Chapter III: Reason

142 47 17
                                    

ONE MONTH AGO...

"Hey, bro, I saw Scarlet crying! Did you somehow..."

Kampanteng nakaupo si Lexus sa driver's seat ng kaniyang pulang Ferrari. Nilingon niya ang kaibigang si Stephen na kakapasok ng kaniyang sasakyan. Nakatanaw ito sa dinaanan ng babaeng tinutukoy. "Well... She's a little bit annoying, so..." Iyon lang ang sinabi niya bilang pagkumpirma sa hinala nito. He just dumped another girl.

Si Scarlet ay isa sa sa mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya. Wala silang relasyon nito pero kung makaakto ang babae ay parang pag-aari siya nito. Hinayaan lang niya ito dahil kaibigan niya rin ang pinsan nito. But at some point, he realized that Scarlet was too much to take. Habang tumatagal ay mas naging possessive ito sa kaniya at clingy. She causes fights in the campus. Demanding din ito sa kaniya.

Ang pinaka hindi niya ma-take ay ang pagkakalat nito na girlfriend niya ito. Nagawa pa nga nitong magpakilala sa mommy niya. He never introduced someone to his parents. At dahil naubos na ang pasensiya niya ay prinangka na niya ang babae. Iyon nga ang nasaksihan ng kaibigan niyang si Stephen. Nang kausapin niya ang babae ay nag-iiyak ito at halos maglupasay na sa pagmamakaawa sa kaniya. Pero hindi na niya hinayaan pa na mas lumala ang sitwasyon niya kaya sinabi niya na ayaw na niya itong makita.

In-start na niya ang sasakyan at saka pinaharurot iyon.

"Will Scarlet just be fine?"

Seryoso niyang sinulyapan saglit si Stephen. Minsan napapaisip siya kung bakit sobrang concerned ng kaibigan sa babaeng iyon. Hindi kaya may gusto ito sa babaeng iyon? Never naman kasing nakialam ito sa mga issues niya sa babae, kay Scarlet lang.

"That's not my problem anymore."

Hindi na sumagot si Stephen. He's one of his closest friends in U.S. Well, more of, he's really the closest one. Maybe because they were both Fil-Am and their mothers were in the same circle of friends with each other.

"By the way, where are we going?" mayamaya ay tanong ni Stephen.

"At the Dark Mist. Let's have some fun," sagot ni Lexus na ang tinutukoy ay ang paborito nilang club.

Napapailing na lang si Stephen. Knowing Lexus, may papaiyakin na naman itong babae sa gabing iyon. He's used to him. Ganoon talaga ito. Mahilig sa babae pero walang sineseryoso. Usually, swerte na ang babae kung maka-hangout nito ng dalawang beses si Lexus. Mas swerte ang babae kung pagkatapos ng pagkikita nila ay makikilala siya ni Lexus.

📚 Crush Me Not (Preview Only)Where stories live. Discover now