twitter - 11

1K 43 15
                                    


Ara's POV

"Victo. Huy, Ara. Gumising ka na. Tanghali na." naramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko dahilan para unti unti akong mawala sa pagkakatulog. Ano ba, hindi ba ko pwedeng matulog pa? Wala namang training mamaya ah? Hay.

"Si Mika naghihintay sayo sa baba." bulong ng isang boses, ng tumagal ay alam kong kay Kim galing. Napadilat ako ng mata at napaupo. Tinawanan ako ng loko. Hay, hindi pa naman nakakapunta si Mika dito, paano naman sya maghihintay sa baba diba? Tanga tanga din eh.

Tinignan ko si Kim na nakangisi habang nakatayo sa tabi ng kama ko. Problema nito? Nakasimangot lang ako habang nagiinat at nagkukusot pa ng mata.

"Saan ka galing?" tanong ni Kim.

"Anong saan galing? Ikaw gumising sakin, diba? Malamang dito sa kama." iritado kong sagot.

"Unang una sa lahat Victo, hindi ka magaling magsinungaling. Pangalawa, sana nagpalit ka ng damit kung ayaw mong mabuking." sagot naman sakin ni Kim, kaya agad akong napatingin sa suot ko. Tanga ko talaga, sino bang matutulog ng naka-pang alis? Hay. Oo na, bistado na ako.

"Tumawag kaninang 4am something si Bang. Nasiraan kaya nagtanong kung pwede ko syang sunduin." aminado kong sagot kay Kim

"Alam ko." sabi ni Kim

Napatingin ako sakanya. Ha? Alam nya? Pero, paano? Nakita ni Kim yung pagtataka sa mukha ko kaya dalawang salita lang ang sinabi nya bago lumabas ng pinto na natatawa pa.

"Check twitter."

OH SHOOT! Yung picture namin ni Bang. Kaya ba tunog ng tunog yung phone ko paguwi? Bakit di ko naisip yon? Ugh, antukin kasi eh. Pero di yun iniisip ko, panigurado kalat na ito at of course, Mika knows. Fan sya, alam nya lahat tungkol samin. Kilala nya si Bang. At ang malala, hindi ako nagmessage sakanya or something na umalis ako kanina.

Dali dali kong hinanap yung phone ko, past 12 noon na at sobrang sabog ng notifications ko. Mostly galing sa  twitter may iba na galing sa messenger pero yung pinaka-kinabahan ako nung nakita kong may 3 text si Mika sakin at nag-dm sya bandang 8am.

Mika Reyes

@mikareyesss

good morning victo♡, breakfast na po :* (8:05am)

babe? aalis ako today ha. may photoshoot ako

kasama si kuya mark. magaayos lang ako okay? (8:15am)

alis na ako. sorry nakaistorbo ata. (9:36am)

From: Mika 

Kasama ko na si Kuya Mark. 

From: Mika 

Kakarating lang namin sa venue. I thought you should know.

From: Mika 

Mags-start na kami. Text ka nalang pag di ka na busy. Kasama namin ibang talents ng virtual playground.


I tried calling her, pero di na sya sumasagot ng phone. Kailangan ko magpaliwanag, di ko na kailangan itanong dahil alam kong nakita na nya yung picture namin ni Bang. Speaking of Bang, nagtwitter agad ako at una kong tinignan yung notifications ko. Grabe, nabuhay yung mga BaRa Shippers at may ibang accounts na nagt-tag kay Mika. Pero nagulat ako na kaka-follow lang sakin ni Bang, inunfollow pala nya ako? Or binlock? Ang bitter naman. Sunod na tinignan ko yung timeline ko sa twitter nags-scroll lang ako tapos nakita ko yung tweet ni Mika 30 minutes ago.

"@mikareyesss: Benefit of the doubt

Pero mas naagaw ng atensyon ko yung tinag sakin ng isang fan account ni Mika. Huh? Sino tong Jerome Ponce tsaka bakit sila magkasama?

@randommikafan: "@ponce_jerome: picture with my idol @mikareyesss :p" @VSGalang uy magseselos na yan si Victo hahaha joke lang Arabells.

@randommikafan: "@ponce_jerome: picture with my idol @mikareyesss :p" @VSGalang uy magseselos na yan si Victo hahaha joke lang Arabells

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

 MIKA AEREEN REYES. BAKIT GANYAN YUNG SUOT MO, HA? 


---

Author's Note:

May BaRa ganap na, may MiRome pa? Ano, sinasaktan ko lang talaga sarili ko tapos dinadamay ko kayo. Hahaha! Joke. Naisip ko na yung next chapter pero tinatamad akong isulat kasi nakakakilig yun tsaka para mabitin kayo. HAHAHAHAHA.

twitter: pakwanlifetime


twitterWhere stories live. Discover now