Chapter 27: Brothers

998 22 2
                                    

Felix's POV

Tahimik akong nakatitig sa garden dito sa mansyon. Ilang araw na ang nakalipas pero sariwa padin sakin ang mga pangyayare. Nilibing na si kuya nung isang araw. Halos lahat ng schoolmate namin ay nandun. Akala ko hindi pupunta si hazel sa libing ni kuya dahil simula nang binurol si kuya ay hindi namin siya nakita. pero nagulat kami nang dumating siya sa libing ni kuya nasa kanya ang paningin ng lahat nang nandon. Binabati siya ng iba naaming schoolmates pero hindi niya ito pinapansin pati ako wala akong narinig mula sakanya. pero nanatili ako sa tabi niya. Kita ko sa mata niya na hindi siya masyadong nakakatulog dahil sa eyebags niya bakas din sa mukha niya ang pagod at sakit.  

Hindi ko naman din maiwasang maging malungkot dahil alam kong nasasaktan siya sa pagkawala ng kapatid ko. Pati ako hindi ko alam na magsasakripisyo siya ng ganun. na handa niyang ibigay ang puso niya para kay hazel Sobrang humanga ako sa kapatid ko. 

Siya ang nagsabi sakin noon na hinding hindi niya iiwan si hazel at gagawin daw niya ang lahat para maagaw sakin si hazel. Napapangiti nalang ako tuwing maaalala ko ang sinabi niya na yun. Galit na galit siya sakin noon. Akala ko selfish siya pagdating sa pag-ibig pagdating kay hazel pero hindi eh! Kase nagsakripisyo siya para sa babaeng mahal naming dalawa. 

Agad naman akong nakaramdaman ng lungkot ng maalala ko ang huli naming pag-uusap dalawa. Hindi ko inaasahan yun. Hindi ko inaasahan na iiyak siya sa harapan ko at manghihingi ng tawad. Nakita ko sa mga mata niya nong oras na yun ang sakit. 

Napabuntong hininga naman ako ng maalala ko ang huli naming pag-uusap. 

--

"Felix pwede ba tayong mag-usap?"  Gulat naman akong napatingin kay carson dahil sa sinabi niya. 

"Tungkol saan?" Takang tanong ko sakanya. Nagulat naman ako ng ngumiti ito sakin. 

"Hindi dito." Nakangiting sabi niya. 

"Saan?" 

"Sa coffee shop nalang siguro."  

"Sige." Sabi ko nalang kahit ang totoo naguguluhan ako sa sinasabi at kinikilos niya. 

Bakit gusto niya kong kausapin? 

Habang nasa sasakyan kami ay walang nagsasalita saming dalawa. Nararamdaman ko namang tumitingin siya sakin hindi ko naman maiwasang mailang dahil dun. 

"Kamusta yung mama mo?" Gulat naman akong napatitig sakanya dahil sa sinabi niya. Ang weird niya masyado? Akala ko ba galit siya kay mama? Bakit niya ito tiinatanong sakin? "Ayos lang ba siya.?" Napanganga naman ako dahil sa tanong niya. 

Kahit naguguluhan ay tumango nalang ako sakanya at pilit na ngumiti. Bakit ang weird niya masiyado? 

Una bakit niya ko niyayang makipagusap o sumama sakanya.?

Diba galit siya sakin? 

Bakit niya tinatanong si mama kung ayos lang ito eh galit na galit nga siya kay mama? 

Napailing nalang ako dahil sa iniisip ko Wala namang masama felix kung tanungin niya sayo yung mama mo diba? Baka concern lang? teka! kelan pa siya nagkaroon ng concern sakin? 

"Nandito na tayo." Gulat naman akong napaayos ng upo. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Ngumiti siya sakin at nauna itong bumaba. Agad nadin naman akong bumaba at sumunod sakanya. Pagpasok namin ay konti nalang ang tao dahil magmamadaling araw nadin kase. Naghanap kami ng upuan pinili naman ni carson yung malapit sa bintana. Pagkaupo namin ay tinawag niya kaagad ang waiter. Tahimik lang akong nakatingin sakanya habang nakangiti siyang nagsasalita dun sa waiter. Meron talagang kakaiba sakanya hindi naman siya ganyan ngumiti sa iba madalang ko siyang makitang nakangiti. Si hazel lang ang nginingitian niya ng ganyan pati yung mga kaibigan niya. Ngayun ko lang siyang nakitang ngumiti ng ganyan kaya talagang nakakagulat. Pagatapos niyang kausapin ang waiter ay tumingin siya sakin ngumiti ito kaya ngumiti nalang din ako ng Pilit dahil naguguluhan talaga ako sa mga kinikilos niya. 

FALLING FOR YOU (COMPLETED)Where stories live. Discover now