Chapter 8: Date

980 30 2
                                    

Hazel's POV

Nood ng Tv, Twitter, Facebook, Instagram, Kumain Lahat na yata nagawa ko Na pero na boboring padin ako. Sabado ngayun balak ko sanang tawagan si Felix para magpractice kami ng kanta. Kahit kabisado ko na ang gagawin namin tsaka wala naman akong no. niya 

BORING   

Tawagan ko kaya si Mia. Sigurado wala ding ginagawa yun ngayun kapag sabado nasa bahay lang yun dahil tinatamad siyang lumabas. 

Calling Mia

Wala pang ilang segundo sinagot niya nadin ang tawag ko. Teka bakit ang ingay? Nasan ba siya? 

"Nasan ka?" Tanong ko sakanya. 

[Nasa Mal- ay este nasa bahay.] Magsisinungaling pa eh nadulas na.

"Sige! Magsinungaling kapa." 

[Nasa mall ako.] Halatang kinakabahan siya. 

"Sino kasama mo." Imposible naman kaseng magmall siya mag-isa Hate nya yun ayaw na ayaw niyang lumalabas ng walang kasama. Kaya imposibleng mag-isa lang siya. 

[Ah-eh si ano.] Pabitin na sagot niya. 

"Si?"

[Si Miko.] Napatayo naman ako sa kama ko sa sobrang gulat Magkasama sila?

[Wag kang mag-isip ng kahit ano ah.] Halatang kinakabahan siya. Hahahaha! Date ah!

"So Nag-dadate kayo." Pang-aasar ko sakanya.

[A-ano Hindi ah.] Pagdepensa niya. Narinig ko namang tinatawag siya ni Miko. 

"Eh! anong ginagawa niyo sa mall ng kayong dalawa lang." Panigurado ako natataranta at nagiisip na siya ngayun ng palusot. 

[A-ah eh nagpapractice.] Napatawa naman ako sa sagot ko? Seriously? Hahahaha! 

"Nagpapractice kayo?" Takang tanong ko pero sa isip isip ko natatawa ako sa palusot niya. 

[Oo bakit?] Nagaalangang sagot niya.  

"Hahahahaha! Wow ah lakas ng trip nyo ah magpapractice kayo sa mall." At tuluyan naman akong napatawa ng malakas. Narinig ko namang napabuntong hininga siya sa kabilang linya. Alam niya kaseng hindi umubra sakin ang palusot niya. 

[Okey fine!] Napatigil naman ako sa pagtawa ng marinig kong seryoso na siya. [Nag-date kami.] Diretsa niyang sagot ng ikinagulat ko. [Pumunta siya ng bahay kaya pumayag ako.] Napangisi naman ako sa naisip ko. Marami kasing manliligaw si mia at ang iba ay talagang pinupuntahan siya sa bahay nila para yayain sya mag-date. Pero nirereject niya lahat yun. Kaya napangisi nalang ako. Na kay Miko pumayag siya. Nahahalata ko na ang Bestfriend ko Hahahaha! 

"Napapayag ka niya.?" Pangaasar ko. 

[Teka nga! Ms. SANTIAGO Tinawagan mo bako para kamustahin o asarin.?] Tanong niya pero bakas sa boses niya ang inis. Napangiti nalang ako. 

Magsasalita pa sana ako ng biglang pumasok ang isa sa mga katulong namin. 

"Maam may bisita po kayo sa baba." Nakayukong sabi niya. 

"Sige Bababa nako." Nakangiting sabi ko sakanya. At lumabas na siya 

[Sino yun? Friend?] Tanong sakin ni Mia na nasa kabilang linya. Narinig ko namang nagaasaran sila ni Miko. Napangiti nalang ako 

"May bisita daw ako. Sige na baka maistorbo ko pa kayo eh." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at binaba ko na ang linya.

Sino naman kaya ang bisita ko. Wala naman akung inaasahan na bisita. Anong meron? 

FALLING FOR YOU (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن