Huling yugto

223 13 25
                                    

Ilang buwan na rin nung huli tayong nag-kausap, at hindi ko maitatanggi na sa ilang buwan na iyon ay wala kang ibang ginawa kundi ang patunayan na nagbabago ka, na hindi ka na lalandi pa sa iba.

Nakakahanga dahil sa kabila ng pauli-ulit kong pagsasabi sayo na panandalian lang ang pagiging sweet, stick to one, pursigo, pagiging maeffort mo ay heto di ka pa din sumusuko. Nakikita ko ang lahat-lahat ng ginagawa mo para lang mapatunayan na iba ka sakanila na wala kang ibang gagawin kundi ang pasayahin lang ako.

Sa ilang buwan din na yun, ni minsan hindi mo pa ako pinaiyak, either papatawanin mo ako at lalambingin. Hindi mo na din ako gaanong inaasar pero talaga atang hobby mo na ang mang-asar dahil minsan talaga yang bibig mo di mo napipigilan na mabwisit ako.

"Anong iniisip mo? " Napansin ko kasi na ang layo ng tanaw mo.

"Ikaw, kung ano ba tayo" Napatawa ako, parang sa araw-araw din kasi palagi mo akong kinukulit. Pero huwag kang mag-alala hindi rin magtatagal, mangyayari din iyon.

"Ang atat mo talaga noh?" Napailing ka lang, wari iniisip mo na ang pabebe ko masyado, pakipot akala mo ikinaganda ko to. Oh well, maganda naman ako, hindi ba?

"Kakaiba ka talaga" Napangiti na lang ako "Kamusta na ang puso mo? Napapasaya ba kita? Nahihilom ko ba ang sugat na naidulot sayo ng mga hayop na babaeng nanakit sa iyo? Bakit kasi pumili ka ng mga ganong klase ng tao, puro wala naman alam kundi ang pasakitan ka, ako nga sa paglalasing ko lang sumasakit ulo mo eh"

"Hindi lang dun! Pati kapag nababasted ka sa babae mo, kung makapagemote ka kasi akala mo naman naging kayo" Naalala ko yung unang beses na nabasted ka, tanda mo? Yung babaeng crush mo may sabit na pala. Hilig mo kasi sa pang artistahin, tapos diba wala kang ibang ginawa kundi ang humugot ng humugot, paulit-ulit ka pa na "bes ang sakit! Ang sakit-sakit dahil crush na crush ko siya, sa ganda kong to mas pinili niya ang suso, pakshet!" at ayun nakatanggap ka lang naman ng isang sapok sakin. OA mo kasi.

"Selos ka naman babe, alam mo naman na IKAW na lang ang babae ko ngayon, hindi na yun madadagdagan, ikaw na ang una't huli kong mamahalin"

Napalingon ako sa iyo dahil bigla kang kumanta.

Ikaw ang una't huling
Pag-ibig ng buhay ko
Kaytagal mang naghintay,
nandito kana aking habang-buhay.

Sinlinaw ng langit na bughaw,
hanggang sa dulo ako at ikaw
Iginuhit na ng tadhana
na tayong dalawa ay maging isa

Napakaganda ng iyong boses, sayang nga lang at hindi mo itinuloy ang pagsali sa isang music club sa eskwelahan natin.

"OA naman bakit naman yang kanta na yan ang kinanta mo? Malabo naman na maging huling babae akong dadaan sa buhay mo"

Nagulat ako ng hawakan mo ang kamay ko, sa ilang buwan hindi pa din nagbabago ang pagbilis ng tibok ng puso ko, sobrang bilis talaga na sa iyo ko lang naramdaman.

Tinitigan mo ako, na hindi mo naman madalas na gawin. Bigla akong kinabahan, para kasing masyado kang seryoso ngayon?

"Maniwala ka lang sa sinasabi ko, kapag sinabi kong IKAW na ang huli, ikaw lang talaga"

Napakunot ang noo ko, hindi naman ito ang unang beses na makarinig ako ng sinseridad sa boses mo, pero ito lang ang unang beses na kinabahan ako.

"Anong drama yan? Daig mo pa ang mawawala eh, umayos ka nga!"

Hanggang sa Muli.Where stories live. Discover now