THE START

10.8K 267 0
                                    


Elisa Chole's POV.

10: pm na ngayon at mamayang alas-dose ay magpapakita na ang scarlet bloody moon. Naghahanda na kami ngayon at kasama ko ngayon ang barkada. Nandito kami sa field ng academy. Nagtipon tipon kaming lahat.

Kasama ko ang barkada. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Jema kasama ng iba pang first year na tinuruan ko na nag-uusap. Nilapitan ko sila at binati.

"Hi. Magandang gabi sainyo. Handa na ba kayo sa digmaan?" tanong ko sakanila at umupo sa tabi ni Jema. Nakaupo kasi sila sa ground.

"Handa na po kami ate at dahil yun saiyo" sabi ni Lenard na ikinatawa naming lahat. Pero napansin ko na tahimik si Jema.

"Jema ba't ang tahimik mo? May problema ka ba?" tanong ko sakanya.

Napatingin naman ang iba sakanya.

"Ate, natatakot ako. Baka hindi ko magawang mapagtanggol ang academy at baka mamatay ako" sabi niya saakin.

Tiningnan ko muna ang iba bago ako ulit tumingin sa kanya.

"Alam mo, may kasabihan na 'HINDI MO MALALAMAN ANG KAYA MONG GAWIN KUNG HINDI MO SUSUBUKAN' atsaka okay lang na mamamatay ka. Atleast namatay ka dahil ipinaglaban mo ang academy kaysa naman na mamamatay ka ng hind mo itobaipaglalaban atsaka hindi  ko din naman hahayaang mamatay ka, kayo" sabi ko sakanya at ngumiti.

Nakita ko naman sa mukha niya na naguguluhan siya.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong niya saakin

"Ah basta. Tandaan mo nalang na wag kang matakot. Di ba angsabi ko sainyo ay Fight your fear" sabi ko sakanya

Nakita ko naman si Jema na napangiti si Jema kaya napangiti din ako. Tiningnan ko ang oras at 11:50 na pala. Ibig sabihin ay may 10 minutes nalang at digmaan na. Tumayo na kami at naghanda na ngunit hindi ko inasahan na napaaga ng sampung minuto ang mga darcians.

Nakikipaglaban na kaming lahat ngayon sa mga darcians. Nakikipaglaban na din ang mga Headmasters.

Gumamit ako ng telepathy power ko atsaka kinausap silang mga chosens.

'Jean, Kyla, Relyn, Jeopet, Jaren at Kiel. Hanapin niyo ang pinuno nila. Siguro ay nasa labas siya ng academy. Isama niyo na din ang mga Headmasters. Labanan niyo siya."sabi ko sakanila at pinutol ang koneksyon ko sakanila.

Nakita ko naman sila na papalapit sa pwesto ng mga Headmasters. Siguro ay sasabihan na nila ito.

Third Persons POV.

Patuloy lang ang labanan ng lahat. Samantalang lunabas naman ang mga chosens kasama ang mga Headmasters at nadatnan din nila ang ibang mga estudyante at ibang mamamayan na nakikipaglaban sa mga darcians. Hinanap ng mga ito ang headmaster ng mga darcian na si Divona.

Sa laban naman Elisa ay may nakita siyang mga darcians na papasok na sa loob ng HM's Office. Sinundan niya ito at nakita niya na may hinahalungkat ang mga ito sa mga lamesa ng mga Headmasters.

"Hoyy!!" sigaw niya sa mga ito kaya napaharap ang mga ito sakanya.

Sinugod ni Elisa ang mga ito gamit ang air sword niya. Sinaksak niya sa may bandang puso ang isa samantalang sinipa niya ang nasa kaliwa niya at tinapunan niya ng air blades ang dalawa. Sabay na bumagsak ang apat kaya lumabas na siya sa HM's Office. Paglabas niya sa Field ng academy ay nagtaka siya dahil ang tahimik at wala siyang nakita ni isang tygians at darcians.

Lumabas siya ng academy at nakita niya ang mga mamamayan at ibang estudyante na nakatali at madaming sugat at sa kabilang banda naman ay ang nakatali na mga Headmasters at chosens na puno na din ng dugo ang mga katawan. Nakita din niya ang sinasabi nila na Headmaster ng darcians.

Nakita ng mga ibang darcians si Elisa kaya sinugod nila ito. Bago pa makalapit ang mga ito sakanya ay pinaulanan niya ito ng mga air arrows kaya't walang nakaligtas sa mga ito.

"So nandito na pala ang isa pang air magic user" sabi ni Divona.

Napatingin naman si Elisa kay Divona. Ang mga chosens naman lalo na si Kiel ay alalang alala sa kasintahan nito.

"Pakawalan mo silang lahat" madiin na sabi ni Elisa na nakapagpatawa kay Divona.

"At bakit naman kita susundin?" tanong ni Divona kay Elisa

"Dahil kung hindi mo ako susundin. Papatayin kita" sabi ni Elisa kaya napatawa ulit si Divona

"Hahaha. Ako? Papatayin mo? Eh ang mga sinasabi nilang chosen at headmasters nga ay hindi nila ako napatay. Eh ikaw pa kaya na tanging hangin lang ang kapangyarihan? Hahaha. Hala sugurin niyo siya" sabi ni Divona at pinasugod ang mga natitira niyang kasama kay Elisa.

Si Elisa naman ay tinatapunan ng air blast ang nga darcians na lumalapit sa kanya. Kaya kunti nalang na darcians ang naiwan.

Gumawa siya ng air sword atsaka nakipag-espadahan sa mga natira. Sinaksak niya sa tiyan ang isang darcian at sasaksakin na sana siya ng isa pa ng iniharang niya ang nasaksak na darcian kaya ito nasaksak. Binitawan niya ito atsaka hinarap ang iba pang darcian. Tinapunan niya ng air balls ang ibang darcians pero tinapatan ito ng iba pang darcians ng black balls. Gumawa siya ng air tornado na may mga air spikes pa sa loob nito at pinakawalan sa direksyon ng mga kalaban niya.  Nahigop ng air tornado ni Elisa ang mga natirang darcians kaya pinatigil na niya ang tornado at tumambad sa kanila ang mga darcians na parang nachopchop.

Hinarap ni Elisa si Divona na halatang inis na inis na.

"Yan lang ba ang kaya mo?"

^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^

Hi po. Malapit na magtapos! Sorry po talaga kung pangit yung sa laban kasi hindi talaga ako marunong gumawa ng action scene kaya pagpasensyahan niyo na po.

Vote and comment po.

THE LEGENDARY USER (Completed)Where stories live. Discover now