Pag-amin

323 15 12
                                    

Tayo ay nagkakilala sa di inaasahang pagkakataon. Dito rin sa parkeng ito sa subdibisyon na pareho natin tinitirhan. Dito din sa parke na ito nagsimula ang pagkakaibigan na di maikakaila na tayo ay talagang naging malapit sa isa't isa.

Maraming nagkakagusto sa iyo, hindi dahil sa maganda ka, kundi dahil sa personalidad na meron ka. Personalidad na hindi mo gusto, ngunit sa iba iyon ang hinahangaan nila sa iyo.

Hindi ko din maitatanggi na sa bawat araw na dumaraan, unti-unting nag-iiba ang pagtingin ko sa iyo. Sino ba naman ang di mabibighani sa iyong matatamis na salita? Sa pagiging malambing, na kahit sino'y nakukuha mo ang loob, kahit pa hindi mo sinasadya.

"Alam mo, kapag nakangiti ka mas lalo kang gumaganda" Pagbibiro mo sa akin.

"Heto na naman po tayo, alam mo di mo ko madadaan sa paganyan-ganyan mo" Pambabara ko sayo. Maaaring sa ibang babae, uubra iyong galawan mo, pero sa isang tulad ko? Malabo.

"Susss! Kunyari ka pa! Eh alam ko naman na kinikilig ka!" Pasundot-sundot mo pa sa tagiliran ko. Sa totoo lang, pwede naman eh, pwede naman akong mahulog sayo, pero mas pinili ko na huwag. Dahil alam ko sa huli. Ako ang masasaktan. Ako ang talunan. Sapat na sa akin na gusto kita ng hindi mo alam.

"Kapal! Kaya ka napagkakamalan na babaero, dahil puro ka ganyan! Bakit hindi mo kaya subukan magseryoso?" Isa yan sa tanong ko sa sarili ko. Paano ba ako nagkagusto sa isang babae na di naman alam ang salitang SERYOSO .

"Seryoso naman ako ah!" Napalingon ako sayo, seryoso? Totoo?! Saan banda?.

"Teka nga! Ipaalala mo nga sa akin, kailan yang sinasabi mo na seryoso ka? Dahil sa pagkakatanda ko, ni minsan di ka nagseryoso ng babae! Palaging luhaan sa'yo ang mga babae mo" Totoo naman, dinaig mo pa kasi ang lalaki kung makapangulekta ng babae. Tsk. Tsk. Tsk.

"Seryoso naman talaga ako! Bakit ba ayaw mong maniwala? Akala ko ba kaibigan kita ha!" Sa totoo lang ibig kong matawa dahil sa kunot-noo mong itsura. Isa pa yan, haay. Nagiging cute ka ng di mo namamalayan.

" Sige nga aber! Sino ang sineryoso mo? At kung mapatunayan mo, hala sige ililibre kita ng paborito mong Ice cream!" Paghahamon ko. Mahirap na baka nag-uulyanin ako at may sineryoso siya ng di ko alam.

"Ikaw" Sagot niya. Anong ako?

"Pinagsasabi mo?" Kung kanina ay ikaw ang nakakunot-noo, parang ako na ata ngayon. Naguguluhan kasi ako sayo.

"Ikaw lang ang sineseryoso ko" Ngisi mo sa akin. Sarap mong tusukin. Alam mo ba yun?

"At bakit? Isa ba ako sa babae mo ha!" Napapataas ang boses ko sa mga pinagsasabi mo.

"Hindi pa, pero malapit na, at pag nangyari yun, asahan mo, seryoso pa sa seryoso ang ipaparamdam ko sa iyo" Sabi mo at nagulat ako ng dampian mo ako ng halik sa pisngi ko.

Nakaramdam ako ng kakaiba, kakaibang saya na may halong pagka-bigla, samahan mo pa ng mabilis na tibok ng puso ko na akala mo nakainom ng sandamakmak na kape at biglang naging hyper sa sobrang bilis.

"Hindi ako katulad ng ibang babae na nakilala mo, hindi din ako ang tipo ng babae na pala-gawa, mas gusto ko na sinasabi ko, hindi ako showy sa kilos, alam mo iyan, hirap akong ipakita, pero kaya ko naman iyon ipadama, pinag-aaralan ko din naman, alam kong sa ginagawa kong ito, maaaring masira ang pagkakaibigan natin, pero mas gugustuhin ko pa din na subukan kaysa makita kita sa piling ng iba" Hindi ako nakasagot, inoobserba ko pa kung totoo at seryoso ka sa mga sinasabi mo. Dahil alam kong may pagka tarantado ka! Malakas mantrip at walang pinipiling oras para mambadtrip.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Naririnig mo ba ang sarili mo? Huy! Gising! Inaantok ka lang ata eh" Bahagya pa kitang ini-uga para makasiguro ako na nasa wisyo ka.

Pero imbes na sumagot ka, agad mong inilapit ang mukha mo sa aking mukha, hindi man sobrang lapit pero sapat na para mapasinghap ako sa pagka-bigla. Mas nagwala pa lalo ang puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko, dahil parang lalabas na yung puso ko sa katawan ko. Hindi ako makahinga.

Inilalapit mo pa ng paunti-unti ang mukha mo, hindi ako makagalaw. Ramdam ko ang pagpipigil ko ng hininga, ni pagkurap hindi ko magawa. shit! Hahalikan na ba niya ako? Ang bilis naman ata! Sa isip-isip ko.

"Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, hindi ko man maipapangako, pero papatunayan ko sa iyo na seryoso ako, na kaya kong magbago para sa iyo, hindi dahil gagawin ko yun para sayo, kundi gagawin ko para maging karapat-dapat ako para sa'yo"

Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko ang labi mo sa labi ko. Para akong kiniliti, nakadama ako na may kung anong dumaloy sa sistema ko. Sa kabila ng kabang nararamdman ko, hindi ko pa din maiwasan ang hindi maging masaya. Kahit kasi papaano, hindi ako mahuhulog mag-isa.

Hanggang sa Muli.Where stories live. Discover now