XVI: Fated To Rule

3.5K 150 4
                                    

Adria


Marahan kong binuksan ang mga mata para kumpirmahin ang pakiramdam na tila may nakatingin sa 'kin. Agad akong napaupo nang malinaw kong makita kung sino ang lalaking nasa tabi ko. "What happened? Where am I, and why are you even here?" Hindi ko napigil ang sunod-sunod na katanungang lumabas sa bibig ko. "W-why is your hair silver?" Ang akala kong nakitang pilak niyang buhok noon ay hindi pala guni-guni lang.


"You've been sleeping for more than three days now." Unti-unting nanumbalik ang alala ko bago ko pa man matagpuan ang sarili sa infirmary. "It's not just me whose hair is different." Cyan answered casually that made me frown.


Hinablot ko agad ang dulo ng buhok ko. "M-my hair is red!" Napakapa ako sa kabuuan ng aking ulo kung saan nasalat ko rin ang nakabalot palang benda.


"Now is the time you have been long waiting for," putol niya. "All your questions will be given answers."


Natigilan ako sa narinig. "Akala ko ba hindi ikaw ang tamang taong sasagot sa mga tanong ko?"


"I never said that I am," kontra niya agad. "I can take you to that right person, anytime you're ready."


"I'm ready!" Sinabayan ko ang tinuran nang biglaang pagtayo na muntik ko nang ikatumba kundi niya 'ko mabilis na naalalayan.


"You should be careful," he said holding unto my elbow. "Hindi ka pa lubusang gumagaling." I stood motionless gaping at the worried expression on his face. "Are you sure you want me to take you now?" aniya sa malumanay na boses.


"O-Oo," nauutal kong anas.


"All right, then cling to me." Inilahad niya ang braso para kapitan ko. Kung hindi ko lang ramdam ang minsanang pagkirot ng sugat sa ulo ko, iisipin kong nananaginip pa 'ko ngayon. "What are you waiting for? You can barely walk. How Am I going to take you there? O baka mas gusto mong buhatin kita?"


Dahil sa narinig, kulang na lang ay mapalundag ako kasabay ng puso ko. "No, no..." Nagdadalawang-isip man, kumapit na lang din ako sa kanya. "Okay na 'to." Gugustuhin kong magpabuhat kung wala na 'kong natirirang hiya sa katawan ko.


Ang panlalambot ng mga tuhod ko ay hindi dahil sa mga pwede kong malaman ngayon, kundi bunga ng mga sinasabi niya. I can't even remember when was the last time we were like this; the last time he was this close; when did we last talked like this. Ngayon ko na lang ulit narinig ang boses niya nang ganito kalapit.


"Adria, we're about to leave the infirmary." His expression changed. He's back to his straight face and dignified look. Inaalalayan niya 'ko habang palabas ng pinto.


Napamaang ako nang tumambad sa 'king harapan ang mga estudyanteng nakaabang sa pasilyo.


"There they are!"


Nagsipagtilian ang karamihan sa mga babae. "Prince Cyan!"


"Elemental masters!" Kung hindi ko pa narinig 'yon ay iisipin kong mga fans lang sila ng Clash.

Power Within I: Fated to Meet (Revamped)Where stories live. Discover now