Allured 1 ※ Whys

7.8K 197 13
                                    

Alexis' POV

Agad kong nasipa ang isang lata na nasa daanan ko dahil sa inis. Nanggigigil na kasi talaga ako dahil kay Tita.

Hiniram niya kasi ang motorbike ko pagkatapos ay ibinalik na wala ng gas.

Hindi ko kayang magalit kay Tita kaya hindi ako nagsalita. Basta lang akong umalis kanina at hindi na nagpaalam pa.

"Alexis!"

Agad akong napatigil at tumingin sa lalakeng tumawag sa akin. Nakangiting kumaway siya sa akin at nilapitan ako.

"Puwedeng makisabay?" nakangiti niyang tanong.

Napakunot ako ng noo. Hindi ko siya kilala. Ni hindi ko pa siya nakikita sa kung saan man ako pumupunta.

Tinignan ko ang kaniyang damit. Simple pero nakatulong para ilabas ang angking kagwapuhan niya.

Natigilan ako nang makuha ng aking atensyon ang ID lace niyang kagayang-kagaya ng ID lace ng university na pinapasukan ko.

I looked into his eyes. "Do I know you?" seryoso kong tanong.

If a man is a bad person, I can see it by just looking at him or her but while looking at this guy in front of me, I can only see light aura.

Well, hindi ko alam kung keen-observer lang ba talaga ako o malakas talaga ako makaramdam ng mga taong dapat iwasan at hindi iwasan. Plus, the fact that I'm learning psychology to became a psychologist. It's making me easier to read a person like an open book.

"Ang laki pala talaga ng binago ng itsura ko. Ikaw na inaakala kong makikilala ako, hindi ako makikilala," sabi niya at tumawa.

Tinitigan ko lang siya.

Nababaliw na ba 'tong lalakeng 'to? Napailing na lang ako bago nagsimulang maglakad.

"Wait!"

Natigil ako sa paglalakad dahil sa kamay niyang naramdaman kong biglang hinawakan ang braso ko. Agad kong tinanggal ang braso ko sa pagkakahawak niya at umiwas ng tingin.

Ang totoo niyan ay hindi ako sanay na may humahawak sa akin. Okay lang sa akin kapag babae dahil lumaki akong kasama si Tita pero sa mga lalake, kung ako ay tatanungin, masasabi kong para akong sensitive sa kanila.

Lumaki ako na walang kaibigan. Oo, may mga kaklase akong nakakausap pero hindi ko sila kaibigan. Kahit sa mga nagdaang paaralan sa akin, walang naglakas ng loob na makipagkaibigan sa akin dahil sa angkin kong kamalditahan. Kaya ang itinuring ko na kaibigan ay tanging si Tita lang.

"So-sorry." Hingi niya ng paumanhin.

"Sino ka ba talaga?" tanong ko.

Ngumiti siya bago kinuha ang kaniyang bag at naglabas ng burger saka ibinigay sa akin. "Pablo Vermado."

Napataas ang aking kaliwang kilay. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa bago muling ibinalik ang tingin ko sa pagmumukha niya.

"Anong nangyari sa 'yo?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya saka kinuha ang burger na hawak niya.

Nawala ang ngiti sa kaniyang labi at napanganga. "Hindi mo ba nagustuhan?"

Napakibit-balikat ako. "Okay lang," sagot ko bago muling naglakad at binuksan ang burger na binigay niya saka kinagatan.

"Teka, sasabay ako!" rinig kong sabi niya bago nakisabay sa akin.

Walking distance lang naman ang university namin. Kahit na kaya ko namang lakarin, lagi ko pa ring ginagamit ang motorbike ko para maging service. Hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga nang maalala ko na naman ang motorbike ko.

Alluring Vixen #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon