twitter - 17

933 34 7
                                    

Mika's POV

"Hoy, ako yung pinuntahan ni Mika dito. Hindi kayo. Tabi nga kayo dyan." rinig kong sigaw ni Ara habang pababa ng hagdan. Nandito ako sa dorm nila, bumisita lang since wala na kaming training and wala din akong gagawin for acads. Sila Ara naman may training sa Baguio bukas na yung alis nila at 1 week sila dun. Mamimiss ko siya, hay.

"Grabe naman, Ate Ara. Damot mo kay Ate Yeye!" sabi ni Dawn na sobrang cute. Bunsong-bunso eh.

"Oo nga, Ate A. Minsan nga lang pumunta dito si Ate Ye. Namiss lang namin sya." sagot naman ni Kianna

"Talaga. Akin lang to no. Diba, Ye?" sabi nya atsaka tumabi sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Hahahaha, wag mo na to pansinin. Dawny, may J.Co dun oh. Sabayan mo na sila Kimmy kumain." sabi ko kay Dawn at niyaya naman nito si Kianna dun sa dining table para saluhan ang iba pang Lady Spikers na kumain.

"Mamimiss talaga kita, babe. Wag na kaya ako sumama?" sabi ni Ara, nakayakap padin sakin.

"Sira! Training nyo yun, tsaka sulitin mo na mga panahon na makakasama mo sila. G-graduate ka na, remember? Iiwan mo na ang Lady Spikers." pagpapaalala ko kay Ara. Narinig ko naman itong bumuntong hininga at umayos na ng upo.

"1 week ako mawawala, Ye. Magbehave ka ha? Dapat bago ako umalis at pagbalik ko ako lang yung mahal mo. Kasi ikaw lang mahal ko." sabi ni Ara at tinignan ako sa mata. Tignan mo to, bigla nalang nagiging seryoso. Niyakap ko naman sya ng mahigpit.

"Kinakabahan ako pag ganyan ka, Victo. Ano ka ba, 3 days ago lang yung kasal natin! Hahahaha. Ikaw lang mahal ko, sa bawat segundo, sa bawat minuto, sa bawat oras, sa bawat araw, sa bawat linggo, sa bawat buwan at sa bawat taon na dadaan. Okay po?" paglalambing ko sakanya. Nakita ko namang ngumiti sya at kiniss ako sa pisngi.

"Hoy! Love birds! Tama na harutan, kain muna kayo dito. Mamamatay kayo sa kalandian nyo." sigaw ni Kim samin na puno ang bibig kakalamon. Takaw talaga nito, buti nalang Wafs eh. Hahahaha.

"Istorbo. Palibhasa hindi makaporma kay Didit eh." sagot ni Ara at tumayo na kami papunta sakanila.

"Ohhhhh. Burn!!! Apir tayo, Ate A!" gatong ni Kianna at talagang tumayo pa para makipag-apir kay Ara.

"Hoy Galang. Tigilan mo nga ako." sagot ni Kim at inirapan si Ara. Taray te? Hahahahaha

"Bakit kasi hindi ka pa umamin? Diba Didit? Naghihintay lang naman yan sayo. Yieeee." patuloy sa pang-aasar si Ara at panay gatong naman ang mga teammates nila kay Kim at Cyd.

"Wala akong alam dyan, Ara. Nananahimik ako dito eh." sagot ni Didit na tahimik lang.

"Ito si Ate Gurl kunwari pa eh." panga-asar ni Kianna, ang tinaguriang President ng KimCy.

"Ye, laro tayo." biglang sabi ni Ara, nakaupo na kami sa dining table kasama ang Lady Spikers.

"Ng ano?" sagot ko.

"Taguan. Taguan ng feelings. Paturo tayo kay Kim at Didit. Expert sila dun eh." biglang banat ni Ara. Nagulat naman ako ng batuhin sya ni Kim ng tinapay dahilan para matawa kaming lahat. 

Buong araw lang kaming nagkwentuhan. Sobrang welcoming at ang babait ng Lady Spikers dahil tinanggap nila ako dito, at hindi pinaparamdam sakin na hindi ako belong sakanila. Lagi nga nila akong tinatanong kung ano gusto ko, ano mga ayaw ko at pinagkkwento pa ko. Ang saya dito, swerte si Ara may mga teammates sya na pamilya ang turingan.

Nung gumabi na ay nagpunta na sa kanya kanyang kwarto ang Lady Spikers para mag-impake ng gamit nila. Sinama ako ni Ara sa room nila ni Kim para tulungan syang mag-ayos.

"Ye, patiklop naman to oh. Thank you." inabot sakin ni Ara yung mga tshirt at shorts na gagamitin nya sa buong stay nila sa Baguio. Kinuha ko ito at nagsimulang magtiklop. Nang maiayos ko na ay nilagay naman nya yung mga pang-training nya.

"Babe oh." sabi ko kay Ara sabay abot ng plastik.

"Para saan yan?" tanong nya at kinuha ito.

"Biogesic kasi baka sumakit ulo mo sa byahe. Tapos may salonpas din dyan in case sumakit katawan mo after training, syempre mapapagod ka dun. Tsaka meron dyan vitamins para umiinom ka dahil di naman biro ang mga training. Meron din dyan gamot sa lagnat baka kasi lagnatin ka, hindi natin masasabi sobrang lamig sa Baguio eh." sabi ko. Nakita ko namang nakangiti syang nakatingin sakin. "Bakit?" tanong ko sakanya. Hinila nya ako at kinandong sakanya.

"Ang sweet naman ng baby ko." sabi ni Ara at kiniss ako sa balikat. Kinikilig ako!!

"HULI KAYO!" as usual, may panira ng moment. Sino pa ba? Si Kim Alano Fajardo.

"Panira! Halika na nga, Ye. Hatid na kita." paga-aya naman ni Ara kaya tumayo na ako at lumabas na kami ng kwarto. Nagpaalam naman ako isa isa sa mga Lady Spikers, nakakatuwa talaga dahil niyakap nila ako at imbis na sila ang sabihan ko ng ingat, ako pa yung sinabihan nila.

Hindi na ako nagpahatid sa bahay namin dahil kailangan magpahinga ni Ara. Pagkauwi ko nagtext ako sakanya at natulog na. Hay, mamimiss ko talaga si Victonara. Matagal din ang 1 week :(

---

Author's note:

Wala na po bang hahabol sa #AskKARA? Comment lang po kayo ng questions nyo. Balak ko sana next chapter na yun eh. Kaso konti palang nagp-participate. Mad-delay yung chapter for #AskKARA huhu.

twitter: pakwanlifetime

twitterWhere stories live. Discover now