Chapter 33

187K 3.6K 335
                                    

Janna POV

Burung-buro na ako dito sa mansyon. Hindi ako lumalabas dahil wala akong kasama. Si Ace, tumawag siya kanina. May lakad daw siya--na sigurado kong about 'yun sa gangster thingy niya. 

Si Raven naman nasa kompanya pa. Trainee na din siya don eh. 

Anong gagawin ko? Bukod sa magbasa, manood at kumain, wala na akong ibang magawa. Parang mas gusto ko pang pumasok para naman hindi ako ma-bored. 

"Ma'am, may bisita po kayo." Sabi ng katulong. 

Nandito kasi ako sa living room. "Sino?"

"Si Sir Adrian po."

O____O

Dug, dug..

Shocks naman. Ang hirap hirap na ngang mag-act tapos pupunta pa siya. "Sige papasukin mo." Sabi ko nalang. 

May galit pa ako sa kanya pero ewan, di ko naman siya matanggihan. Isa pa, parang gusto ko din kasi siyang makita. 

Maya-maya ay pumasok na nga si Adrian. Nakangiti siya. May dala pa siyang paperbag. Anong meron?

"Janna."

Lumapit siya sa'ken. "B-bakit ka narito?" Tanong ko. Acting again. 

"I came here para..hm, para samahan ka dito sa mansyon nyo."

Ano daw? Samahan? "What?"

"Tumawag ako dito kanina. And I asked your maid kung sinong kasama mo dito. Then she said, wala daw. Kaya pumunta ako. Here, may dala akong mga snacks and DVD's. We can watch movie if you want."

Dug, dug..

Naman. Bakit parang gusto ko yung idea niya? Papayag ba 'ko? Pero nabo-bore na talaga ako.

"S-sige.." Okay. I can't say no. I don't know why. 

Napansin ko ang pagngiti niya. "Thanks Janna. Don't worry, I'll help you din para maibalik ang alaala mo. I can't wait. Dahil marami na akong plano for us."

O___O

Plano? Samen? Bakit?

"Saan ang entertainment room nyo?" Tanong nya. 

Tumayo na ako. "A-ah, sa taas." Sagot ko. "Follow me." Nauna na akong umakyat. Yung puso ko kumakabog na naman. Masyado kasing mag-react sa sinasabi ni Adrian. 

Nang makarating kami rito ay pumasok kami agad. 

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now