Chapter 1

55 3 1
                                    

"Manager?Gising na!Gigisingin mo pa ko e.Gising naaaaa!Sige ka malelate tayo pareho.Manageeeeer!Wake up!Sige ka.Di na kita ma-"

Pinatay ko agad yung alarm ko.Letse talagang Rhythm yun.Pinakialaman nanaman yung cellphone ko.

Humikab agad ako ng bonggang bongga.Mag-isa lang naman ako dito sa bahay kaya dedma.Nasa japan kasi sila mama.At dahil yun sakin.Dahil yun sa pagtatrabaho ko ng mabuti.Dahil naman talaga sa kanila kung bakit minamahal ko ang trabaho ko.Kasi kung wala akong trabaho nganga lang din.

"Ambaho naman manager"napasara ako bigla ng bibig ko saka napalingon sa may pinto.Nangunot bigla ang noo ko ng makita ko si Rhythm na nandun.

Nananaginip pa ba ko?Letse naman hanggang panaginip ginagambala pa ko ng bubwit na yun.

"Gulat ka 'no?"kumindat pa sya sakin bago lumapit saka may nilapag sa side table ko.Ngayon ko lang napansin may bitbit pala syang tray.

"Nagising ka?First time ata 'to"kinuha ko yung kape ko.Napaso pa nga ko.So hindi 'to panaginip.Wow may himala.

"Nagising mo ko e"binalik ko sa tray yung kape kong nabawasan ko saka sya tinignan

"Anong sinasabi mo?"nag-aadik ba 'tong isang 'to?Pano ko sya magigising e kakagising ko lang din?

Kinuha nya yung cellphone nya habang nakangising may hinahanap.Nilakasan nya pa yung volume ng cellphone nya bago may plinay.

"Hoy panget!Gumising ka na pwede ba?Late na tayo!"tinignan ko sya ng nakakunot ang noo.Teka...

"Yan ba yung tawag ko sayo kahapon?"tumango tango naman sya habang nakangisi pa rin.Loko loko talaga

"Hmmmm.Ayoko pa.Nananaginip pa ko"kumag e.Narecord ata yung buong usap namin

"Gusto mo bang masira career mo?Aba!Nag-aantay si madam Kezaria"narinig ko naman tumawa sa kabilang linya si Rhythm.Yung tawa nyang yun.Yung tawang kahit paulit ulit mong pakinggan ang sarap pa rin sa tenga.Parang-aish!Ano bang iniisip ko?

"Selos ka sa kanya 'no?Wag ka mag-alala.Mas maganda ka dun"uminit ulit yung pisngi ko gaya kahapon.Tumawa naman si Rhythm nung makita nya ko kaya kinutusan ko nalang sya.Letse talaga.

"Sige lang bolahin mo ko.Basta bumangon ka na jan.BANGON!"napahawak ako bigla sa tenga ko.Anlakas pala talaga ng sigaw ko kahapon.Alam ko na kung bakit kinalmot ako bigla ng pusa ko.

"Aww!Oo na po!Oo na!"call ended.Tinignan ko sya bago tinaasan ng kilay.Ngiting ngiti e.Pinagmamalaking maaga syang nagising.

"Tss,prepared ka na?"bumaba na ko sa kama ko saka nag-unat.Binuksan ko yung cabinet ko saka kinuha yung pantalon ko saka blouse.Kinuha ko naman sa ibabang drawer yung undies ko.

No need naman na magprepare pa ko.Ni hibla naman ng buhok ko di makikita sa camera.Kahit nga mag-ala manglilimos outfit ko ayos lang.Wala namang sisita sakin-well may manghaharang lang.Yung guard.

"Oo naman!Wala ka bang tiwala mukhang 'to?"inirapan ko nalang sya ng makitang naka-pogi pose sya.Naku ka Rhythm.Pag ako di nakapagtiis sayo baka kanina ka pa nagkalasog lasog dahil sa kurot ko.

