Wattpad Original
There are 2 more free parts

5-Alone, Reality

185K 4.2K 313
                                    

Chapter Five

NAGISING si Anja na nag-iisa na lang sa kama. Mataas na rin ang sikat ng araw na naglalagos sa salaming dingding kung saan tanaw na tanaw ang mga nagtataasang building sa labas. Hinapit niya ang kumot sa dibdib nang maisip na baka kanina pa may nanonood sa kahubdan niya. Mabuti na lamang at mukhang tinted ang salamin.

Dahan-dahan siyang bumangon sabay ngiwi nang makaramdam ng sakit sa pagitan ng dalawang hita. Halos hindi niya maitikom ang mga iyon. Pakiramdam niya ay may kamaong nakapasak sa pagkababae niya. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng silid. Nakita niya ang kanyang mga hinubad sa ibabaw ng isang silya.

Kipit ang kumot, paika-ika siyang lumapit sa silya at kinuha ang mga damit. Hinanap niya ang banyo. Pagbukas niya ng pinto ay napasinghap siya dahil ang sumalubong sa kanyang paningin ay ang repleksyon niya sa salamin. May bahagyang putok ang lower lip niya at tadtad ng maraming marka ang leeg at punong dibdib niya.

Kung may ibang titingin sa kanya, baka sabihin ni-rape siya. At siguro nga'y halos ganoon na rin ang pinagdaanan niya. Ang kaibahan lang, ang lalaking umangkin sa kanya kagabi ay hindi siya dinaan sa dahas. Sa katunayan ay siya pa ang paulit-ulit na nagmakaawa ritong angkinin nito. Nagpapasalamat din siya na kahit estranghero sila sa isa't isa ay may pag-iingat siya nitong inangkin. Hindi kaparis nang kung si Dick ang nakakuha sa kanya ay natitiyak niyang walang konsiderasyon siya nitong bababuyin.

At baka mas malala pa rito ang nangyari sa akin, sa isip ay nasabi niya nang alisin ang kumot na tumatakip sa kanyang kahubaran.

Meron siyang ilang pasa sa katawan. Mayroon sa dibdib, sa tiyan, sa magkabila niyang balakang at hita. Maging sa kanyang mga punong braso ay mayroon din, pati na sa magkabilang palapulsuhan.

Nang sumagi sa isipan niya kung paano niyang nakuha ang mga pasang 'yon ay mabilis na nag-init ang kanyang mga pisngi. Nakaluhod siyang pinadapa ni Rafe bago nito ipinasok ang pagkalalaki sa kanyang lagusan. At habang binabayo siya nito ay mahigpit siya nitong hawak sa magkabilang pulso. Hindi na niya matandaan kung ilang ulit sila nitong nagtalik. Kung hindi pa kusang bumigay ang katawan niya sa pagod at antok ay hindi pa siguro sila matatapos.

Habang naliligo sa ilalim ng maligamgam na buhos ng shower ay naisip ni Anja kung paanong haharapin sina Tito Ben at Tita Mitz. Pagkatapos ng ginawa sa kanya ni Brittany ay natitiyak niyang humabi na ito ng kasinungalingan upang siya ang madiin sa mga nangyari. Napahinga siya nang malalim.

Bahala na, saloob-loob niya.

Matapos maligo ay medyo guminhawa ang kanyang pakiramdam. Kaso ay hirap pa rin siyang maglakad. Naroroon pa rin iyong pakiramdam na parang may nakapasak sa kanyang puwerta. At sa bawat hakbang niya ay napapangiwi siya.

Hinanap niya ang kanyang sling bag. Nakita niya iyon sa side table ng kama katabi ang isang parang mababasaging mangkok doon na may lamang napakaraming pera! Napakurap siya. Pawang one thousand peso bill ang mga iyon. Na sa kalkulasyon niya ay hindi bababa sa isandaang libong piso!

Para sa akin ba ito? para siyang pinanlakihan ng ulo nang maisip ang konotasyon niyon.

Nang mangilid ang kanyang luha ay mabilis niyang pinagalitan ang sarili. Hindi iyon ang oras para siya magbalat-sibuyas. Normal na sa mga mayayaman ang mag-isip na ang lahat ng bagay ay may katapat na salapi. At hindi nga ba't iyon ang sinabi sa kanya ng lalaki kagabi.

I will take care of you.

Posibleng sa mundo ng mga ito, ang mga salitang iyon ay nangangahulugan ng pera. Limpak-limpak na pera. Napangiti siya nang mapakla saka parang walang ibang nakita na dinampot niya ang kanyang bag. Kinuha niya ang suklay at pressed powder at inayos ang sarili. Walang ibang dapat makaalam sa nangyari sa kanya. Kahit si Brittany. Siguradong nag-report na rito si Dick kaya tiyak, alam na nitong pumalpak ang plano ng mga ito sa kanya.

The Billionaire's Accidental WifeWhere stories live. Discover now