ARENA'S BATTLE:THE DECEIVER PART 1

11.3K 275 2
                                    


Third Person's POV

Sabay sabay na nateleport ang pito sa arena ngunit pagkarating nila sa arena ay isang nakakamatay na eksena ang nadatnan ng bawat isa.
Hindi nila alam, na ang nakikita nila ay hindi totoo.

Jaren's POV.

Nang mapatay ko ang halimaw ay bigla na lang na may enerhiyang kumuha sa akin. Ilang sandali lang ay bumungad saakin ang isang eksena at nandito din ako sa gitna ng academy. Ito ba yung sinasabe ni HM na surprise?

Mga kaibigan ko, si Ezekiel, Kyla, Relyn at Jeopet na puno ng saksak. Sa isang tabi naman ay nakita ko si Jean na hawak hawak ang buhok ni Elisa at may nakasaksak na espada sa puso nito.

"J-jean?" kinakabahang tawag ko kay Jean

Lumingon naman si Jean saakin ng nakangisi. Hinugot niya ang espada na nasa dibdib ni Elisa.

"H-Hindi t-to t-totoo d-diba?" tanong naman ni Jaren

"Ah hindi ba to totoo? Ay sorry. Joke lang yung pagpatay ko sakanila" sabi naman ni Jean na inaacting na nagsosorry

"J-jean" na sabi ko na lang dahil sa kaba

."at dahil wala na sila. Ikaw na ang isusunod ko" sabi naman ni Jean saakin atsaka ngumisi at naglakad papalapit saakin.

Tumakbo ako palayo kay jean. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.

"Run Jaren! Run! Dahil pagnaabutan kita? I will surely kill you" narinig kong sabi ni Jean at tumawa.

Mas binilisan ko pa ang takbo ko pero napaupo ako sa lupa ng biglang sumulpot si Jean sa harapan ko.

"Ang sabi ko, tumakbo ka. Hindi lumakad" sabi ni Jean atsaka tumawa.

Gumawa ako ng earth daggers atsaka pinakawalan sa direksiyon niya pero naiwasan niya ito.

"I'm sorry Jaren. Your earth daggers will never touch me" sabi ni jean at itinaas ang espada na dala niya. Gumawa naman ako ng earth sword atsaka sinangga ang tira niya.

Nag-espadahan naman kaming dalawa. Hindi ko naman siya pinapatamaan, sinasalag ko lang ang espada niya. Hindi ko magagawang tamaan siya sapagkat, sapagkat mahal ko siya. Oo mahal ko siya. Ilang sandali lang ay nasugatan niya ako sa beywang ko.

"Alam mo Jaren. Napapansin ko na hindi mo ako tinatamaan o pinatatamaan. Bakit?" tanong naman ni Jean.

Hindi ako makasagot sa tanong niya. Hindi ko din alam kung totoo to o ilusyon lang. Pero sana hindi to totoo.

"Alam ko na ang sagot. Mahal mo ako diba? Hindi mo gustong makita na masaktan ako di ba? Paano kaya kung saksakin ko ang sarili ko" sabi niya saakin at ipinwesto ang espada sa may bandang puso niya

"Wag!" sigaw ko

"Hahahahaha" tawa ni Jean at unti unti niyang sinaksak ang sarili niya. Dahil sa hindi ko gustong makita na masaktan ay pinindot ko ang brecelet na dala ko at ilang sandali lang ay nagbago ang paligid.

Nandito na ako ngayon sa arena at may healers na gumagamot saakin. Tiningnan ko ang paligid at puno na ito ng ibang estudyante maliban sa ibang miyembro ng the stars.

May nakita naman akong screen at doon ko nakita ang iba pang miyembro ng the stars na kinakalaban din ang iba naming kaibigan at ako?

Ibig sabihin, ilusyon yun? Pero kung ilusyon, sana ay nakatakas na ako.

Jean's POV.

Matapos kung mapatay ang dragon ay bigla na lang akong nagteleport sa arena. Pero ang ipinagtataka ko ay nakita ko doon ang the stars na naakatali na natutulog at si Elisa na nakatayo at may dalang espada.