"Wala e.Sorry"papasok na sana ako ng cr ng marealize kong nakaupo pa rin sya sa kama ko

"Wala kang balak lumabas?"umiling iling sya habang pinaglalaruan si Music-yung pusa ko

"Di naman kita bobosohan.Ganun na ba tingin mo sakin,Melody?"namewang ako nang tawagin nya ko sa pangalan ko.Hindi sa ayokong binabanggit nya yung pangalan ko.Ang weird lang kasi.

"Insert ate or manager please"ngumuso naman sya.Kaya napalunok ako.Madalas syang ngumuso pero di talaga ako sanay.Tuwing ginagawa nya kasi yan nagkakaron ako ng urge na halikan sya.Yuck kung yuck pero ewan ko ba sa sarili ko.Ugh!

Pumasok nalang ako ng cr saka ginawa ang dapat gawin.As always nagtagal ako ng 20 minutes.Kelan pa nga ba nabago?Its either mababawasan lang o madadagdagan ng ilang minuto ang pagligo ko.Consistent lang ganern.Buti nga ang pagligo ko e hindi nagbabago.As is.Parang kami lang.Walang pagbabago.Manager lang ang turing nya sakin.

Hay.

Pagkabihis ko lumabas agad ako ng cr.Mahirap na baka kung ano anong pakialaman ni Rhythm sa mga gamit ko.

Pagkalabas ko ng cr hawak hawak na nga nya yung cellphone ko.

"Nililigawan ka nung ahas?"eto na nga ba ang sinasabi ko.Kinuha ko agad yung cellphone ko na hawak nya.

"Baguhin mo nga tawag mo kay Python.Saka magkuya ka din sa kanya.Wala ka talagang galang 'no?Sumbong kita kila tita Mitch"tinanggal ko yung towel na nakapulupot sa ulo ko saka nagsuklay habang nakatingin sa salamin.

Nakatitig naman sakin si Rhythm.Naconcious tuloy ako bigla.

"Wag mo nga ko titigan.Muka kang ewan e"tumawa nalang ako.Slight na may pagkaplastik.Ayoko naman ipakita sa kanya na naiilang ako sa presence nya.

"Pansin ko lang ate Melody,bakit di ka nagbo-blower?"napatigil ako sa pagsusuklay.Oo nga 'no?Pinapabayaan ko lang kasing kusang matuyo yung buhok ko.Saka bukod dun di ko lang nakasanayan.

"Nakakasira din kasi ng buhok e.Tignan mo si madam Kezaria.Kung walang rebond rebond yun mala-walis tambo hitsura ng buhok nun"tumawa naman si Rhythm habang umiiling iling.Normal nya lang marinig sakin yung mga lait moments ko kay Kezaria.Syempre akala nya joke,pero may pinaghuhugutan talaga akong baul na may mga sama ko ng loob sa babaeng yun.

"Kung di lang ako aware na pranka ka baka isipin kong may gusto ka sakin.Lahat kasi ng babaeng nakakasama ko may side comment ka e"moment of silence.

Gustong gusto kong magpalamon sa lupa sa narinig ko.The atmosphere becomes weirder every seconds.I can hear my heart pumping so fast.I feel the cold air from my window.What the heck is happening to me?

I shrugged and continue brushing my hair.I shouldn't be affected.

"Ew.Bat naman ako magkakagusto sayo?"i tried hiding my true feelings.Thank god i didn't stutter.

Tumayo na ko pagkatapos ko maayos yung pagsusuklay.It was just 3 minutes but heck it feels like a hour with him.

"Tara na nga.Antagal mo talaga kumilos ate Melody"tinaasan ko sya ng kilay.Yabang talaga,palibhasa first time magising ng maaga.

-*-*-*

Bia's Note:

Umg,saya ko supeeeer!Lol,hakhak.Hi ate seonspen,thank you very very very veeeeeeery much sa BC.Lamyu sagerd sagerd sa pluto.

The Manager and The ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon