Chapter I: The Encounter

283 63 62
                                    

Napapailing na lamang si Maze habang pinagmamasdan ang kaibigang si Reena. Kung hindi sila nang-i-stalk sa mga crush nito ay parang timang lamang itong nangangarap nang gising. Kagaya ngayon. Kanina pa ito pangiti-ngiti habang nakatingin sa malayo at pagkatapos ay bigla-bigla na lamang hahagikgik o tatawa.

"Will you stop doing that?" naiiritang sabi ni Maze. Bukod kasi sa katotohanang mukha talagang nasisiraan ng bait si Reena ay hindi lingid sa kaalaman niyang kanina pa ito pinagtitinginan ng mga tao. Vacant nila at kasalukuyan silang nasa cafeteria ng school para mag-merienda at magpalipas ng oras. Tila walang narinig ang kaibigan kaya pasimple niyang hinila ang ilang hibla ng buhok nito.

"Aray ko naman! Inaano ba kita?" reklamo nito. "Yung buhok ko... nagulo na tuloy." Hinaplos nito ang kulay tsokolateng buhok na may pagkakulot sa dulo. Kung kutis ang vanity issue ni Maze... buhok naman ang kay Reena. Naniniwala kasi siya na ang buhok ang crowning glory ng mga babae. Kapag maganda ang buhok mo, mas maganda ka. Mas ma-appeal ka. Kinuha nito ang cellphone at tiningnan ang repleksyon sa pamamagitan ng front camera. Nang makitang maayos naman ang kanyang hitsura ay ibinalik niya na iyon sa kanyang bag.

"Ang O.A. mo." Inirapan ni Maze si Reena.

"Hindi ako O.A., ano? Paano kung makita ako ng mga crush ko tapos ang chaka ko? Matu-turn off sila!"

"Gaga! Mas nakaka-turn off yung ginagawa mo kanina. Mukha kang baliw na patawa-tawa at pangiti-ngiti riyan nang mag-isa. Huwag naman PDA, Bes!"

"PDA? Huh?"

"Oo. P-D-A. As in Public Display of Abnormality! Kaloka ka! Huwag ka nga mag-daydream dito."

Natawa si Reena sa sinabi ng kaibigan. "Sorry na. Eh, kasi naman, kotang-kota ako sa mga crush ko ngayon. Nakausap ko si Jack. Tapos nakita ko rin kanina si Red, Harry, at Peter!" Kulang na lang ay tumili si Reena sa sobrang kilig. Ang mga iyon kasi ang top crushes niya sa school kaya hindi siya maka-get over sa mga pangyayari.

"Lower your voice, Reena. Gosh!" Lumingon si Maze sa paligid. Tama siya. Nakaagaw na naman sila ng atensyon. Napasapo si Maze sa kanyang noo. Pakiramdam niya maha-highblood siya sa kaibigan. Reena always gets her into trouble. Naalala na naman niya ang pagkabilad niya sa araw noong nakaraang sabado dahil sa kabaliwan nito. Ngayon nama'y dinadamay siya nito sa kahihiyan. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo."

Kinuha ni Reena ang baso ng Blueberry Cheesecake shake at saka humigop doon. Paborito ni Reena ang inumin na iyon. Kahit nga siguro five times a day siyang uminom noon ay ayos lang. Madalas ay sinasamahan niya iyon ng banana choco flavored waffle. "Mazey, parang hindi ka pa nasanay sa akin. That's why I'm really thankful to you. Natitiis mo ang kaabnormalan ko," Reena sincerely said. Ibinaba niya ang hawak na shake at hinawakan ang kamay ng kaibigan. "Thank you."

Lumambot ang ekspesyon ni Maze sa inakto ni Reena. Napangiti na rin siya. "You're always welcome. Alam mo namang tanggap ko ang kaabnormalan mo. Huwag ka lang sumusobra kasi nakakahiya talaga. Maawa ka sa image ko. Balak ko pa naman mag-artista," may halong biro na wika ni Maze.

"Baliw ka."

"Bakit? Aangal ka? Ang ganda ko kaya! Mas maganda pa ako kay Billie na pinag-aagawan ng Jeya boys." Ang tinutukoy nito ay ang babaeng bida sa isang teleserye ng isang local TV station. "Mas makinis at mas maganda ako roon. Mas matangkad pa."

"Sabi ko nga," natatawang sang-ayon na lang ni Reena. Mahirap nang kontrahin si Maze kapag nagmamaganda siya. May pagka-brutal ang babaeng iyon minsan. "Oo na. Mas maganda ka na."

"Ba't parang napipilitan ka?" mataray na tanong nito.

"Hindi kaya! Guni-guni mo lang iyon, Beshy!" nakangiting sagot ni Reena. Mahirap nang ma-beastmode si Maze. Moody talaga ito. "Ang ganda-ganda mo naman talaga!"

Maze smiled then flipped her hair. "Very Good."

