CHAPTER 12

4K 146 44
                                    


PRESENT DAY


EVAN

I have no idea bakit ko binalik tanaw ang mga nangyare nung college days ko. It was weird pero somehow ngayong nagkita na ulit kami ni Liam parang nanumbalik yung times na medyo stalker person ako sa kanya, ang weird. And that kiss, oh my god! that kiss! totoo ba yun? Shyete naman oh gusto ko sumigaw sa saya pero eto parang kiti kiti na pinipigilan sarili ko. Hahays, inaalala ko pa rin ang nangyari kagabi samin. That kiss was phenomenal, hinding hindi ko yun makakalimutan.

"AAAaaaaaaaaaaaaaaaah!" di ko napagilang sumigaw sa sobrang saya.

"Gaga!" biglang bungad ni Melai sa likuran ko, " aga aga lakas maka Darna? Nawalan ka ba ng turnilyo sa utak teh?"

Pambihira naman kung makasira ng good vibes e. Nasa resto pala kami ngayon, umagang umaga lumabas ako ng cottage ni Liam para makapagpahangin at relax, masyado na kasi ako naooverdose ng Liam medicine of the day since kagabi pa, pero wag ka di ako nagrereklamo ah. Gustong gusto ko nga e, kaya lang baka ano pang karumaldumal na krimen ang magawa ko kay Liam ngayon mahimbing tong natutulog e. Napangiti nanaman ako sa kawalan na parang engot.

"Ay haluh luh luh, wala na, natuluyan na tong isang to oh. Parang baliw kung makangite," pangaalaska ni Melai, nako kung di ko lang to talaga kaibigan tsk, "Share the juicy details teh, malaki ba?"

Ha? Ano raw? binatukan ko nga tong lokaret na to. Ang halay kung makapag-isp e, leche. 

"Aray gurl ang sakit naman, bumaon ata nail polish mo sa kokote ko e," himas himas niya ang batok niya lol.

"Wala ako nail polish, ewan ko sayo Melai," inis kong sambit. Pero pernes di ko maiwasan ang pagkamahalay kong utak. Deym those hot abs, yung kinis ng kutis niya, ang laki ng muscles niya.Umf!


Flashback 30 minutes ago Liam's Cottage


Nagising ako na katabi si Liam sa higaan. I don't know pero walang nangyare sa amin ah, mga malisyoso lol. After that walk last night nauna na kami sa cottage at nakatulog naman agad siguro kasi nakainom na rin ng konte at sa pagod. 

And behold ngayon sa harapan ko ang nag-iisang Liam Andersen na nakahubad yung pang itaas at himbing na himbing na natutulog. Deym ang hot talaga niya. Tintigan ko ang maamo niyang muka, ang mapupungay niyang pilik-mata, ang tangos na ilong niya hanggang sa bumaba yung paninigin ko sa kalaparan at matigas niyang dibdib na nagtataas baba sa paghinga niya. Grabe ang hot niya talaga pati ang namumutok niyang biceps tsaka ang defined niyang abs. May nakita pa akong konteng mga buhok na mula sa pusod niya papunta sa baba na natatakpan ng kumot niya. Nang-init yung pisngi ko, shit kailangan ko lumabas baka kung ano pang krimen ang mangyari sa loob ng kwarto na ito at di ko mapatawad sarili ko langya. 

Dali dali akong bumangon sa kama at pumunta sa CR para maghilamos at magtoothbrush. Narinig ko namang nagiba ng posisyon sa pagkakatulog si Liam pero di pa rin to gising. Kahit kelan talaga tulog mantika tong si Liam, kay sarap halik halikan habang tulog eh hehe, ang cute lang.

And now dito ako dinala ng mga paa ko sa isang resto na nakapwesto sa tabing dagat kaya presko ang hangin habang pinagmamasdan ko ang kaliwanagan ng madaling araw. Wala masyadong tao since sobrang aga pa at siguro mga tulog pa yun since late na ata sila nagsipagtulog kagabi. Maliban nalang sa aswang na ito na bigla bigla lang sumusulpot, walang iba kundi si Melai.


--------

 Present (Morning)


Ang Manhid kong Pagibig (Pinoy boyxboy spin-off story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon