CHAPTER 7

7.1K 183 27
                                    

Ilang oras din kami nasa biyahe papunta sa resort and though nakatulog ako sa tabi ni Liam, ramdam ko paminsan minsan ang matatalim na tingin ng katrabaho namin. Minulat ko mga mata ko para matingnan kung malapit na ba kami. Nang tiningnan ko kung ano ginagawa ni Liam, wow sarap ng pagkakatulog ng ungas. Nakasandal pa din sa upuan niya habang nakasalpak yung ipod sa tenga. Pinagmasdan ko na lang siya since rare opportunity tong matitigan siya hanggat gusto ko na hindi niya ako makikita.

“Ehem..” napalingon ako sa kabila, si Melai pala kanina pa din nakatingin sa amin.

“What?” sabi ko nang walang boses pero nakita naman niya sa galaw ng bibig ko.

“Yiiiii...” sabay sensyas sa dalawa niyang hintuturo na pinaglalapit, na kung saan pinapahiwatig niya nilalandi ko si Liam, ugh.

Di ko nalang pinansin yung gaga. Naramdaman ko naman gumalaw yung kamay ni Liam sa balikat ko at napatingin ako sa kanya, gising na rin siya.

“What? Huwag mo kong titigan ng ganyan baka matunaw ako,” seryoso niyang sambit.

Eeeeeeeeeeh! Namula tuloy ang muka ko sa sinabi niya. Tinulak ko siya palayo sa akin para maalis ang pagkakaakbay niya.

“Di kita tinitigan,” depensa ko tsaka lumingon sa bintana. Pakshet naman oh pagdating talaga kay Liam di pa rin nawawala ang kahibangan ko sa kanya. Parang bumabalik sa akin ang lahat nang pinagdaanan namin nung college. Kung paano ko siya minahal ng patago. Loving from a distance ang drama ko nun e errr -.-

Naramdaman kong umayos ng upo si Liam. Kawawa naman siya for sure kanina pa siya nangawit sa posisyon niya, ang tangkad kasi.

“Andito na tayo,” sigaw ng mga nasa unahan namin.

Buti naman parang ang tagal tagal na namin nakaupo e. Tiningnan ko sa labas ng bintana at dumating na nga kami sa isang resort. Ang ganda halatang exclusive resort ang dating ng lugar.

Huminto na yung bus sa loob ng resort at nagsipagtayuan na yung iba naming kasamahan. Yung ibang babae at bading palingon lingon pa din kay Liam nagbabaka sakali pansinin sila. Papansin much? Obvious masyado e, paayos ayos pa ng buhok sa harapan niya hay nako.

“Oh tara na? di ka pa ba tatayo diyan?” alok niya.

Tumayo na ako ng walang sali salita pa.  Para kasing bumabalik ako sa pagkabinata sa kilig kilig nato bastat kasama ko si Liam e hays. First love talaga, ang hirap kalimutan tsk.

Nang naglakad na ako papunta sa exit ng bus hinatak naman ako ni Melai papalayo kay Liam. Wala lang naman kay Liam at patuloy na sumunod sa amin.

“Ano ba Mel?” yamot kong sabi habang nakapulupot ang mga kamay niya sa bisig ko.

“Ikaw ah, ang haba haba ng hair mo pwede nang iparebond, kaloka sinamahan ka pa ni papa Liam papunta dito at may payakapyakap epek pa kayong dalawa ah,” pangteatease ni Melai, kahit kelan talaga tong si Melai parang nageenjoy itease ako hays.

Ang Manhid kong Pagibig (Pinoy boyxboy spin-off story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon