sinikap niyang ipagkibit-balikat ang kakatwang pakiramdam na iyon. Hindi nagtagal at natagpuan na lamang niya ang sariling tumatawa sa mga simpleng jokes ni Dick. Na kung sa ibang pagkakataon ay baka ni hindi niya pinansin.

"Baka gusto mong lumipat tayo ng ibang lugar?"

Napasinghap siya at parang biglang kinilabutan nang madama ang mainit na hininga ni Dick malapit sa kanyang punong-tenga. Nakapagtataka dahil sa halip na makadama ng repulsion ay tila kabaliktaran niyon ang nadarama niya. At kailan pa niya ito pinahintulutang akbayan siya? Tinangka niyang lumayo ngunit parang ayaw sumunod ng kanyang katawan.

Nasisiraan na ba ako ng bait o nagkakaganito lamang ako dahil sa impluwensya ng alak?

"Shall I take it you have your own plans for the evening?"

"But of course. Para naman magkaroon kami ng pagkakataong higit na makilala ang isa't isa. Hindi ba, Anja?" ani Dick sa tanong ni Brittany.

"H-hindi puwede. Makagagalitan ako ni Tita Mitz kung hindi kami sabay na uuwi ni Brittany."

"Oh, shush, cousin. I can take care of myself. Besides, Arnel won't let anything happen to me. Right, sweetheart?"

Kayluwang ng ngiting mabilis na nag-thumbs up sign ang lalaki.

"If that's the case, you guys, go ahead," saad ni Dick. "Ako na ang bahala sa bill. My treat."

"Ganyang areglado na pala ang bill natin, tara na nga, sweetheart. Baka bigla pang magbago ang isip nitong si Dick maudlot pa ang panlilibre sa atin," ani Arnel.

"Brittany—"

"Huwag kang mag-alala, pinsan. Nasa mabuti kang mga kamay. Baka nga bukas ay pasalamatan mo pa ako."

Hindi niya tiyak kung saan nagmula iyong takot na bigla niyang naramdaman.

"Babush."

At bakit may pakiramdam siyang sinapian ni Judas Escariote ang kanyang pinsan?

Bigla siyang natigilan.

"Shall we?" tanong ni Dick.

Sa kabila ng epekto ng 'alak'—o kung anumang concoction iyong inihalo sa ininom niya ay sumipa pa rin ang matinong kaisipan sa kanyang utak.

"P-puwede bang hintayin mo na lamang ako rito?" aniya kay Dick habang pinagagana ang utak kung paanong malalansi ito. "Kailangan ko lang magbanyo."

"Sure. Sasamahan na kita. Kailangan ko ring pumunta ng men's room."

Lihim siyang napangiwi. Inalalayan siya nito sa siko at iginiya patungo sa direksyon ng restroom.

"I'll make it quick, okay? Maghihintay ako sa'yo paglabas mo."

The Billionaire's Accidental WifeWhere stories live. Discover now