Chapter9: Deja Vou

27.8K 573 9
                                    

CHAPTER 9: Deja Vou

"Reid, Megan, Yohan..asan kayo? " Tawag ko sa kanila. Teka asan ba ko? Tanong ko sa sarili ko. Sinuri ko ang paligid at nakita ko na nasa isang park ako.

Inikot ko ang mga mata ko sa buong paligid ng may mapansin akong batang umiiyak. Lalapitan ko sana ito ng may makita akong batang lalaki na tumatakbo palapit sa batang babae. Mula sa kinakatayuan ko naririnig ko ang pag-uusap nila.

"Stop crying, your ugly!" Iniangat nya ng mga mata nakita nya ang isang bata na may magagandang ang mata. Nginitian sya nito, sabay punas ng mga luha nya.

"Pula, ayaw nila ako kasama mag-play." Naiiyak na sabi ng batang babae sa batang lalaki.

"Don't mind them, I'll play with you. Let's go." Inaabot ng batang lalaki ang kamay ng batang babae at sabay silang tumayo.

Sa pagharap nila nakita ko ng tuluyan ang mukha ng batang babae. Wait! Ako ba yon? Bakit kamukha ko nung kabataan ko pa?

Walang duda ako nga yata ang batang yon. Pero bakit di ko maalala? Saka sino naman yong batang lalaki?

"Babe wake up. " Nagising ako ng may isang napakalamig na boses ang tumatawag sa pangalan ko.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko para lamang matitigan ang napakagandang nilalang na nasa aking harapan.

Masuyo nyang hinaplos ang mga pisngi ko at nginitian ako ng may pag-aalala na nakabalatay sa mga mukha nya.

"You ok?" Nag-aalala pa ring tanong nya? Nginitian ko nalang sya bilang sagot.

"Breakfast in bed?" Sabay abot nya sa akin ng naka-tray na umagahan. May mababanaag na pagtataka sa mukha ko. At dahil di ko mapigilan naibulalas ko ang mga tanong na nasa isipan ko.

"Umm..nakakahiya naman, hindi ka na sana nag-abala pa. Ayos lang naman na sa baba nalang ako kumain eh." Tanggi ko pa sana. Pero parang balewala lang sa kanya. Patuloy pa rin nyang inaayos ang pagkain na naka-tray sa lamesa sa may terrace.

Maya-maya lumapit sya sa akin at buong pagsuyong hinila ang isang kamay ko upang mapatayo ako sa kama. Inalalayan nya ako hanggang sa may terrace. Pinaghila pa nya ako ng upuan.

Tinignan ko ang pagkain na nakahain. May bacon, hotdog, egg and fried rice. Pandalawang tao ang mga nakahain. So meaning, di pa din sya kumakain at malamang hinintay nya ko para sabay na kami nag-almusal.

Nagsimula na kaming kumain. Nung una naiilang pa ako sa kanya, kalaunan nakasanayan ko nalang. Sino ba naman kasi ang di maiilang kung yung kaharap mo maya-maya ka tinitingnan.

Matapos ang nakakailang na breakfast, bigla pumasok ang kambal na kasa-kasama ang mga yaya nila. Paglapit ng kambal sa amin, matataktika namang umalis ang mga kagapag-alaga nila.

"Mommy, youll going somwhel? Can we come?" Ask the always natanong na si Megan. Ang cute cute talaga nitong bata to. Si Yohan naman ayon the ever serious.

"Yes baby, where going to work. And I don't think so, ask Daddy if papayag sya. " Malambing na sabi ko. Dali-dali naman itong lumapit sa Daddy nya at nilambing.

"I'm sorry baby, maybe next time?" Pagkausap ni Reid sa anak.

Maiyak-iyak naman ang bata sa sinabi ng ama kaya nilapitan ko nalang ito para aluhin.

"Next nalang baby ha, Magbu-buy nalang kami ng pasalubong ni Daddy pag-uwi. You want that?" Tanong ko kay Megan. Tango nalang ang sagot nya sa akin habang pinupunasan nya ang mga mata nya.

Owned by Him (COMPLETED)Where stories live. Discover now