Prologue

592 75 77
                                    

"Reena, for heaven's sake, where the heck are we going?" nakabusangot na reklamo ni Maze. Kanina pa siya hinihila ng kaibigan niya sa kung saan na parang may sinusundan at bigla na lamang magtatago. Tirik na tirik ang araw. Tumatagos ang init sa kanilang damit at halos maligo na sila sa sariling pawis.

It's Saturday. Walang pasok kaya naisipan nilang dalawa na gumala, maglakad-lakad sa mall, tumingin ng mga trending na damit, at kung makakaya ay bumili ng magugustuhan. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon, kung saan-saan na sila napadpad.

"Babae ka! Sayang ang gluta ko sa iyo," inis na inis na sabi ni Maze. Hindi na maipinta ang mukha nito.

Imbes na makiramay ay tinawanan na lamang ni Reena ang kaibigan. Saglit niya itong hinarap. "Mazey, relax ka nga lang! Ako na bahala sa gluta mo," nakangiting sabi niya. "Basta, suportahan mo lang ako rito," dagdag pa nito. Kasalukuyan silang nagtatago sa isang malaking puno na tila undercover agents sa isang action movie. Kikay Version!

"Seriously? Don't tell me that we're stalking someone again?" Maze can't help but raise a brow on her friend. Hindi na talaga niya kinakaya ang mga kabaliwan nito. Maraming beses na siyang napasubo sa kagagawan ni Reena. Oo't sanay na siya sa takbo ng isip at kilos ng kaibigan ngunit nagsasawa na rin siya sa pag-i-stalk nila sa kung sinu-sinong taong magustuhan nito.

"Hey! I already told you a couple of times. Hindi applicable ang term na 'stalking' sa mga Dyosang kagaya natin." Defensive na sambit ni Reena.
"Eh, ano palang tawag dito?" sarkastikong tanong ni Maze.

"This is what you call 'Hashtag Dyosa Boyhunting Goals 101!'" Proud na proud pa si Reena sa pagkakasabi niyon na tila natuklasan niya ang lunas sa pinakamalalang sakit sa mundo.

"Gaga ka talaga!" Tinapik ni Maze si Reena sa balikat upang gisingin sa kabaliwan. "Puro lalake ang inaatupag mo."

"Ang sakit mo naman magsalita. Crush-crush lang naman ito," pangangatwiran ni Reena.

"Anong crush? Reena, let me remind you. Hindi na normal ito. Mabuti naman sana kung isa lang ang kinahuhumalingan mo. Eh, ang dami nila! There's Greg, Fin, Jacob, Ken, Andrew, and many more. Look!" Pinakita nito ang dalawa nitong kamay. "Hindi ko na nga sila mabibilang pa sa aking mga daliri sa sobrang dami nila. Gosh Reena!"

"Maze, I'm just really appreciative, you know? When you see an art, then you would know if it's a masterpiece."

"Appreciative? Masterpiece? Damn. Kiss my ass! Wag mo ako banatan ng art-art mo. Kung hindi lang kita kaibigan... nabatukan na kita!"

"Oo na. Alam ko namang mahal mo ako." Reena cynically smiled. "Kaya nga loves din kita, eh." Akmang kikilitiin ni Reena ang kaibigan na agad namang nakalayo.

Hindi pa rin mawala ang pagkakalukot ng ekspresyon nito at tila mas lalo pa ngang nainis sa kaibigan. "Huwag mo nga akong inuuto," mataray na sabi nito.

"Hindi kita inuuto! In fact---" natigilan si Reena nang mapagtanto na nawaglit sa kanyang paningin ang lalakeng sinusundan. Napalabas sa kinatataguan si Reena at napalingon-lingon sa paligid. "Maze, nawawala siya! Wala na 'yong cutie! Maze!" Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Reena. Kung pwede lang siyang maglupasay sa semento ay ginawa na niya. Natatawa na lang si Maze sa inaakto ng kaibigan.

"Iyan! Buti nga sa iyo," pang-aasar pa nito.

"Maze, sayang 'yong cutie na iyon. Hindi ko man lang natanong ang pangalan niya," paghihimutok ni Maze at tila maiiyak na. Hindi maipinta ang mukha nito.

"Ang O.A. mo, Reena. Parang iyon lang. Sa dami ng crush mo hindi naman kawalan ang lalakeng iyon. Unless, that guy made you realize about making something new. Like being loyal... I guess?"

"No! Of course not," agad na protesta ni Reena. "I will never focus on one guy. Alam mo namang hindi ako puwedeng ma-attach sa iisang tao lang. Right?"

"Uh-huh! Oo nga pala. I almost forgot. Here goes the irony of you again," napangisi si Maze sa kaisipang iyon. "You like a lot of guys but you don't want to be hooked just to a particular person. You're really weird!" Hindi talaga niya maintindihan ang bahaging iyon ni Reena. Simula nang magkakilala sila... ganoon na talaga ito. Hindi naman siya nalalandian dito dahil hindi naman dumadating sa punto na nakikipag-flirt si Reena. Sadyang marami lang talaga siyang nagugustuhan.

"I already told you my reason. I'm still too young."

"Gosh! You're seventeen, Reena. Hindi ka na paslit. As a matter of fact, you're turning eighteen in a few months from now. That's not a valid excuse already. Ang sabihin mo... may iniiwasan ka lang."

Natahimik si Reena sa sinabing iyon ng kaibigan. Alam niya sa sarili niyang may punto ito. No, scratch that! Hindi lang basta may punto dahil totoo ang sinabi ni Maze. May iniiwasan talaga siya. Something that she would never want to happen. "Whatever, Maze! Let's just go home," Reena said as she tried to divert her friend's attention.

Maze just sighed. She didn't insist on the topic anymore. Bilang matalik na kaibigan ni Reena, alam na nito ang mga ayaw at gusto nito. The moment na umiwas si Reena, alam na agad ni Maze na ayaw nito pag-usapan ang bagay na iyon.

Not wanting to deal deeper on the topic, they started to walk out from the place.

📚 Crush Me Not (Preview Only)Where stories live. Discover now