"I'm sorry...... "
Naglalakad ako sa University pero dala-dala ko parin ang huling salitang binitawan ni Laice noong nasa burol kami ni Candice. Hindi ko siya pinansin noong araw na 'yon dahil ayaw kung madagdagan ang lungkot niya kapag sumingit pa ako. Syempre, maglalabas ako ng sama ng loob, magtatanong ng lahat ng gumugulo sa isip ko kaya mas lalo lang siyang maguguluhan saakin. Kahit ako din naman ay naguguluhan sa sarili ko pero kasi babae ako at hindi tama na ako ang gumawa ng move.. Gusto ko kasing malaman kung ano ba talaga ang meron saaming dalawa pero sa tuwing handa na akong tanungin siya ay doon naman nagkaka problema.
Binalewala ko na lang ang lahat ng gumugulo sa utak ko. Pumasok ako sa room at naabutan ko sila Cassy, Jasmin at Dana na nagtatawanan. Bumuntong hininga ako. Kailangan kung mag focus ngayon dahil ang dami ko ng namiss na lesson... Sobrang behind na ako..
"Athyyyylaaa!! " malakas na sigaw ni Jasmin.. sinalubong niya ako ng yakap. Napairap ako sa hangin, daig ko pa ang OFW na ilang taong hindi nakauwi. Tsk.
"Shit! Girl namiss ka namin " sabi naman ni Cassy. Umupo ako sa upuan ko tapos tumabi naman silang tatlo. Wala pa kaming proff pero marami na kaming andito. Pansin ko rin na naiilang tumingin ang mga ka bloc ko lalo na ang mga lalaki. parang may gustong sabihin at nahihiya pa. Bahagya pang namumula ang iba kapag tinatapunan ko sila ng tingin. Kumunot agad ang noo ko. Problema nila?.. Issue parin ba sakanila ang about saakin ni Laice o hindi nila alam ang nangyari kay Candice?. Tsk.
"Girl, Kamusta naman si Jaice? Okay lang ba siya after what happened to his Ate?.. Grabe lahat ng estudyante dito ay nagulat sa biglang pagkawala niya " mahabang sabi ni Dana na nakapalumbaba pa.
"Oo nga kawawa naman si Jaice hindi pa nga namin siya nakikita eh" si Cassy na mukhang maiiyak na.
"Hindi ko alam kung okay na ba si Jaice pero kahit papaano ay nakikita ko naman siyang nakangiti pero hindi ko masasabi na he's totally okay " sabi ko habang inaalala yung nangyari noong nakaraang araw.
"Pumunta kaming tatlo doon sa libing kaso nalate kami kaya nagsindi na lang kami ng kandila at nagalay ng bulaklak " sabi ni Dana. Tumango ako kaya pala wala sila doon.
"Lahat yata dito ay pumunta kahit yung mga binully nila ay sumama sa sobrang dami nga eh hindi na nagkasya " natatawang sabi ni Cassy. Tumango tango naman ako ulit. Hindi ko alam dahil sa mismong libing na kami pumunta.
"Sana okay na si fafa Jaice " ani Dana. sana nga okay na si Jaice. Hanggang ngayon nag-aalala parin ako sa kanya as a friend tapos kay Laice aaminin ko miss na miss ko na ang gagong 'yon.
Natigil lang kami sa pag-uusap ng biglang pumasok ang proff namin sa History. As usual nakangiti na naman si ma'am.
"Good morning! " masiglang bati niya. Bumati kami pabalik sa kanya.
Mukhang nasa mood si ma'am ngayon ah. "Ready na ba kayo para sa Night party mamaya? "
Agad nagtilian ang mga kaklase ko na halatang excited. Kumunot agad ang noo ko...
Night party?.. Mamaya? WTF?. Hindi ko alam.
"Maaga ang dismissal para makapaghanda kayo " sabi ni ma'am at nagsigawan na naman ang mga kaklase ko. Gusto ko tanungin ang mga kaibigan ko pero busy sila sa pagsigaw. Ugh! What's happening?.
"Kyaaaa! Excited na ako! "
"Sayang wala si Jaice"
"Kahit isa lang sa granger's
brothers ""Si Laiceeeeee!! "
BINABASA MO ANG
In the name of love
Teen FictionHis love belongs to a person whose heart belongs to another. It hurts when he risk his heart and it ends up of getting broken, but what hurts more is when he still holding on when he already know he's waiting for nothing. He's selfish. He wants to t...