"Elisa, anong nangyayari?" tanong ko sakanya

"Ah wala lang. Gusto ko lang maglaro" sabi niya at ngumisi

"M-maglaro? Anong laro?" tanong ko sakanya

"Ang laro ng kamatayan" sabi ni Elisa at humalakhak. Nakakatakot ang tawa niya

Pagkatapos ay tumigil na siya kakatawa at tiningnan ako.

"Alam mo Jean, sayo nakabatay ang buhay nila" sabi niya at tinuro ang the stars.

"Unang katanungan Jean. Sino ang una kong papatayin sa kanilang lima. Si Jeopet na mysterious?. Si Relyn na suplada.? Si Kyla na calmado.? Si Ezekiel na cold ? o si Jaren? Ang pinakamakulit. Ang taong mahal mo" pagpapatuloy nito

"Elisa, ano bang nangyayari sayo? Bakit naging ganyan ka?" tanong ko sakanya. Umiiyak na din ako

Tumawa muna siya bago sumagot.

"Anong nangyayari saakin? Wala lang. Trip ko lang na patayin sila o kayo" sabi niya at tumawa ulit...

"So ano? Sinong uunahin ko? The time is running jean. Tik. Tok. Tik. Tok" pagmamaktol ni Elisa

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Tagal" sabi niya atsaka pinuntahan si ezekiel sa kinaroroonan nito atsaka ito sinaksak

"Ezekiel!" sigaw ko. Mas lalo akong naluha.

"Ano ba tama na!" sigaw ko at napaupo sa sahig at sinasabunutan ang buhok

"Ang tagal mo kasi eh" sabi ni Elisa atsaka tumawa.

"So, sino ang susunod?" tanong ni Elisa

Hindi pa rin ako sumagot. Nanatili akong nakayuko.

"Okay" rinig kong sabi niya.

Inaangat ko ang ulo ko upang tingnan si Elisa at nakita ko siya na papalapit sa kinaroroonan ni J-Jaren.

"N-no" mahinang sabi ko.

Nakita ko naman kong paano niya sinaksak si Jaren sa puso nito kaya napasigaw uli ako...

"Jaren!!! No!!!" sigaw ko atsaka yumuko. Hindi ko kayang makita si Jaren ng ganun.

Nagulat na lang ako ng biglang may kung ano sa harapan ko at ng tingnan ko ito ay ulo ito ni Jaren kaya napatayo ako at napatakbo palayo.

"Wahhhhh" sigaw ko habang tumakbo

"Ayoko na tama na!" sigaw ko habang umiiyak

"Run Jean! Run! Tandaan mo, pagnahuli kita. Baka ikaw ang isusunod ko!" rinig kong sabi ni Elisa kaya napatakbo ako ng mas mabilis.

Nakita ko naman ang bracelet na ibinigay ng mga headmaster. Tama! Ito na lang ang tanging paraan para makawala ako sa bangungot ko. Tumigil ako sa pagtakbo at nagulat ako ng nakita ko si Elisa na nakatayo sa harapan ko.

"Wahhhhhh" sigaw ko. At dahil sa taranta ko ay napindot ko ang button at naramdaman ko nalang na nagteleport ako sa kung saan.

^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^

Ay! Brutal ng surprise battle na sinasabi ng mga Headmasters ah!

Anyways, just keep reading everyone.

Can you give me some votes?

Comments?

Kung naguguluhan kayo o kung ano man ang reaksiyon niyo sa chapter na ito. Sana ay magcomment kayo. Thank you!

NGA PO PALA. GUSTO KO PONG MAGSORRY KASI NGAYON LANG ULIT AKO NAKAPUBLISH KASI PO BROWNOUT PO DITO SA LUGAR NAMIN. TAGA-LEYTE PO KASI AKO EH ATSAKA YUNG LINDOL NA NANGYARI KAYA NAWALAN NG KURYENTE ANG LUGAR NAMIN KAYA PASENSYA NA PO TALAGA AT NAGPAPASALAMAT DIN PO AKO DAHIL SA PAGHIHINTAY NIYO. LOVELOTS EVERYONE!!!

THE LEGENDARY USER (Completed)Where stories live. Discover now