Chapter 13: The Truth

822 33 3
                                    

Hazel's POV

"Advanced Happy birthday Hazel." 

"Happy birthday Hazel." 

"Natanggap ko yung invitation para sa birthday mo. Advanced." 

"Advanced Happy sweet 16th Hazel." 

Pagpasok ko palang ng campus yan na kaagad ang bumungad sakin. Ngumingiti nalang ako at tumatango sakanila. May nagbibigay din ng regalo natutuwa naman ako sa mga binibigay nila. Hindi talaga ako sanay sa ganito. Napapailing nalang ako habang naglalakad papunta sa Room. Bawat Classroom na nadadaanan ko ay binabati ako. Nginingitian ko na lang sila. 

"Hazel!" Nagulat ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko biglang kumalabog ang puso ko. 

"Felix." Nakangiting bungad ko sakanya. Huminto naman siya sa harap ko. Ngumiti siya sakin at may kinuha sa Bag niya. Bigla namang kumunot ang noo ko dahil dun. 

Nakita ko namang may nilabas siyang maliit na Box. Tinignan niya ko at inabot sakin yun. 

"Ano to?." Tanong ko habang binubuksan ang bigay niya. 

"Buksan mo." Nakangiting sabi niya. Napangiti naman ako ng makita ko ang nasa loob nito. 

"Sakin to?" Tanong ko sa bigay niyang simple  Bracelet. Hindi ko naman maiwasang maging emotional. Ito ang pinaka magandang natanggap ko ngayun. 

"N-nagustuhan mo ba. Ako may gawa niyan?" Nahihiyang tanong niya. Napangiti naman ako. Thank you felix. Lagi mo nalang akong pinapasaya. 

"Sobra. Thank you felix." Sa sobrang tuwa ko hindi ko namalayang nayakap ko na pala siya. Bigla naman akong namula sa ginawa ko pero Wala akong pakielam. Niyakap ko siya ng mahigpit para sabihin sakanyang nagustuhan ko ang bigay niya. Naramdaman ko namang niyakap niya ko pabalik. Mas mahigpit. Napangiti naman ako dahil dun. 

"Ehem!" Napakalas naman ako ng yakap kay felix ng makita ko si Mia. na nakangisi kasama si Miko. Parehas naman kaming namula ni felix. "Sorry. Nasira ko ba moment niyo.?" Pang-aasar na tanong ni Mia. Tinignan ko siya ng masama para sabihing Itigil niya kung ano man ang sasabihin niya. Nginisihan niya lang ako at kinindatan. Napairap nalang ako. 

"Hindi." "Hindi." Sabay na sabi namin ni Felix. 

Magsasalita pa sana si Mia. Ng biglang may nagsalita sa likod namin.

"Pwede ko bang mahiram si Crush?" Nakangiting tanong ni Edward. Napailing nalang ako dahil yun padin ang tawag niya sakin. 

"Ano tingin mo sa kaibigan ko Gamit? Na hinihiram hiram lang?" Mataray na sabi ni Mia. Nakita ko namang napanguso si Edward. "Hindi pwede." Saad ni Mia. Mas lalo namang humaba ang nguso ni Edward na ikinatawa ko. 

"Saglit lang naman eh. May mahalaga lang kaming ipapakita sakanya." Ipapakita? Bigla naman akong Nacurious sa sinabi ni Edward? 

"Ano yun?" Halatang gusto din malaman ni Mia. 

"Secret. Pahiram muna si Crush para malaman niyo." Nakangising sabi ni Edward. Nakita ko namang binitawan ni Mia ang kamay ko at nakangiting tinulak ako kay Edward. Grabe kaibigan ko talaga siya. Nilagay ko naman ang binigay na bracelet ni felix sa bag ko. Balak ko siyang isuot mamaya. 

"Sige. Kailangan takpan ang mata ni Crush." At nakita kong naglabas ng panyo si Edward ano bang trip to? 

"Ano may ganyan pa?" Takang tanong ko sakanya. Tinignan naman niya ko at nginitian ng matamis. 

FALLING FOR YOU (COMPLETED)Where stories live. Discover now