Ano nga ba tayo?

196 9 2
                                    

Nagsimula kang mas maging malambing, natatawa pa ako minsan dahil hindi ka naman dating ganyan. Ni ultimo kasi pagbili ko sa tindahan, gusto mo pang sumama. Hindi ko tuloy alam kung kikiligin ba ako o mapipikon dahil sa panay buntot mo.

"Alam mo ang sungit mo no?" Pang-aasar mo na naman.

"So? Ano ngayon?"

"Tuesday, ba yan! Di tumitingin sa kalendaryo" Pilosopo mo noh?

"Ha.ha.ha. Alam mo bakit di ka mag-abogado? tutal napaka-pilosopo mo, napaka-makatwiran mo, bagay na bagay yun sayo!" Sarkastiko kong sabi sayo. Minsan talaga iniisip ko, sa dami ng babae, bakit ikaw pa yung natipuhan ko. Eh mas madalas mo pa akong mainis kaysa sa mapakilig eh.

"Kapag ba nag-abogado ako, mananalo ba ako dyan sa puso mo?" Ayun naman! May paandar.

"Pumipick-up line ka pa dyan! Kala mo naman ikinaganda mo yan!" Tanda mo pa ba nung pinagtatalunan natin yang pagiging pilosopo mo. Gusto kong hilahin iyang buhok mo, ng sa ganon matigil ka sa pamimilosopo.

"Igaya mo pa ako sa mga ex mo! Uyy! Iba to bes! Ganyan ka naman sakin, di mo ko pinapaniwalaan! Ikaw tong hindi seryoso!" May pagduro-duro ka pang nalalaman, akala mo naman inaapi ka. Hay nako. Pasalamat ka talaga eh.

Hindi na ako umimik, minsan masaya sa pakiramdam yung ganito lang, magkatabi, na tipo kahit wala tayong binibigkas na salita, sapat na yung presensya ng isa't-isa, mas dama ko, dahil alam ko na sa paglingon ko, makikita ko ang mga ngiti mong pang-asar pero alam kong totoo.

"Ano ba tayo?" Nabigla ako sa tanong mo.

"Magkaibigan? Ano ba sa tingin mo ang meron tayo?"

"Hindi ba pwedeng ilevel-up ang friendship natin? Kasi kung ako ang tatanungin? Ayaw kita maging kaibigan, gusto ko ng higit pa doon, gusto ko ako lang ang bibigyan mo ng atensyon mo, yung titingnan mo sa mga mata at ngingitian mo, gusto kong ako hahawak ng mga kamay mo, iiyak tayo, kikiligin, matatakot ng sabay sa mga movie na pinapanood natin. Gusto ko akin ka lang, magmula pa noon, nakatanaw lang ako sayo, masama man pakinggan pero minsan ko ding hiniling na maghiwalay kayo ng ex-girlfriend mo, dahil hindi mo deserve ang mga ginagawa niya sayo"

"T..totoo ba yan?" Parang tanga kong tanong sa iyo, nainis pa nga ako sa iyo eh, dahil tinawanan mo ako na para bang nakarinig ka ng isang biro. Tinapik kita at maagap mo na napigilan. Hayan na naman ang kuryente, sa simpleng pagtama palang ng ating mga balat, para na akong napapaso, ngunit imbes na masaktan, para pa akong natuwa at parang unti-unting nalulusaw sa mga titig mo. Hindi ko napigilan ang ngumiti.

Agad mo akong niyakap, yakap na napakahigpit na parang ayaw mo akong pakawalan pa. Ang saya ko. Sobra. Sana hindi ka nagbibiro dahil ako? Walang biro, gusto din kita noon pa man, takot lang akong aminin dahil isa kang player.

Takot akong maging isa sa mga babae na nahulog sayo, maging isa sakanila na sa bandang huli, iiwan mo lang din na luhaan.

"Gusto mo rin ba ako?"

"Hindi ko alam? Masyadong mabilis ang lahat, aaminin ko espesyal ka sa akin, pero hindi ibigsabihin nun ay dapat na tayong pumasok sa isang relasyon, hindi iyon biro, alam mo yan. Ayokong maging isa sa babaeng paiiyakin mo lang"

Oo gusto kita, gustong-gusto ko aminin iyon pero bakit ganon? Hindi ko maialis ang takot ko, kaya din nagdadawalang isip ako na umamin, hindi dahil sa hindi ako sigurado sa damdamin ko, sigurado ako, walang duda, ang di lang ako sigurado at kung kaya ko na ba ulit? Kaya ko na ba ulit magmahal, masaktan at magtiwala dahil hindi lingid sa kaalaman mo ang mga pinagdaanan ko sa huling babaeng minahal ko.

"Labo! Ayoko maging special someone lang para sayo, ang gusto ko maging tayo"

Napatingin ako sayo, inoobserba ko kung nagsasabi ka ba ng totoo. Ito ang problema sa akin, may trust issues ako kaya nga hindi ko maibigay ang sagot na gusto mo, dahil hindi pa ako totally nakakamove on sa nakaraan.

"Please Rie, kung natatakot ka dahil baka masaktan ka, umiyak ka, please huwag. Huwag kang matakot mahalin ako, hindi ako mangangako, pero handa akong patunayan araw-araw na hindi kita sasaktan"

"Ewan ko Sam, gusto ko kung magiging tayo man, yung buo na ako, yung kaya ko ng mahalin ka na hindi ko naaalala ang sakit na naidulot sa akin ng nakaraan. Magiging unfair ako sa iyo kung, sasagutin kita pero hindi buo ang tiwala ko sayo. Hindi yun maganda para sa isang relasyon. Mauunawaan ko kung hindi mo na maipapagpatuloy ang pagkagusto mo sa akin, pero ayoko masaktan kita ng dahil lang sa di pa ako tuluyang nakakalimot"

"Nauunawaan ko, hindi ako susuko, hindi ganoon kababaw ang nararamdaman ko para sumuko ng ganun-ganun lang, pero sana Rie, matuto kang tulungan ang sarili mo na makalimot, hindi ako ang ex mo, hindi ibigsabihin na niloko ka ng dati mong minahal, ay lolokohin ka din ng panibagong magmamahal sayo. Hindi ibigsabihin na nasaktan ka sa dati mong minahal, ay sasaktan ka din ng taong handa magmahal sayo at lalo naman hindi ibigsabihin nasira na ang tiwala mo, ay hindi na yan kayang buuin ng taong nariyan para lang sayo"

Hindi na ako nakasagot dahil agad ka na rin lumakad papalayo.

Hindi ko namalayan na lumuluha na ako, sabi nila kung hindi siya nakalaan para sa iyo, ibigsabihin lang nun ay nakalaan siya sa iba. Kaya siguro ako nasasaktan dahil ibinigay ko na ang lahat pero sa huli naiwan pa din akong nag-iisa.

Hanggang sa Muli.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon