ONE

129 3 0
                                    

"Mamà!'' tawag ko sa kanya habang kumakaway

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Mamà!'' tawag ko sa kanya habang kumakaway.

"Adelina!" Kumaway siya pabalik sa akin habang nakangiti. Nagtatatalon pa ako sa tuwa. Pagtingin ko sa stoplight ay kulay pula na ito. Berde naman para sa mga taong tatawid sa may pedestrian.

"Go, Mamà!"

Tumango si Mama at nagsimulang humakbang para tumawid. Nasa kalagitnaan na siya. . .nung may kotseng rumaragasa sa direksyon niya.

"Mamaaaaaaaaà~!" sigaw ko. Nagpalit palit ang tingin ko sa kanya at sa kotseng tumatakbo.

Mabilis ang pangyayari. Isang segundo, nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Sumunod na segundo, nakahandusay na siya sa kalsada. Walang malay. Duguan.

"Maaaaaa~!" muli kong sigaw.

Naririnig ko ang aking pag-iyak. Ang bawat paghikbi. Tumakbo ako papalapit sa kanya, sa aking mahal na Ina, ngunit napatigil ako nung may kotseng paparating sa kanan. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi na ako makagalaw. Napapikit na lang ako. Narinig ko na lang tunog nang pagsalpok ng kotse sa akin.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Bumulaga sa akin ang katawan ni Mama na duguan sa kalsada. At may katabi siyang babae. . .pinagmasdan ko siya. Kilala ko siya.

Ako. Ako ang babaeng iyon! Hindi siya ang ako noong anim na taong gulang pa lang pero ako ngayon na disinwebe anyos na. Wala nang malay. At duguan din sa tabi ni Mama.

 At duguan din sa tabi ni Mama

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I felt myself cyring to sleep. Kaya bumangon agad ako. Luminga-linga ako para tingnan kung ito ba ay realidad o panaginip pa rin. Napagtanto kong panaginip lang pala pero pakiramdam ko talaga ay totoo. Pakiramdam ko bumalik na naman ako sa nakaraan. Ilang beses ko na napanaginipan si Mama. Iyon at iyon lagi ang scenario sa panaginip. Ang pagkasaksi ko sa kanyang aksidente. Minsan naman ay napapanaginipan kong tinatawag nya ang pangalan ko. O kaya naman minsan, napapanaginipan ko yung mga masasayang alaala namin. Ito ang kauna-unahang panaginip na pati ako ay kasama nya sa pagkamatay. Isang bangungot! Its been nine years since Mama left pero hanggang ngayon nababalot pa rin ako ng kalungkutan.

I wiped my tears away. Dati kapag nagkakaroon ako ng masamang panaginip, nasa tabi ko si Mama. Pinapalma ako at binabantayan hanggang sa makatulog ulit. Pero ngayon...ngayon wala na siya. I am all alone. Even though I know that Papa and my stepmom are in the opposite room.

"Mama." I called her name, my voice breaking. I pulled my knees to my chest and wrapped my arms around them. Saka  ko pinagpatuloy ang pag-iyak. "Miss na kita." I miss you, Ma.

Narinig ko na lang ang pagbuhos ng ulan at ang pagkidlat sa labas ng bintana.

Narinig ko na lang ang pagbuhos ng ulan at ang pagkidlat sa labas ng bintana

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
LOST [ON-GOING]Where stories live. Discover now