Chapter 2

37 3 2
                                    

"One,Two,ACTION!"sigaw ni direct Jim.Then bang.The taping starts.

Nakaupo lang ako dito sa monitoring area.Kasama din kasi ako sa mga staffs na chinecheck kung maayos ba yung mga camera saka yung mga anggulo na kinukuha.

"Sure ka ba?Natatakot ako sa ka-eyeball ko ate Lyn"tumingin si Rhythm sa camera pero sandali lang bago luminga linga na parang may hinahanap.Ganun ginagawa nya habang naglalakad kaya di nya napansin si Kezaria na may katext din at hindi nagfofocus sa dinadaanan nya.

Tendency nagkabanggaan sila.How cliché right?

Well sorry.Ako ang may gawa.Ano bang ibang alam ko na pwedeng way para magkita ang dalawang characters na 'destined' kuno to be with each other?

Ako nga e nasa harap ko na't lahat.Kasama ko parati saka kausap.Pero wala man lang kakilig kilig na nangyayari.Hays.

Nabalik ulit ang atensyon ko ng kalabitin ako ni Python,yung manager ni Kezaria.

"Lutang?"tumawa ako habang umiiling,inabutan nya naman ako ng kape kaya nginitian ko sya bilang thank you

"Jax,kaw muna bahala dito ha?"sabi ko sa isa sa mga staffs sa monitoring room na medyo kaclose ko din kahit papaano

Nagthumbs up lang sya sakin kaya lumabas na ko kasama si Python.

"So,how's your day?"kinunotan ko ng noo si Python.How's my day?Its just starting anyway.

"Uh.As always.Fine at the same time stressful"umupo kami sa may bench hindi kalayuan sa lugar kung san nagte-taping.

Ayos lang naman pwesto namin.Hindi naman kami mahahagip ng camera.Well pwedeng maging extra.Yung tipong ilang seconds lang yung litaw namin.But still wala kaming natulong.

"Nabasa ko yung manuscript.I didn't know that your also a good writer"i smiled at Python.Hindi na bago sa kanya ang pagkabolero.Pero ayos lang naman sakin.Matino tino naman kahit papaano 'tong si Python kesa kay Rhythm.But ofcourse,iba si Rhythm.He's someone special to me.Kung may ranking lang siguro si Rhythm ang pinakamataas.Si Python?Well pwede na sa pangalawa o pangatlo.

"I actually write stories since elementary days.But none of it has a happy ending.All of them have a tragic finale"he nodded.Kahit 'tong movie na tine-take namin ngayon.It has a tragic finale.

Hindi naman sa bitter ako.Siguro dahil di pa ko nakaka-experience ng 'true and real love'.Kaya di ko ma-apply sa mga stories na sinusulat ko.

Yes,i love the kiddo Rhythm.But I guess hindi ganun kalalim.And how will i make a story with a perfect ending and perfect couple kung maski ako nga di pa nakakapasok sa isang relasyon?

Tanging imaginary relationship ko lang kay Rhythm ang meron ako.One sided love pa.

"Really?Mga 1/4 palang kasi yung nababasa ko sa script.Maganda naman yung flow.Di mo balak baguhin yung ending kung tragic man sya?"i didn't answer.Sa ngayon unfinished pa talaga yung story.Di ko nga alam kung pano ko tatapusin.Ending nalang yung kulang e.Pero kahit pa wala pa kong nagagawa.I'm very sure na hindi sya magiging happy ending.

Tinignan ko yung coffee shop kung san yung place na mag-ge-getting to now each other yung dalawa.Pero nagulat ako ng makitang wala sila dun.

"Where are they?"naibulong ko bigla sa sarili ko.Hinagilap ko sila.Impusibleng nag-cut si direct!Kasi tatawagin kami kung sakali.Saka bukod dun tuloy pa rin yung pagro-roll ng camera.

"Ate Lyn!"nangunot ang noo ko ng makitang palapit sakin si Rhythm.Sa peripheral vision ko napansin ko ding nakasunod yung camera kay Rhythm papunta sa akin.

What the heck is he doing?Masisira ang buong script!

"Ate I saw the girl!"humawak sya sa tuhod nya habang hingal na hingal.Pasimple kong tinignan si direct,nagthumbs-up sya sakin

So ano 'to?Adlib?Oh god!

"W-who?"gusto kong magpalamon sa lupa.I stutter!Inaantay ko nalang ang cue ni direct para itigil na 'to but I hear nothing.As if tamang tama lang lahat.

"Yung ka-eyeball ko"sinenyasan ako ni Rhythm na umurong kaya umurong ako.May nasagi pa nga ak—oo nga pala si Python!

Napalingon ako.Nandun pa rin sya nainom ng kape.Dinededma nya nga ako.I get it.Nagpapanggap syang stranger.Ugh nakakainis.

Humarap ako kay Rhythm.Sinenyasan nya kong sumagot.Oo nga pala nagte-take pa ng adlib.

Shoot.So think Melody.Isipin mong ikaw si Lyn.What will you answer to your bestfriend's brother?

"So what happened?Kamusta yung date nyo?"i made my voice energetic.Sa sinulat ko sa manuscript,Lyn is a cheerful and hyper girl na walang ibang ginawa kundi maging matchmaker ng mga kakilala nya.Kahit pa kapatid ng bestfriend nya di nya pinalampas.

"Ayoko sa kanya ate!Ang brat nya tignan.Ang arte pa kumilos.Kaya umalis ako nung nag-cr sya"i want to explode by that moment.It shouldn't be like this!Dapat pinupuri nya si Kezaria by this time.Yun bang inlove na inlove sya.Dapat nga rin walang exposure si Lyn e.Ano bang nangyayari?

"Ha?Bat mo ginawa yun!Tukmol na 'to.Kawawa naman sya.Balikan mo bilis!"tinulak tulak ko pa sya.Take note nilakasan ko yun.Kung di nga lang sya humawak ng maigi sa bench baka nalaglag na sya.

"Ayoko nga sa kanya!"sabi nya habang nakapout.Eto nanaman yang ngusong yan!Is he really aware na dahil sa ginagawa nyang yan parang timang ang puso ko na gustong lumabas sa katawan ko?

On the other hand.Naramdaman ko namang umalis na si Python.Letse syang lalaki sya.Lakas akong iwanan kasama 'tong bubwit na si Rhythm.Hindi ko na talaga sya sasagutin.Letse sya double bawas ng chance na maging boyfriend ko sya!Negative na rating nya sakin.Walanghiya e.

"Theo naman.Pang-ilan na 'tong naka-eyeball mo ah?Wala ka ba talagang natitipuhan?Aba baka dahil sayo hindi ko na pangarapin pang maging human cupid"i said as if i am really Lyn.Bumuntong hininga naman si Rhythm saka hinimas yung batok nya.

"I already like someone.I'm sorry di ko nasabi sayo"i gulped.His voice sounded surreal.Parang may pinapahiwatig sya.Parang walang camera na nakatutok samin.Parang kaming dalawa lang na nag-uusap.

"Its fine.So who is the lucky girl?"my hands is shaking and i can feel the sweat from it.Hindi ako pasmado so its weird.

Tumingin sya sakin.Eye to eye.He's not even blinking.Then a smile flash in his face.A sweet smile.A smile that i always seen in him everytime he's happy.A true smile.

"She is Lyn Francesca Mariano"i blinked twice.Wait...Lyn Frances—its the fullname of Lyn's character.What the heck.

The Manager and The ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon