Mataimtim akong naglalakad sa Anderson University para pumu nta sa first subject ko. Nagkakamot pa ako ng ulo dahil late na naman akong nagising. Puyat kasi kami kagabi dahil may kasiyahan kagabi na kahit si Laice ay hindi na ako nagawang sunduin dahil maging siya ay napuyat din. Pustahan naghihilik pa siya ngayon.
Papunta na sana ako sa engineering building ng biglang napansin ko yung mga estudyante na nagtatakbuhan papuntang gym. may iilan pa akong nakikitang mga ka block ko na nakikisali din sa pagtakbo.
Agad akong lumapit duon para makiusisa kung anong meron. Nilapitan ko yung ka block ko sa isang subject.
"Anong meron? " bungad ko agad sa kanya. ngumiti siya saakin.
"Ngayon ang game ng Team nila Granger " saad niya sabay nakipagsiksikan na sa mga taong papasok sa gym. Aishh! sa tuwing nakikita ko itong gym naaalala ko 'yong nangyari kahapon. nakakakilig na nakakahiya. malaman ko lang kung sinong yung nagkulong saamin swear ipapabugbog ko talaga sa mga tambay sa kanto.
Sandali akong natigilan sa narinig ko. What?.... ngayon yung game nila kuya? Akala ko ba next week pa?. sh!t kailangan nilang nalaman toh baka hindi sila makapunta dahil hindi nila alam.
Agad kung kinuha ang phone ko sa bag ko para tawagan sila kuya at Laice. bakit ba kasi biglaan?. si kuya Max pa naman ang captain nakakahiya naman kung maging siya ay walang alam. nahagip ng mga mata ko si Andrei na pasipol-sipol na naglalakad papuntang gym.
"Andrei Sanchez! " tawag ko sa kanya habang nasa tainga ko pa rin ang phone ko. Hindi kasi sila sumasagot and I'm certain na tulog pa sila. Argg! Hindi pwede 'to. hindi pwedeng mawala sila sa final game dahil malaki ang pag-asa na matalo ang University namin laban sa kabilang unibersidad. At isa pa alam ko naman na isa sila sa dahilan kung bakit nagkakagulo ang mga kababaihan ngayon. Alam niyo na kung bakit.
"Hey Ms. Granger soon to be Ms. Dela vera, what's up? " ngiting ngiti pa si Andrei sabay akbay saakin. Sarap tuloy kunin yung dimples niya kung pwede lang.
"Wag mo akong lokohin Andrei, bakit hindi alam nila kuya na ngayon ang laro nila?. Akala ko ba next week pa? " sabi ko sabay siko sa kanya. kumunot naman ang noo niya.
"Hindi ko ba nasabi? " wala sa sariling nahampas ko siya dahil sa narinig na litanya niya. kahit kailan puro kalokohan ang laman ng utak niya.
"Seryoso ako! " napakamot na lang ako sa ulo ko pagkatapos ko iyon sabihin at tinawagan na lang ulit si Laice. wala talaga akong makukuha kay Andrei dahil wala man lang siyang sinagot sa halip ay umarte pa siya na tila nag-iisip at naguguluhan.
"Tawagan mo na lang sila Kuya" ani ko sabay irap. Lumayo ako ng kaunti sa kanya dahil nagsisimula ng mag-ring yung phone ni Laice. ghad! sagutin mo sana, Laice.
"H-hello? " huminga ako ng malalim ng marinig ko na rin ang boses ni Laice. sa wakas, sinagot niya na rin yung tawag ko.
"Hoy! BUMANGON KA NA LAICE, ILANG MINUTO NA LANG MAG-UUMPISA NA ANG GAME !" napasigaw na ako dahil nakita ko na yung sasakyan ng mga players na makakalaban nila Kuya. napatingin saakin si Andrei na tawa ng tawa. problema ba nito?.
" Really? " tawa pa ng tawa si Laice habang nasa kabilang linya. hindi man lang ba siya kinakabahan? kasi ako kinakabahan na kanina pa.
" Laice, asan ka na ba? " sabi ko. tiningnan ko si Andrei na mukhang kausap na niya sila kuya dahil medyo lumayo na siya saakin.
"I'm here " napatampal ako sa noo ko. hanggang ngayon ba galit pa rin siya saakin kaya niloloko niya ako ngayon?. sa bagay hindi naman kami nakapag-usap kagabi dahil hindi naman siya nagsasalita kaya sila kuya na lang kinausap ko. Good thing hindi sila nagalit kay Jaice.
BINABASA MO ANG
In the name of love
Teen FictionHis love belongs to a person whose heart belongs to another. It hurts when he risk his heart and it ends up of getting broken, but what hurts more is when he still holding on when he already know he's waiting for nothing. He's selfish. He wants to t...