Chapter 3 ♥ Love

339K 4.2K 492
                                    

Janna POV

Natapos na kaming kumain. Grabe. Di ako maka-react. Na-OP ako sa kanilang dalawa. Ang dami nilang pinagku-kwentuhan tapos ako taga-tango lang at taga-tawa. Psh.

Sarap batukan si Adrian eh. Yayain ba'ko ng DATE tapos dalawa kami? Baliw. Psh. Nakakainis. Excited pa man din ako kanina. Aish.

"Restroom lang ako sandali." Paalam ni Adrian saka tumayo na at pumunta sa restroom.

Napatingin ako kay Shaina na ngayon ay nag-iba ang tingin sa'kin. Nakataas na ang isang kilay.

=_=

Problema ng babaeng 'to? Diba dapat ako ang magtaas ng isa kong kilay dahil date dapat namin 'to ni Adrian. Pero ano? Andito sya, panira. Aish.

"Friends lang ba talaga kayo ni Adrian?" Mataray na tanong nya sa'kin. Teka nga, kanina ang bait bait tapos ngayon tatarayan ako? Baka 'di nya ala$, kaya ko ding magtaray. Psh.

"Yeah." Sagot ko.

"Oh really? Kung titingnan kasi kita, pakiramdam ko may romantic feelings ka for Adrian." Sabi nya.

"It's up to you kung anong iisipin mo." Sagot ko.

"Oh I see. Isa lang masasabi ko, I don't think na babagay ka kay Adrian. Masyado syang gwapo para sayo."

 

O____O

Anong sabi nya? Pigilan nyo 'ko. Sasabunutan ko na 'tong babae na'to. "Oh? Really? Okay. If that's what you think. Tingin ko din kung ikaw? Mas lalong hindi bagay sa kanya." Tumawa pa'ko pagkasabi nyan. Akala nya diko sya papatulan? Pagkatapos nya akong insultuhin?

Sino sya para sabihing hindi ako nababagay kay Adrian?

"What!?"

"Kung titingnan ko rin kasi, parang may romantic feelings ka rin toward Adrian." Mataray na sabi ko. Akala nya 'di ko napapansin? Childhood friend, pwe! Halata namang may gusto sya kay Adrian. Impostora!

Sasagot pa sana sya pero dumating na si Adrian. "Mukhang seryoso pinag-uusapan nyo ah. Okay yan. Mukhang nagkakasundo kayo." Nakangiting sabi ni Adrian.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now