MABILIS NA lumipas ang mga oras at ilang minuto na lang ay magsisimula na naman ang klase nila. Kanina pa nasa classroom sila Reena. Maaga silang pumapasok sa klaseng iyon dahil bawal ang ma-late. Kapag naunahan sila ng Professor ay automatic na absent na sila.

Nasa ikalawang taon na sila sa kursong Business Administration. Magdadalawang taon na rin silang magkaibigan. Nagkakilala sila noong unang araw ng pasukan sa college. Magkatabi sila ng upuan. Sa paglipas ng panahon ay natuklasan nilang magkasundo sila sa maraming bagay. Simula noon ay hindi na sila mapaghiwalay. Magkasama na sila sa lahat ng bagay. Pati nga sa pagka-Dean's Lister ay magkasama sila. Friendship Goals kumbaga. Si Reena at Maze ay hindi kagaya ng mga tipikal na magaganda. They are more than just a pretty face. They also have brains.

Dahil wala pa naman ang kanilang professor ay naging busy muna sila sa pag-i-scan ng notes. Minsan kasi, bigla-biglang naiisipan ng professor nilang magpa-quiz.

"Buti na lang medyo gamay na natin ang Calculus, 'no? Pero sana huwag na muna magpa-quiz si ma'am Calc." Bumuntong-hininga si Reena. Minsan kasi nagsasawa na rin siya sa kaka-quiz nila tuwing klase nila roon.

"Kaya nga, eh," sang-ayon naman ni Maze. "Teka, Ma'am Calc? Ma'am Gina Rosales ang pangalan niya. Grabe ka, hindi mo alam ang pangalan ng professor natin!" natatawang puna nito.

"Alam ko! Mas madali lang kasi bigkasin ang 'Calc' kaysa sa apelyido niya."

"Huwag ako, Reena. Magpapalusot ka pa!" pang-aasar pa uli ni Maze.

"Ewan ko sa 'yo!" Sinimangutan ni Reena si Maze. Halatang napikon ito. Akmang tatayo ito at inilapag ang hawak na notebook sa desk.

"Oy, joke lang. Saan ka pupunta?"

"Heh! Hindi tayo bati." Naglakad si Reena papunta sa pintuan.

Napatingin si Maze sa wall clock na nakasabit sa bandang itaas ng pisara. "Limang minuto na lang! Time na. Baka ma-absent ka!" pahabol na sigaw ni Maze. Nilingon siya ni Reena at inirapan. Pagkatapos ay tumalikod na uli ito para ituloy ang paglabas sa classroom.

Pero bago pa man ito makalabas ay isang lalake ang nakabanggaan ni Reena. "Ouch!" daing nito. Napapikit ito sa sobrang sakit at pagkaramdam ng bahagyang pagkahilo.

Mabuti na lamang ay naagapan siyang hawakan ng lalake kaya hindi siya natumba nang mawalan siya ng balanse. Hindi alintana ni Reena ang kantyaw ng mga kaklase niya dahil sa pangyayaring iyon. Napahawak ito sa mukhang tumama sa matipunong dibdib ng lalake. Sobrang sakit talaga niyon.

"I'm sorry. Okay ka lang, Miss?"

"Ikaw kaya ang mauntog sa pader? Maging okay ka lang kaya?" tanong ni Reena na hindi na niya naisatinig dahil sa sobrang pagkahilo. Nanatili pa rin siyang nakapikit kaya hindi niya masulyapan ang lalakeng nakababangga. Pero hindi rin nakaligtas kay Reena ang husky na boses ng lalake na tila naging sanhi ng kakaibang kilabot sa sistema niya. She finds it so sexy. At dahil nga hawak pa rin siya nito ay nasasamyo niya ang panglalakeng amoy nito. She can't stop herself to imagine a very hot guy. Kagaya ng mga modelo na madalas niyang mapanood sa mga fashion channels. Pati na rin ng mga actor na napapanood niya sa action movies.

"Hey, Miss..."

"Bessy, ano nang nangyayari sa iyo?"

Bumalik sa huwisyo si Reena nang marinig ang bestfriend niya na ngayon ay nakaalalay na rin pala sa kanya. Umatras siya at kumapit kay Maze. Pagkatapos ay inihanda ang sarili para awayin ang lalake.

She prepared her fiercest look ending up to be astonished with the face of the guy in front of her.

"I-Ikaw?!" gulat na sambit ni Reena. Natutop niya ang kanyang bibig.

"Excuse me, miss? Do we know each other?" takang tanong ng lalake. Nakakunot ang noo nito at mataman siyang tinitigan. Tila sinusuri ang kanyang mukha at inaalala kung saan nga ba sila nagkita.

"Reena, sino siya?" nagtatakang tanong na rin ni Maze. Pero parang wala sa sarili si Reena na nakatitig lang sa lalake.

Ilang sandali ang lumipas bago ito magsalitang muli. "Y-you're here... You're here," nakangiting sambit ni Reena bago mawalan ng malay.

📚 Crush Me Not (Preview Only)Where stories live. Discover now