HER POWER

16.1K 475 3
                                    

Elisa Chole's POV

What the hell! Hindi pa rin ako makarecover sa sinabi ni Jema kagabi. Ibig sabihin na yung bakulaw na iyon ay si Ezekiel, ang  tagapangalaga ng elemento ng apoy. Huhuhu. Sana hindi na kami magkitang muli baka tustahin ako nun.

Atsaka may isa pa akong problema. Kung paano ko mapapalabas itong kapangyarihan ko. Walang pasok pala ngayon dahil sa may meeting pa rin daw. Ewan ko, yun ang sabi ni Jema eh. Palagi na lang ba silang may meeting. Atsaka may nalaman pa ako kay jema. May isa pa daw siyang kapangyarihan ang telepathy. Sabi niya kasi na ang isang magic user daw ay dalawa ang kakayahang meron.

"Oh ate tara na" sabi saakin ni Jema

Pupunta kasi kami ngayon sa training room para daw mapalabas ko ang kapangyarihan ko

"Tara" sabi ko atsaka tumayo at nagsimulang maglakad pupuntang training room

"Ano kaya ang kapangyarihan mo ate noh? Excited na ako? Baka healing ang power mo kasi golden white ang linings ng buhok mo eh. Pero sa pagkakaalam ko ay white ang linings ng mga buhok ng healers pero sayo golden white. Baka naiba lang" sabi niya

"Healing? Siguro nga pero ang sabi mo white dapat ang linings pero saakin ay golden white eh" sabi ko naman.

Nagkibit balikat na lang si Jema. Ang sabi din saakin ni Jema na kung anong power ang meron ka eh marereflect daw ito sa buhok mo. Nagtanong ako ng bakit at ang sagot niya ay ito ang simbolo o katunayan na yun ang kapangyarihan mo. Kasi sa lugar na ito daw eh may mga manggagaya daw ng mukha kaya ang ginawa daw ng gods and goddesses eh naglagay sila ng palatandaan.

"Nandito na tayo!" sabi ni jema atsaka pumasok sa training room

Pumasok na din ako at bumangad saakin ang napakalawak na training room.

"Oh sige ate. Ang gagawin mo lang eh umupo ka sa gitna. Inhale, exhale. Concentrate, focus and clear you mind okay?" sabi sa akin ni Jema

"Okay" sabi ko sakanya atsaka umupo sa gitna at pumikit

Concentrate

Focus

Clear my mind.

Ilang minuto ko rin yung ginawa hanggang sa may narinig akong huni ng ibon. Wait ibon?

Iminulat ko ang mata ko at nadatnan ko ang napakagandang lugar. Oo at maganda ang magical Land ngunit hindi mo maipagkakaila na mas maganda at napakamagical ng lugar na ito.

Gaya ng Magical Land eh mayroon din itong mga mayayabong na puno, mga magagandang bulaklak, mga paru paru na nagliliparan at mga ibong umaawit. May araw din dito ngunit hindi nakakapaso ang init nito

"Sa wakas at dumating ka na Elisa" sabi ng isang pamilyar na tinig

Nilingon ko ito at nakita ko ang napakagandang babae. Mayroon siyang brown na pares ng mata at buhok na kulay brown ngunit may highlights na green.Hindi ko alam ngunit parang nakita ko na siya. Pamilyar ang mukha niya

"Sino ho kayo? Atsaka nagkita na po ba tayo? Napakapamilyar niyo po kasi eh" sabi ko sakanya

"Ako si Goddess Lira at nandito ka sa Paradisum Island" sabi niya

Nagulat ako ng may Lima pang tao ang lumapit sa kinaroroonan namin.

"Ako nga pala si Goddess Marina" sabi ng babaeng may black hair na may highlights na blue at may ocean blue na mata

"Ako si Goddess Ayra" sabi ng babaeng may black hair at may highlights na gray at mata din na gray

"I am God frost" sabi naman ng lalaking may sky blue hair na may highlights na white at mayroon siyang skyblue eyes

"God Thunder" sabi naman ng lalaking may white hair na may highlights na yellow at mayroon din siyang yellow na mata

"God Fire" sabi ng lalaki na may red orange eyes at black hair na may highlights na red orange.

Nang tignan ko siya ay naalala ko sakanya si Ezekiel. Grrr.

"Ako po pala si Elisa, Elisa Chole Reyes" pakilala ko sakanila

Ngumiti naman ang mga goddesses samantalang pokerface ang mga gods.

"Bakit po ako napunta dito?" tanong ko sakanila

"Diba gusto mo ng magkaroon ng kapangyarihan?" tanong naman saakin ni G.Ayra

Tumango lang ako sa tanong niyA.

"Kaya ka nandito upang makuha ito" pagpatuloy niyang sabi saakin

"Paano po?" tanong ko sakanila

Ngumiti lang sila saakin except sa mga gods.

"Goddess Ayra " tawag ni G. Lira kay G. Marina

Lumapit saakin si Goddess Ayra at itinapat niya ang mga kamay niya sa ulo ko. Umilaw ang kamay niya at naramdaman ko na mayroong kakaibang enerhiya ang pumapasok sa katawan ko. Hanggang sa nabalot ako ng nakakasilaw na liwanag at nawalan ng malay

Jema's POV

Umupo na si Ate Elisa sa gitna ng training room ilang sandali lang ay lumutang siya sa hangin. Nagbago din ang highlights sa buhok niya. Kung kanina ay golden white pa ito pero ngayon ay gray na. Ibig sabihin ay isa siyang air magic user pero impossible.

Oo impossible, sapagkat sa anim na elemento ay dapat isang magic user lang ang dapat na magkaroon nito lalo na at pinili sila ng mga gods and goddesses pero bakit air ang power niya? Ang gulo! Aisshhh.

Ilang sandali lang ay unti unti siyang ibinaba ng hangin at bumagsak siya sa sahig ng training room.

Ate Elisa? Sino ka ba talaga?

^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^

Ano kaya ang susunod na mangyayari? Abangan!

THE LEGENDARY USER (Completed)Where stories live. Discover now