Chapter 3

31 3 1
                                    

"CUT!"sigaw ni direct.I heard a clap.But still i'm in the state of shock.Para akong nasa panaginip.Everything feels so unbelievable.

"Manager?Andyan pa ba kaluluwa mo?"i shrugged like everything is normal.Tumayo agad ako samantalang tumawa lang si Rhythm.Kaya binatukan ko.Mapang-asar yung tawa e.

Nagulat ako nung yakapin ako ni direct pagkalapit namin.Kung di ko alam na kafederasyon 'tong si direct baka inisip ko nang nangmamanyak lang 'to sakin or what.Di kami nito talo e.

"Oh my god bii!I didn't know na your a good actress din pala!If i only knew!Sana matagal ka nang artista"ngumiti nalang ako kay direct Jim.Even though na mas mataas sya saming lahat,di sya sobrang hirap ma-reach.Para lang syang baklang upgraded.Pwedeng pwede maging friend anytime anywhere.Pero strict kung strict pag oras ng trabaho.

"Pero direct.Bat ba nagkaganun?Ibang iba sa nasa manuscript.Baka lalong maging waley yung kwento"hinampas ako ni direct Jim ng mahina sabay tawa.Yung malanding tawa.Well di nanaman bago yun.Normal sa kanya yung tawang yun.

"No!Ano ka ba.Ang ganda nga nung story sa adlib nyo e.Sorry bii ha?Pero mas waley talaga yung nasa manuscript.Medyo serious kasi e.Saka ang bilis ng happenings.Masyadong straight to the point.Masyadong cliché.Magagawan mo naman ng paraan diba?Saka hirap ka din gawan ng ending yung una.Mas ok na 'to"nagnod nalang ako.As if i have a choice.Kahit pa kaibigan ko si direct Jim mas mataas pa rin posisyon nya kesa sakin.Saka tama rin naman sya.

"Ok people!Break muna!"sigaw ni direct Jim sa lahat kaya kanya kanyang pacelebrate na sigaw lahat.

Nawala nga bigla sa paningin ko si Rhythm.Gala talaga yung bubwit na yun.Kaya pumunta muna ko sa van para kunin yung lunch na dinala ko sa bag.

Wala naman ako makakasabay kumain.Pwede ko namang itext si Python para sabihing samahan nya ko pero ayoko muna makita pagmumukha nya.Grabe kasing moral support nya sakin kanina e.Nakakatouch masyado.

Pupwesto na sana ko sa likod ng van nang marinig ko si Kezaria sa labas.I can't help to eavesdrop.Kasi kahit di ko pansinin naririnig ko pa rin boses nya.

"That girl!Akala mo kung sino.Manager lang naman sya.Balak nya pa ata akong agawan ng ka-loveteam!"sumilip na rin ako.Ugh,sakto kita ko yung pagflip hair nya sa bagong rebond nyang buhok.Sarap tirintasan!Kairita lang.

"Tss.I know.Hindi naman nya kinaganda yung ginawa nya.Saka as if na sa mga susunod na scenes nandun pa sya.I'm gonna talk to the script writer anyway para tanggalin sya sa eksena"gusto kong matawa sa mga sinasabi nya.Letse sya pati kung sino man yung kausap nya sa cellphone nya.Saka kakausapin yung script writer para tanggalin ako?Hibang ba sya?Kung may choice nga lang e.Sya na yung tinanggal ko sa eksena.

Umirap nalang ako sa ere.Well ilan lang nakakaalam na ako yung sumulat ng story.Andami kong side-line bukod sa pagiging manager ni Rhythm.No need na ipagsigawan ko pa sa lahat yun.

"Bat ka nag-iisa dito?"napatingin ako sa may pinto ng van.Don't tell me nakita nya kong nagi-eavesdrop?Saka umiirap?Oh no.

"Kanina ka pa jan?"umiling sya sabay tabi sakin.Kumuha pa nga ng brocolli sa lunch box ko.Walanghiya masyado e.

"Di naman.Sakto lang para makita kitang iritang irita sa presence ni Kezaria sa labas"sinamaan ko sya ng tingin.Sarap katayin jusme!Kung di lang labag sa batas ang pagpatay matagal na 'tong inuuod.

"San ka ba nagpadpad ha?Nawawala saka lilitaw ka nalang bigla bigla"kukuha ulit sana sya ng brocolli sa baon ko pero pinalo ko na yung kamay nya

"Damot mo naman manager.Parang brocolli lang!"inirapan ko sya.Kunin nya na lahat ng pagkaing meron ako.Wag lang brocolli!

"Bakit ka ba kasi dampot ng dampot?Wala ka bang baon?"umiling sya habang nagpapaawa kuno.Psh,kung di lang kita gusto Rhythm!Letse ka.

"Akala ko dinalhan mo ko e"kumamot pa sya ng batok nya.Hay juice colored.

"Excuse me Rhythm Eusebio.Manager mo lang ako,hindi PA!"napahawak ako sa sentido ko saka minasahe yun ng marahan.Pinapainit ng batang 'to ulo ko lintek.

Kinuha ko nalang yung bag ko saka kinuha yung isa ko pang baunan.Pasalamat sya parati akong nagdadala ng extra na pagkain.

"Oh ayan na!Pansamantala mo muna akong PA sa ngayon.Basta may bayad yan ha?"tuwang tuwa naman syang kinuha yung baunan.Oh god.Muka syang  autistic.Gwapong autisti—ok stop Melody.Stop saying that words.Nagkakasala ka.

"Asan kutsara saka tinidor?"tinaasan ko sya ng kilay.Aware ba kong nag-expect syang dinalhan ko sya ng pagkain para magdala din ako ng extrang kutsara saka tinidor?

"Hindi ako supplier.Humanap ka ng sarili mo"pagkasabi ko nun sinubo ko na yung last na kanin saka brocolli.May natira pa ngang sabaw slash sauce sa kutsara kaya sinubo ko ulit yung kutsara.Ang sarap ko talaga magluto!

Ilalagay ko na sana sa lalagyan ko yung kutsara saka tinidor ng hablutin sakin ni Rhythm yun saka walang alinlangang ginamit at isinubo.

Literal na napanganga ako sa ginagawa nya.Parang ginaya nya pa yung ginawa ko sa kutsara kanina.Bat ba andaming sabaw na parang sauce ng brocolli na niluto ko?Oh god!

"Ang sarap talaga ng luto mo,Manager!"ngumiti pa sakin si Rhythm.Is this true?Yung kutsara ko.Gamit gamit nya.Take note may laway ko na yun kanina.It touched my mouth and even my lips.Now his lips and mouth is touching it.Technically para kaming nagkiss by the spoon.

God!My first kiss is this kiddo!

"Subuan kita Manager para masaya!"hindi na ko nakatanggi pa.Ilang seconds lang nasa bibig ko na ulit yung kutsara.Nakatitig lang ako sa kanya hanggang tanggalin nya yung kutsara sa bibig ko bago gamitin ulit.

Dahan dahan yung pagnguya ko.Hindi nya pinunasan man lang yung kutsara bago gamitin sakin saka bago rin nya gamitin.

Hinding hindi ko na huhugasan yang kutsarang yan.Ever!

The Manager and The ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon