twitter - 18

859 34 2
                                    

Mika's POV

@VSGalang: i miss you baby 😞 4 more days. good night 😘 tiis muna sa videocall @mikareyesss

@mikareyesss: i miss you too, victo 😥 see u soon 💚 pahinga ka na 😘

It's been 3 days since nung pumunta ang Lady Spikers sa Baguio para sa training nila. Graduate na si Ara pero sumasama padin sya dahil sinusulit yung time na pwede nya pang makasama ang team. Andito ako sa condo nya, regalo ng parents nya after graduation. Dito ako nags-stay ngayong wala sya para may maglilinis padin. Past 11pm na, at patulog na sana ako pero may narinig akong kumatok sa pinto. Huh? May bisita ba ko na ineexpect? Tsaka, bakit ganitong oras naman? Sino kaya to?

Dumiretso ako sa pinto, sinilip ko muna kung sino yun at nagulat ako na nandito sya. Anong ginagawa nya dito?

"Kiefer? Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?" sabi ko sakanya pagbukas ko ng pinto.

"Miks, gusto lang sana kita makausap." sabi nya at napansin ko naman yung amoy nya. Amoy alak? Lasing ba to?

"Teka, lasing ka ba? Pasok ka muna. Baka may makakita sayo dyan eh." pinatuloy ko naman sya at dumiretso kami sa sofa.

"Paano mo pala nalaman kung saan tong condo ni Ara?" tanong ko kay Kiefer dahil wala pang friends namin ang nakakapunta dito maliban kay Kim.

"Ganun talaga, Miks. Pag mahal mo lahat gagawin mo para malaman kung nasaan sya. Lahat." sagot nya.

Nagulat naman ako dahil di ko ine-expect na sasabihin yun ni Kiefer sakin. Lasing lang to eh. Pauuwiin ko na nga.

"Baliw. Alam mo, Kief. Lasing ka lang. Sige na, umuwi ka na." sabi ko sakanya at tumayo para sana samahan sya hanggang sa pinto.

"Tangina naman, Mika! Gusto nga kita. Gustong gusto. Pakiramdam ko nga mahal na kita eh." sigaw ni Kiefer sakin na ikinagulat ko naman.

"Di mo alam sinasabi mo, Kiefer. Alam mong kami ni Ara, diba?" sabi ko sakanya at sinusubukan ko na syang itulak palayo.

"Mika please. Give me a chance." pag pupumilit nya. Pero mas tinutulak ko sya palayo.

"Kiefer, mahal ko si Ara. Please lang, wag kang manggulo." pakiusap ko. Bigla naman syang humarap sakin, naluluha at halatang wasted na. Mukhang pagod sya.

"Di kita susukuan, Mika. Hihintayin kita." sabi nya at ngumisi pa. Nagulat ako sa susunod nyang ginawa, ang bilis ng pangyayari. Hinawakan nya ko sa batok at nilapit sakanya.

Naramdaman ko nalang na nakalapat yung labi nya sakin.

Humiwalay ako agad sakanya.

*Pak!* "Tangina, Kiefer! Ano bang di malinaw sayo? Mahal ko si Ara! Umalis ka na nga!" tinulak ko sya ng sobrang lakas at sinara ang pinto.

Nakatulala akong pumunta sa kwarto ni Vic at humiga. Totoo bang nangyari yun? Hinalikan ako ni Kiefer? Si Vic. Paano ko sasabihin sakanya? Sasabihin ko ba o hindi? Pero paano? Anong gagawin ko? Paano ko sasabihin sakanya?

To: Babe

Victo, I'm sorry. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Ikaw lang, promise. I love you.

---
Author's note:

D LS U ANIMO LA SALLE! CONGRATS DE LA SALLE LADY SPIKERS! BACK TO BACK CHAMPIONS, BABY! THEY GAVE KAFTAIN THE UAAP EXIT SHE DESERVES.

Short update, warm up sa mga puso nyong madudurog. Hahahahajoke. Anw, this May matatapos tong twitter. Yes to book 2 ba?

twitter: pakwanlifetime

twitterWhere stories live. Discover now