Chapter 28 Vacation

3.2K 83 3
                                    

So ayun maaga ako nagising kasi nagpeprepare ako ng breakfast namin ni Tj kasi maaga yung flight namin 6:30 am so time check 2:00 am pa lang sobra akong excited kasi first travel namin to ni TJ tapos magasawa na kami so nakakakilig. Nagprito lang ako ng egg, bacon, hotdog and Ham tapos pinartneran ko sila sa Friedrice then nagtimpla ako ng milk para healthy kami parehas <3, so ayun feel na feel ko maging isang housewife kinacareer ko talaga to. Tapos na ako magprepare ng breakfast namin.

"Hhmmmm ang bango" sabi ni TJ

"Syempre naman ako kaya nagluto" sabi ko naman

"Tara na nga kain na tayo at maaga pa tayo aalis"

"Ay oo nga pala tara na" nagtataka siguro kayo saan kami pupunta noh? Pupunta lang naman kami sa Japan for our honeymoon gift saamin nila Daddy.

-------
Dito na kami sa Japan at masasabi ko talagang sobrang lamig at ang ganda dito di ko na mahintay makapag tour. So buong byahe namin papuntang Hotel nakatingin lang ako sa labas kasi sobrang ganda nv views sobrang linis pa ng paligid.

"WOW" sabi ko habang nakatingin sa mga cherry blossoms sobrang ganda niya gusto ko na pumunta doon. "TJ!! TJ!! Punta tayo dun mamaya" sabi ko naman, pero syempre di nanaman ako kinausap ewan ko ba sa kanya buong byahe di ako kinakausap kahit anong open ko ng topic natutulog lang pati ba naman dito sa Cab di parin ako kinakausap nakakapag tampo na.

Hay nako bahala siya diyan naiinis ako sa kanya akala ko magiging masaya tong travel namin pero di pala. Halos lahat ng picture sa Cam ako lang kasi puro selfie ko, wala man lang kami picture together unang ride namin ng airplane together yung ganun kaso wala ☹️.

-----
Nandito na kami sa Hotel and exactly sa tapat ng pinto ng hotelroom namin at nasa 4th floor kami, pagkabukas pa lang ng pinto nakita ko na kung gaano siya kaganda may kaliitan lang pero sakto na for us. Agad agad akong tumakbo sa balcony at naamaze ako sa view sobrang ganda niya kitang kita mo yung beach kung gaano kalinis nv water and kung gaano kaputi ang sand.

"TJ!! TJ!! Halika dito dali ang ganda ng view dito, maganda siguro dito manood ng sunset no?" Sabi ko habang tuwang tuwa na nakatingin sa beach "TJ?!" Paano ba naman kasi walang nasagot saakin, ayun nakita ko pumasok sa CR maliligo siya.

Habang naliligo si TJ ay inayos ko yung mga gamit namin nilagay ko sa Drawer dito sa hotel para organize siya lahat. Ang tagal naman lumabas ni TJ sa Cr inaantok na ako gusto ko pa naman maggala gala na kasi excited na excited na talaga ako. Aantayin ko siya iidlip lang muna ako medyo pahapon na ee 2 pm na dito sa Japan.

----
Wahhhh anv sarap ng tulog ko anong oras na kaya? Pagtingin ko sa orasan 8 pm na ng gabi ANO BA YAN!! Akala ko pa naman magiging masaya na yung firstday ko dito sa Japan pero hindi lintek naman kasi ee nakatulog ako sa sobrang pagod at ang sarap ng kama sobrang lambot ang comfortable dito matulog super.

"TJ labas tayo" pagaya ko sa kanya kahit tingin tingin lang sa Dagat

"Gabi na saka pagod pa ako" ano bayan :((  ngayon na nga lang kamu nakapag usap tapos ano? Ganyan pa sasabihin niya? Naiinis na ako sa kanya gusto ko na lang ulit umuwi sa Pilipinas kung alam ko naman tong Japan edi sana nalibot ko na kaso hindi ee siya lang may alam ng pasikot sikot dito.

"Tara na  nga mag dinner na lang muna tayo tapos bukas na tayo gumala sa Japan pawalain muna natin pagod natin" sabi niya. YEY nakita niya siguro na malungkot ako

"Yey nagugutom na talaga ako TJ yey" sabi ko then naligo muna ako kasi ang lagkit ko na super.

---
Omhayghad ang sasarap ng nga pagkain dito nakakatakam

"TJ ok ka lang ba talaga?" Sabi ko sa kaniya kasi ang tamlay niya parin talaga

"Yes I'm ok napagod lang siguro talaga kasi alam mo naman kasal and debut mo kasabay then nagtravel tayo so napagod talaga ako"

"Sige after nating kumain pahinga na tayo tutal may 3 days pa namn tayong natitira"

----
Ayun nga tapos na kami kumain sobrang sarap ng mga pagkain super worth it ang lahat.

"TJ? OMG TJ is that really you?" Oopss sino tong palakang to?

"Yes ako nga to ano ka ba Louisse wala naman nagbago sakin I'm still the same" TJ akala ko ba masama pakiramdam niya? Bat parang tuwang tuwa pa siya na kausap tong palakang to? At sino ba to? Bat ba sila magkakilala?

"Ano ka ba TJ ang laki na kaya ng pinagbago mo you look more handsome na kaya" sige magkwentuhan lang kayo sa harap ko

"Louisse ikaw din mas lalo ka ngang gumaganda ee" WTH? Ano ba pinagsasabi ni TJ well excuse me nandito kaya ako!!. Bat ganun parang may gusto si TJ dito sa palakang to? Kung makangiti kasi wagas.

"Ehem" sabi ko at napansin naman nila ako BUTI NAMAN NOH?

"Ahhh btw pala Louisse, Angela my Girlfriend" HOW GIRLFRIEND!?? Parang kakasal lang natin tapos girlfriend!? Ano kinahihiya na ako? Ano para pede nila ako pagtaksilan? " and Gela this is Louisse..." di natuloy sasabihin ni TJ dahil umepal tong si palaka.

"... His EX Girlfriend,Nice to meet you Gela" sabi niya at nagshake hands kami. WTH ex niya to? Mukang palaka? Pero sa totoo sobrang ganda niya talaga kaya nakakainsecure siya, baka agawin niya saakin si TJ paano na to? Kakasal lang namin tapos ano magpapaannul na kami?

*Imagination*

Omhayghad ano tong inaabot sakin ni TJ?

"Ano to?" Sabi ko

"Ano tanga lang Gela?" Louisse

"Annulment paper natin yan kaya pirmahan mo na yan" sabi ni TJ at nagsmile kay Louisse at kiniss niya ito sa Lips

"Annulment bakit? 1 week pa lang tayong kasal!" Sabi ko naman

"Wala na akong paki dahil mas mahal ko parin pala si Louisse my babe" TJ ang sakit di ko na kaya!!!!!

*Imagination End*

"Gela are you ok?" Louisse, ano ba yang pinagiimaginan ko hindi mangyayari yung mga iniisip ko HINDI PWEDE YUN.

"Ha?! Ahh?! Ehhh?! Ano nga ulit yun?"

"Sabi ko meet my Fiancé Christian" omhayghad ikakasal na pala siya buti na lang omg akala ko katapusan na namin haist

"Hi Christian, I'm Gela nice meeting you" sabinko then nag shakehands kami

Hindi naman pala malaking hadlang to si Louisse saamin ni TJ sa relationship namin kahit Girlfriend lanv pakilala niya saakin kay Louisse.

----
A/N

Omg!!! Nakapag UD na ako ulit heheheh dedicated to sainyong lahat :))). Medyo mahaba haba to bibitinin ko lang kayo ng kaunti hehehehehz. So ayun thankyou sa lahat ng nagcocomment naglalike and syempre sa mga nagbabasa dito wala naman ako dito at tong story na to na ongoing parin kung wala kayo mga READERS ko so ayun mahal na mahal ko kayong lahat. Keep on commenting lang itatry ko ngayon na mag reply sa mga comments niyo saakin and mga message niyo. So ayun lang antay na lang for next UD.

I'm Secretly Married to my CrushWhere stories live. Discover now