CHAPTER 4

9K 202 28
                                    

A/N: Mahaba haba tong chapter na ito, hope you guys like it. If not oks lang din, basta maishare ko lang story ko masaya na ko ehehe.

Pic on the side is Brian --->

--------------------------------------------------------------------------

Kumakain kami ngayon ni Mel sa karinderya ni Aling Dionisia. Kanina pa tong gaga nato na pangisi ngisi na para bang may maitim na balak na iniisip. For once ayoko malaman kung ano mang tumatakbo sa isip ng lokang to.

“Teh, alam mo feeling ko talaga may something sa inyo ni papa Liam,” bigla siyang nagsalita, kala ko na may sariling mundo ang babaeng to e.

Napakunot noo ako dun sa kanya. Ayokong umasa no.

“Bakit mo naman nasabi?”

“Basta, call it woman’s intuition,” sabay ngiti na matatakot ka, ugh.

Psycho ata tong si Melai e.

“So ano gagawin ko? ginawa ko na kaya lahat para mapansin lang niya since college days namin, to the point na kinain ko na pride ko at hiya,”

Tiningnan muna ako ni Melai na para bang may iniisip na malalim.

“Well teh sa pagibig kung talaga mahal mo ang isang tao, fight lang ng fight, wala sa vocabulary ko ang sumuko,” sagot naman niya.

“Kung maka advice kala mo may jowa,” panginis ko sa kanya.

“Ay aba meron no, ako pa mawalan, kahit malandutay ako seryoso naman magmahal tseh!” natatawa nalang ako sa kanya, “anyway it’s not about me, this is about you. Alam mo ba teh ang daming nagkakagusto sayo sa department natin pero ikaw tong single sa atin dalawa, kaya need natin baguhin yan.”

“Di ko kailangan tulong mo,” yamot kong sabi.

“Need mo lang ng konting push teh,”

Hay naku.  Maya maya nakita kong may katext tong si Melai sa cellphone niya. Siguro jowa nga niya talaga ang katext niya kaya nagkibit balikat nalang ako.

Nang matapos na kami kumain nag aya na akong umalis pero pinigilan ako ni Melai.

“O bakit?”

“Teka may hinihintay tayo,”

Ha? Sino naman hinihintay namin, wala akong kaclose sa opisina na may usapang hinatayin namin dito.

Naputol ang mga iniisip ko nang makita kong papalapit sa karinderya si Brian, nagulat ako at tiningnan ko si Melai na nakangisi lang sa akin. Pinanlisikan ko talaga siya.

“Bakit nandito si Brian?” pabulong na halatang pinipigilan kong sumigaw sa kanya.

Ang Manhid kong Pagibig (Pinoy boyxboy spin-off story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon