Chapter 30 First Fight

3.7K 114 24
                                    

9:00 na ng gabi nakatingin lang ako dito sa balcony sobrang ganda dito kahit na gabi alam niyo yun? Yung parang busy na busy parin dito di nawawalan ng tao though medyo madami lang naman kami.

2 araw nanaman nasayang saakin paano ba naman kasi kahapon nakatulog ako ngayon naman buong maghapon kasama namin si Louisse at Chris wala na kaming time ni TJ para sa isat isa.

Pumasok na ako sa loob dahil nawalan nanaman ako sa mood pag naaalala ko nanaman yung nangyari. As usual di nanaman ako papansinin ni TJ parang di kami mag asawa yun yung pinaparating niya saakin na sawa na siya agad agad saakin.

Tumabi na ako sa kanya kasi inaantok na ako, hindi nga kami sweet ee pag natutulog kami magkalayong magkalayo kami ako pa mismo nalapit sa kanya para yakapin ko siya lagi pang nakatalikod kung matulog saakin na akala mo babangungutin pag nakaharap saakin.

"Goodnight TJ" sabi ko

"Night" sabi niya naman. Nakakainis talaga siya night lang? Ok pa kung goodnight din ee kaso NIGHT lang?.

Nasa kasarapan na ako ng tulog ng may kumatok sa Room namin. Si TJ na ang nagkusa na silipin ito, inaabangan ko lang kung sino yung kumakatok.

" Lou at Chris" walang ganang sagot ni TJ.

"Ano kaya kailangan nila? 10 pm na oh!" Patulog na nga yung tao ee

"Ewan ko"TJ

"Buksan mo tanong mo kung bakit"

"Sa tingin mo bubuksan ko to ng ganyan lang suot mo?" Ay oo nga pala nakalimutan ko naka cycling shorts lang ako at sobrang luwag na sando and Im not even wearing a bra kasi ganun talaga ako matulog, kaya dumaretcho na ako sa CR at nag bathrobe. Paglabas ko nandun parin sila kaso nasa loob na.

"Chris Lou ano kailangan niyo?" Tanong ko sa kanila

"Wala lang naman naisip kasi ni Lou na last night na namin to pede magpuyat bago kami mag pakasal kaya lets celebrate it kahit na onti lang" Chris

"Yes, kaya mag inuman tayo kahit na wine lang and laro tayo Uno. " nako patay inaantok na ako.

---
At ayun nga nag laro lang kami 12:00 na at wala paring balak mag si alisan tong dalawa bibigay na ako antok na antok na talaga ako
---
Nagising ako 2:30 am na pala pero bat ganun? Ang sikip? Alam ko malaki tong kama namin ah?

Pagsilip ko sa kabilang side magkayakap si TJ at Lou sa kama.

Lumabas ako nagpakalayo layo ako sobra akong nasaktan sa nakita ko never pang nangyari saamin ni TJ yun yakapin niya ako pagtulog.

Naglalakadlakad lang ako dito di ko na nga alam kung nasaan ako ee basta ang alam ko lang ay malayo na ako sa Hotel namin.

---
Sobrang lamig ngayon nagsnow pa, kung kelan naman naka manipis lang ako damit.

Anong oras na ba? Tinignan ko sa phone ko at 5 am na ang bilis ng oras. Nandito lang ako sa Park and I dont know what place is this but I'm sure na ito ang happy place ko.

---
Binuksan ko yung phone ko kasi pinatay ko siya kanina at may 67 missed calls ako na lahat ay galing kay TJ.

Hindi pa ako Ready siguro mamaya babalik na ako doon.

---
11:30 na nagugutom na ako butu na lang talaga may dala akong pera ngayon kundi baka maging pulubi na ako dito.

Nasa Mcdo lang ako ngayon at kumain ng napaka dami dahil gutom na gutom na ako.

---
Nandito ako ngayon sa Disneyland, bumili ako ng damit ko kasi halata pang nakapangtulog ako.

Picture ako ng picture para kahit sa picture ay masaya ako nagpapapicture ako sa iba para makita yung view hindi puro muka ko.

---
Nakakapagod din pala noh? 7 pm na hindi parin ako umuwi nandito ako sa hindi ko malaman na park nagiiyak ako, sobrang sakit ng nakita akala ko wala na talaga ee pero sa mga nakita ko alam kong meron parin silang pagtingin sa isat isa.

Umuwi na kaya ako? Pagod na ako kaso di ko alam paano umuwi lalakarin ko na nga lang para sure ako.

---

Nasaan na ba ako? Naliligaw na ata ako eto yung natatandaan ko na dinaanan ko kanina pero bat ganun? Parang paulit ulit na lang?.

Pagod na ako kaya umupo muna ako sa sidewalk. Nakatulala lang ako ng may yumakap saakin, kilala ko tong amoy na to kaya di na ako nagpumiglas pa. Mayamaya ay may tumulong luha sa balikat ko at doon ay napaiyak na lang din ako.

"Sorry Gela, una sa nakita mo kanina pero promise hindi ko lahat sadya yun. Second is I'm so sorry dahil hindi kita nahanap agad kaya Im really really sorry Gela" Sabi niya pero galit ako sa kanya kaya tumayo na ako at naglakad na.

"Uwi na tayo" yan lang nasabi ko kasi pagod na pagod na ako ayoko muna marinig ang lahat gusto ko matulog na lang muna na mahimbing.

---
Nasa CR ako ngayon dahil naliligo ako isang araw kaya ako di naligo no!! Ang baho ko na.

3 araw nanaman nasayang saakin bukas aalis na kami mga 5 pm.

Lumabas na ako sa CR at naramdaman ko naman na nakatingin saakin si TJ pero galit parin ako sa kanya kinuha ko lang yung unan ko saka kumot ko at dinala ko to sa Sofa kasi doon ako matutulog. Bakit may pinagkaiba ba yung sa sofa at kama? Wala naman diba?

---
Kinabukasan nagising na lang ako sa amoy ng favorite ko ang pagkain.

"Goodmorning Gela gising ka na pala Lets eat na" bumangon na ako pero di ko siya pinapansin, umupo lang ako sa tapat niya at nagsimula ng kumain. Natapos na kaming kumain ng di ko siya iniimikan kahit tingin sa kanya wala talaga. Tumayo ako para ligpitin pinagkainan namin kaso nagsalita siya

"Ako na maghuhugas nito" kaya agad ko ng binitawan yung mga plato kaya pupunta na lang ako sa kwarto para ayusin gamit namin "Mag ayos ka aalis tayo and ayos na mga damit natin" sabi niya halatang malungkot siya pero galit ako kaya di ako naawa sa kanya. Ok ayos naman na pala ee kaya nagasikaso na lang ako kasi aalis daw kami at di ko na tinanong kung saan kami pupunta.

---
Nandito kami sa kasal ni Lou at Chris at wala akong paki di na ako pumalag pa nung nandito na kami basta di ko parin siya papansinin.

---

Natapos na yung kasal nila at nilapitan na namin sila Chris dahil hila hila ako ni TJ

"Gela Im really really sorry sa nakita mo di namin yun sinasadya ni TJ alam kong di mo ako mapapatawad ngayon pero sana sa susunod na makikita natin ang isat isa ay mapatawad mo na sana ako, kasalanan ko naman kasi yun nangyayakap talaga ako pag natutulog ako hindi din naman sinasadya ni TJ na yakapin din ako kasi tulog din naman siya nun kaya I'm really really sorry.

---
Ayun natapos na kami kila Lou at Chris na kasal 4:30 na at wala parin kami sa Airport dapat ay kanina pa kami nandun malapit na ang Flight namin

"San tayo pupunta? 4:30 na 5:00 ang flight natin"

"Finally nagsalita ka na din di pa tayo uuwi nag paextend ako ng 3 days matulog ka na lang muna diyan malayo layo pa ang byahe natin." Sabi niya so masunurin naman ako kaya natulog na lang ako.

---------
A/N

Mahaba haba tong UD ko heehehez thanks for reading. Lovelots.

-Angelalala

I'm Secretly Married to my CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon